I beautifully smiled in front of a large mirror upon looking at my reflection. I am wearing an off-shoulder, blue ombre embroidered ball gown partnered with an elegant rose gold heel with intricate vine design. I love how my makeup artist did my face tonight. I can't help but praise the team who made me look like a living Disney princess in 2035.
Tonight, the whole country will celebrate my 13th birthday. This party would surely mark the date in the Philippine history because of its extravagance. Starting from the details of the venue, luxurious cake and gown and of course, the guest list of my party. Everyone from the upper class family is invited, almost all of the largest business tycoon will attend and I am sure that most of the guests will be politicians. Different TV stations will cover the whole program.
"I can't believe that you are now a grown-up lady," Lolo said with a small hint of tears in his eyes.
"Why did you grow up so fast, apo? You were still this naughty, little, three-year-old kid when I first had a glance at you." He weakly smiled while looking at me with full adoration.
Lumakad si Lolo palapit sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakaharap sa malaking salamin habang patuloy na namamangha sa aking sarili. Hindi ako makapaniwalang ang nakikita ko ngayon sa harap ng salamin ay ang aking sarili, I never thought that I am allowed to look majestically perfect, even once in my life.
Ang kulay ng aking mata ay mas lalong nadepina dahil sa perpektong pagkakalagay ng eyeshadow. Maingat ding iginuhit ang kilay ko, maging ang aking pisngi ay maayos na nakulayan ng iba't ibang kolorete. Gustong-gusto ko ang ayos ko ngayong gabi. Ang mahabang tuwid na buhok ko'y bahagyang umikli dahil sa pagkakaalon nito.
"You're being sentimental again, Lolo. Don't tell me you plan to wail while giving your speech later?" nakangising tugon ko kay Lolo habang nakatingin sa repleksyon niya.
"Haha, you never like my sentiments, eh?"
Umirap ako at ngumuso sa kaniya. "Lagi mo naman akong nakikita, bakit sa t'wing nag-uusap tayo, lagi kang parang naiiyak, Lolo?" The first time I had a serious conversation with Lolo, I remember him having that same, worn face and teary, red eyes.
"It's because every time I see you, I can't help but feel genuinely happy. Laging nagagalak ang puso ko sa t'wing masisilayan ko ang apo ko, para bang araw-araw kong kaharap ang batang bersyon ng lola mo."
"Do I look like Lola Anastasia that much?"
Maraming nagsasabi na malaki raw ang pagkakahawig ko sa yumao kong lola. Katulad ko ay banyagang-banyaga raw ang hitsura nito. Mula sa hugis ng kaniyang labi, matangos na ilong, malalim na mata, kapal ng kilay, at pagkapilantik ng pilikmata nito. Ang tanging pinagkaiba lang naming dalawa ay ang kulay ng aming mga mata.
Lola Anastasia's eyes resemble the turquoise color of the ocean, it shines brightly especially at night. She's a Russian-American woman who grew up in the Philippines. Her natural, milky smooth skin makes her even more gorgeous. Bagay na bagay sila ni Lolo Felix, sa t'wing magtatabi nga raw ang dalawa ay tiyak na mapapalingon ang mga makakasalubong.
Tumango sa akin si Lolo at saka ako hinawakan sa balikat. Hinarap niya ako sa kaniya at buong pusong tinitigan sa mata. "You are the young version of my Anastasia Hopskin Sawyer, the only feature you differ from her is your metallic, gray eyes. You have the most beautiful eyes in the world, Lhexine."
"I don't think so, Lolo. Mas gusto ko ang kulay ng mata ni Lola Tash, she has the rarest eye. Sana ay ganoon na lang ang naging kulay ng mata ko," nakanguso kong sambit.
Habang patuloy kaming nag-uusap ni Lolo tungkol kay Lola ay pumasok si Mr. Theofilo. His dark eyes bore into my direction, without even smiling, he shifted his gaze at Lolo. Kahit kailan talaga ay napakalamig ng tungo sa akin nito, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, pero para bang laging galit sa akin ang matandang iyon!
"The Russian Minister, together with his team, is already at their designated seat, Mr. President. They are all waiting for you," malamig na sabi nito.
Agad kong ibinaling ang tingin kay Lolo. Nakita kong tumango ito. "Kasama po ba si Uncle Rhodes? He'll be here?" agaran kong sabat sa usapan nila.
Hindi na nag-abala pang sumagot si Mr. Theofilo, hinintay nitong sumama sa kaniya si Lolo, ngunit sinenyasan lamang siya ni Lolo kaya nauna na itong lumabas ng silid. Muling ibinalik sa akin ni Lolo ang kaniyang tingin. Wala na ang bakas ng luha sa kaniyang mata, seryoso rin ang kaniyang ekspresyon.
"Everyone is here tonight. As my granddaughter turns into a fine lady, we will officially declare how the Philippines will change the world through the successful creation of the New Robonation Project. I'll make sure that the world will remember today's date."
Hindi ko alam kung bakit kumalabog ang dibdib ko. Hindi ito dahil sa kagalakan o excitement, malinaw sa akin na dahil ito sa takot. Tila ba hinaplos ng kung anong alalahanin ang puso ko, iba't ibang nakatatakot na posibilidad ang dumaan sa isip ko. Gustong-gusto kong sabihin ang lahat ng nararamdaman ko kay Lolo.
I want to tell him all my worries and what ifs for tonight. I want to stop whatever we have for tonight's party, because the worry inside my heart continuously grew as minutes continued to pass.
Yet, I chose to remain silent. I did not utter any words to stop everything because I selfishly want to showcase the world how glamorous I can be for tonight. I chose to kick aside all my sudden worries, I did not say anything to Lolo.
Everything's perfect, we have the cake, the gown, the jaw-dropping details of the venue, the guests and our security is very tight. What could possibly go wrong, right?
"Woah, she's beautiful."
"I love how they did her face, ang ganda niya!"
"Wait, am I looking at Anastasia Hopskin? They look exactly the same!"
Maraming napasinghap nang makita ako. Naging mabagal ang ginawa kong paglalakad pababa sa grand staircase ng hotel. Dinama ko ang mga pangyayari na tila ba isa akong prinsesa. Sa aking isip ay lahat ng mga nasa babang nakatingin ngayon sa akin ay mga bisita mula sa ibang karatig na palasyo. Lahat sila'y nakasuot ng kani-kanilang mamahaling gown, mga nakasakay sa napakagandang uri ng kabayo.
The awe and adoration in their eyes made me smile even more. I can't stop roaming my eyes around the fantastic venue, everything looks incredibly amazing. From the enchanting chandeliers on the ceiling, the intricate design of flowers and vines at the wall, and also the golden throne waiting for me to fill in.
Ang amoy ng mabangong pagkain na nakahilera sa gilid, mga nakatayong service crew, nagkalat na guwardiya sa paligid para panatilihin ang kaligtasan ng lahat. Hindi ko inisip na ang perpektong gabi na iyon pala ang tatapos sa tahimik kong buhay. Isang gabi na dapat puno ng nagliliwanag na mga ilaw, isang gabi na dapat ay puro kasiyahan at pagdiriwang lamang. Sa gabing iyon pala ang magiging simula ng walang katapusang digmaan.
"Secure the president!" tila kulog ang boses ni Mr. Theofilo nang isigaw niya iyon.
Habang nagkakasiyahan ang lahat sa panunuod ng video presentation na inihanda ay biglang namatay ang ilaw. Ang holograpic screen ay tila nasira, nagpalit-palit ito ng kulay bago tuluyang nagdilim. Napuno ng takot ang buong palapag. Nang mabuhay ang holographic screen, isang nakatatakot na pangyayari ang nasaksihan ng lahat.
Isang lalaking may suot ng nakatatakot na maskara habang nakaupo sa silya sa loob ng isang madilim na silid. Nag-iisa lamang siya roon ngunit ang hatid niyang kilabot ay para sa lahat. May hawak itong isang b***l habang tumatawa na tila demonyo.
Ang upos ng sigarilyo niya'y nagkalat sa sahig, hindi ko halos matitigan ang kinalalagyan niya dahil sa nakasusukang background niya. Mga nakahandusay na katawan, bali ang leeg at ang iba'y nababalutan ng dugo ang buong mukha. Did he kill all those people with him?
"They are hacking the main system! They implanted a virus to counter strike our security lock," natutulirong pahayag ni Mr. Romualdo, ang head of techonological security ni Lolo.
"A...a-nong nangyayari?" kinakabahan kong tanong subalit wala ni isa sa mga nakarinig ang nag-abalang sagutin ako.
Naramdaman kong pumalibot sa akin ang mga security team na nakatalaga para protektahan ako. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Kuya Ricky, ang head ng security ko. Lumingon ito sa akin habang nagtatagis ang kaniyang bagang, halatang tensyunado siya.
Namatay ang ilaw na nagmumula sa mamahaling chandelier, maging ang mga lamp post sa paligid ay nawalan din ng buhay. Tanging ang holographic screen lang ang natitirang may liwanag. Agad na naglabas ng mga flashlight ang mga tao para magsilbing liwanag subalit hindi ito naging sapat para mapawi ang aking takot.
"K...K-uya, may problema po ba? Bakit nawalan ng power? Nagkaproblema po ba sa electricity?" Pinilit kong huwag manginig ang boses ko habang nagsasalita subalit bigo ako.
Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko. Alam kong may kakaibang nangyayari dahil sa mga bulungan ng aking mga bisita. Nagkakagulo rin ang mga tauhan ni Lolo maging ang iba pang kawani ng gobyerno. Lahat sila ay tila nagtatalo habang pinapanatiling kalmado ang mga boses subalit kapwa mga bigo.
"Happy birthday, young miss." Umalingawngaw ang nakatatakot na boses ng lalaking nakamaskara.
"Pasensya na at narito ako ngayon kahit na hindi mo ako inimbita sa selebrasyong ito. Nakatatampo nga talaga na lahat ng aking mga kaibigan ay narito, pero wala ako," nang-uuyam na wika nito.
Pakiramdam ko ay direkta itong nakatitig sa akin. Hindi ko man tuluyang makita ang mata nito'y parang nararamdaman ko iyon. Tumaas ang aking balahibo nang dahil sa sobrang takot, sino siya?
"I am sorry for gate crashing your wonderful birthday celebration. I just want to say hi to your grandfather."
Tumayo ako sa aking inuupuan. Gusto kong lapitan si Lolo dahil natatakot na ako. Ang kaninang akala ko na nawalang pag-aalala sa sistema ko ay muling nagbalik. Bumalik ito nang mas matindi pa, naiiyak na ako. Bakit ganito? Maayos lang ang lahat kanina, bakit naging ganito?
"Stay where you are, young lady. Please don't walk around, it's for your own safety." Pinigilan ako ni Kuya Ricky sa akmang pagbaba sa maliit na entablado.
Ang higit sa limang security team ko ay nadagdagan pa batay sa utos ni Lolo. Lahat ng mga nakapalibot sa akin ay nakaalerto, hawak ang kanilang b***l sa posibleng maaaring mangyari.
"Hello, Mr. President! I bet you already know who am I and why am I here for?" Muli itong nagpakawala ng isang makapanindig balahibong halakhak bago nagpatuloy sa sinasabi, "You should have listened to your friends when they told you not to continue this project. When Dr. Ben asked you to slow down the creation of superintelligence."
Pumangalumbaba ang nakamaskarang lalaki habang naka de kwatro pa ito ng upo. "Hindi ka pa ba nadala nang mamatay ang iyong anak at manugang nang dahil dito? Kulang pa ba ang buhay nila para tigilan mo ang kahibangan mong ito? Baka gusto mong isunod ko ang pinakaminamahal mong apo, Mr. President."
Mas lalong nagkagulo ang lahat nang marinig ang tinuran ng lalaki sa holographic screen. Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at saka dahan-dahang naglakad palapit sa kamera habang ang kamay ay abala sa pagkalikot sa hawak niyang b***l. Walang awa niyang tinatapakan ang katawan ng mga taong nakahandusay sa sahig. Wala siyang puso!
"Check all the emergency exits, maintain your positions and always secure the president!" boses iyon ni Mr. Theofilo.
"Look at what happened, Felix! Ito ang sinasabi ko sa 'yo, ano na ang gagawin mo ngayon kung tuluyan nilang makontrol ang mga NADA?"
"They will surely eliminate all of us, we need to kill them first before they begin to strike us!"
"I will contact all the robotic engineers from all the robotic company right now, we need all the help we could get. We should not let them access the mother board, or else, we'll all die!"
Hindi ko makilala kung kani-kaninong mga boses iyon. Nag-uusap ang lahat na tila may iisang isip sila. Hindi nila tuluyang binibigyang diin kung ano ang kanilang tinutukoy subalit tila alam na ito ng lahat. Mukhang ako na lang yata ang walang ideya sa pinagtatalunan nila.
"Silencio! Sinabi ko ba na p'wede kayong magsalita habang nagsasalita ako?" Malakas ang sigaw ng lalaki mula sa holographic screen.
"Mga kilala pa naman kayo sa matataas na posisyon, pero hindi kayo marunong ng kabutihang asal? Tama ba ang sumingit habang may kausap pa ang isang tao?" Tila nauubusan na ito ng pasensya base sa diin ng kaniyang pagsasalita. Itinutok nito ang b***l sa harap ng kamera, bago kalabitin ang gatilyo ay muli itong sumigaw nang napakalakas. "Happy birthday, Lhexine Manuela Sawyer, enjoy my f*****g gift!"
"Ah!" Isang malakas na tili ang gumulantang sa amin kasabay ng pagkabuhay ng mga ilaw.
Bumagsak mula sa itaas ang isang babaeng parte ng service crew. Duguan na ito nang lumagapak sa sahig ang kaniyang katawan. Napuno ng sigawan at iyakan ang buong bulwagan nang dahil sa nasaksihan. Bali ang leeg nito maging ang kaniyang dalawang braso, tila ba pinilipit ito hanggang sa tuluyang ma-dislocate ang mga buto at saka inihagis pababa rito sa aming harapan.
Halos ang lahat ng ulo ng mga bisita ay sabay-sabay na lumingon sa itaas para makita kung sino ang may gawa ng paghulog sa babae. Nanlaki ang aking mata sa sobrang takot nang makita ang mga robot na sabay-sabay nabuhay.
"Putangina, hindi ko na makontrol ang mga NADA. Tuluyan nang nag-shutdown ang system nila sa control board!" biglang sigaw ng isang lalaki. Sa aking palagay ay siya ang pinuno ng team na naka-assign na kokontrol sa mga NADA.
Ang dating kulay asul na ilaw sa mata ng mga NADA ay napalitan ng pula. Sa kanilang noo ay rumehistro ang pulang ilaw, tanda na nasa warning state ang mga ito. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot, hindi ko mapigilan ang tuluyang pagkawala ng mga hikbi sa aking bibig.
"Lolo!" malakas na sigaw ko nang magsimulang umulan ng bala.
Nagkagulo ang lahat, kani-kaniyang takbuhan para mailigtas ang sarili. Umere ang walang humpay kong sigaw habang patuloy sa pagprotekta sa akin ang mga bodyguards ko. Nang makita ko si Lolo ay pilit akong kumawala sa mga nakapalibot sa aking mga lalaki. Tumakbo ako patungo sa direksyon ni Lolo habang hawak ang makapal at mahabang saya ng aking gown.
Ilang beses akong nadapa dahil sa mga nagkalat na katawan sa sahig. Ininda ko ang naramdamang sakit sa paa para lamang tuluyang makalapit kay Lolo. Umiiyak ako habang inaalis ko ang kanina lamang ay hinahangaan kong sapatos. Itinapon ko ito palayo para tuluyan akong makatakbo palapit sa direksyon ni Lolo ng walang hirap.
"Lhexine!" Bumakas ang pag-aalala sa mata ni Lolo nang magtama ang aming tingin.
Ang takot ay agad na rumehistro sa kaniyang mukha nang mapatingin sa aking likod. Halos hindi ko marinig ang sarili kong iyak nang umalingawngaw ang malakas na putok ng b***l sa aking tabi. Nanlalaki ang mata kong nilingon ang aking likuran, nakahandusay sa sahig ang isang robot habang sabog ang ulo nito.
"C...C-assidy!" tila nabuhayan ako ng loob nang makita sa aking gilid ang kaibigan kong robot.
Paano nangyari na hindi siya nakokontrol ng mga tao sa likod ng pangyayaring ito? She is also one of them. She's the first humanoid robot, the first superintelligence that introduced the new world to the Philippines.
"Young lady," pormal na bati sa akin nito.
Hinatak niya ako patungo sa kaniyang likuran nang muli ay muntik akong tamaan ng bala. Sa harap mismo ng aking mata ay nakita ko kung paano walang hirap na hinawakan ni Cassidy ang leeg ng isa pang robot. Pinalipit niya ito at saka hinatak hanggang sa tuluyang mahugot ang ulo nito mula sa katawan. Nagkislapan ang mga cable na nakatugon sa ulo at leeg ng robot hanggang sa tuluyang namatay ang kulay pulang ilaw sa noo nito.
"I am sorry for taking so long. Did they touch you?" malamig na sambit sa akin ni Cassidy.
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling bilang tugon sa kaniya. Gusto kong magsalita ngunit wala akong makapang boses sa aking lalamunan. Ang lakas ko rin ay unti-unting nawawala, nanginginig akong yumakap sa kaibigang robot.
"Thank you. Thank you, Cassidy," lumuluhang sambit ko.
Walang iba na nakalapit sa amin dahil sa agad kaming pinalibutan ng aking mga security team. Nawala ang takot na kanina lang ay dumadagundong sa aking dibdib, I finally feel safe.
"You don't have to thank me, young lady. It is my ultimate duty to protect you from the enemies. I was created to ensure your safety, I was born to die for you, Miss Lhexine."
Mas lalo akong naluha nang marinig ang tinuran ng kaibigan. Umiling ako bilang pagpapakita na hindi ko tinatanggap ang tinuran niya.
"No, thank you for staying on what you are. Salamat dahil hindi ka naging katulad nila," sagot ko sa kaniya.
Buong akala ko ay pati si Cassidy tuluyan na ring nakontrol ng mga kalaban. Akala ko'y tuluyan ko nang hindi makakasama ang kaibigan kong ito. Dahil alam kong sa oras na masakop ng mga kalaban ang main system ng NADA, the government will not hesitate to destroy them.
"They can never control me. My system was updated in the most advanced and newest version of NADA. It will take them years and years for them to finally breach and decode my trillion codes."
Kung hindi lang siya tila robot na magsalita, tiyak na mapagkakamalan ko na siyang tao. Her ability to make decisions on her own based on the program installed on her system made her more of a human. She's indeed the future of every NADA.