Uncountable Deaths

2198 Words
"Young Lady, kailangan niyo ng makaalis dito sa lalong madaling panahon." Tagaktak ang pawis sa noo ni Kuya Ricky habang patuloy na nakikipagpalitan ng putok. Ilan sa mga kasama nitong nakapalibot sa amin ay may mga tama na rin ng bala. Marami ang mga katawang nakahandusay sa sahig, ang dugo ng mga tao ay nagkalat sa paligid. "Sumama kayo kay Lando, he will lead you to the emergency exit. Sa labas ay may naghihintay na van para makasakay kayo at makaalis na rito. My team will cover you until you reach the emergency exit, sisikapin naming harangin ang bala para hindi kayo matamaan." Naiiyak ako habang tumatango sa sinasabi ni Kuya Ricky. Ayoko mang umalis dito nang hindi sila kasama ay alam kong kailangan. Mas magiging pabigat ako kung pipiliin kong manatili rito. "Cassidy, where's Lolo?" umiiyak na tanong ko sa kaibigan. Mabilis niyang inikot ang kaniyang tingin na tila sinusuri ang paligid. Huminto ang kaniyang tingin sa isang pinto, maya-maya'y itinuro niya ito sa akin. "Mr. President is with Mr. Theofilo, they are heading to the left wing of this building." Bahagyang napanatag ang loob ko nang marinig ang tinuran ni Cassidy. Kung kasama niya ang kaniyang sekretarya ay wala na akong dapat na ipangamba. Hindi kailan man pababayaan ni Mr. Theofilo si Lolo, he will protect his President whatever it takes. "Young Lady, umalis na kayo!" nagmamadaling sambit ni Kuya Ricky nang isa na naman sa mga kasamahan niya ang nabuwal nang tamaan ito ng bala sa dibdib. Bukod sa malalakas ang mga robot ay magilas din ito. Mabilis ang kanilang kilos at halos hindi masundan ng mga kasama namin. "Come on Cassidy, umalis na tayo." Hinawakan ko ang kamay ni Cassidy at tumalikod. Umamba akong tatakbo kasama si Kuya Lando ngunit natigil ako nang maramdamang hindi kumikilos ang kaibigan. Nakatayo lamang ito sa kaniyang puwesto habang nakatingin ng diretso sa akin. Muling umalpas ang kakaibang takot sa dibdib ko nang dahan-dahang umiling sa akin ang kaibigan. "I can't go with you, Young Lady. I need to stay and help them," sagot ni Cassidy. Mabilis akong umiling sa kaniya at marahas na ipinadyak ang aking paa. Mariin kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata. "No, you will come with me. You just said that your ultimate duty is to protect me, how would you do that if you'll stay here?" "Young Lady!" muling sigaw ni Kuya Ricky. Hinawakan na ni Kuya Lando ang aking balikat para akayin ako paalis ngunit hindi ko hinayaang madala niya ang katawan ko. No, I am not gonna leave without my friend! "There is no other way to protect you, but to stay and deactivate the virus. They need my help in decoding so that we may reboot the system and have the access to the control function and stop the chaos, Young Lady." Nauunawaan ko ang gustong iparating sa akin ni Cassidy. Hindi biro ang gulong ito, alam ko na kung hindi maititigil ang kaguluhang ito ngayong gabi ay mas lalala ang magiging pinsala nito. Hindi lamang kaming mga narito ang apektado kundi maaaring pati ang buong bansa. Ito ang kinatatakutan ko noon, ang sakupin ng mga robot na ito ang mundo. Guns and bullets are not enough weapon to kill them. These humanoid robots are made up of steel, they may seem to have skins like us, but they still don't bleed. They don't die that easily unless you shot them straight in their forehead where the power source is located. The information and technology specialist may also try to enter the control board to regain the access to its function. However, it will take months or even years to finally breach the control and security system. At sa panahong naghihirap pa ang mga dalubhasa para mapasok ang system ng mga NADA ay tiyak na maghahari ang kaguluhan sa buong bansa. "Then, make sure you'll be safe. Please take care of Lolo," lumuluhang pagpayag ko. Hindi rin nagtagal ay tuluyan akong nahatak ni Kuya Lando. Agaran ang pagprotekta ng mga kasama ni Kuya Ricky upang alalayan kami habang tumatakbo patungo sa pinakamalapit na emergency exit. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ko ay naabutan ko kung paano mabilis na kumikilos sa Cassidy. Tumatakbo ito patungo sa mga ka-uri niya at walang pagdadalawang isip na pinipilipit ang leeg bago ihiwalay ang ulo sa katawan. Ang mga armadong mga tao naman ay pilit siyang pinauulanan ng bala ngunit bigo ang mga ito na tuluyan itong masira. Sinasangga lamang ni Cassidy ang mga balang tumatama sa kaniya gamit ang kaniyang braso. Cassidy is special. Unlike any other NADA whose mainly composed of steel, Cassidy is made up of titanium, the strongest metal on Earth. They can't destroy Cassidy using those filthy guns. They gonna need to chain her first then fire her using their most powerful grenade to take her down. “Dito tayo Young Lady,” hinihingal na sambit ni Kuya Lando. Nanlalabo ang mata ko habang patuloy na tumatakbo. Hirap na hirap akong ihakbang ang paa ko dahil sa mga sugat na mayroon ito. Nakatapak lamang ako ngayon dahil kanina ko pa inalis ang suot kong heels. Ang mahaba kong gown ay nagpapabagal sa akin sa pagtakbo. Mabilis na binuksan ni Kuya Lando ang pinto ng exit. Sa wakas matapos ang mahabang pagtakbo ay nasa basement na kami. Nanlaki ang mata ko nang makitang wala pa roon ang van na sinasabi ni Kuya Ricky. “s**t!” problemadong usal ni Kuya Lando. “Nasaan na po ang van Kuya? Ang sabi ni Kuya Ricky ay naghihintay iyon dito pero bakit wala pa?” Ang takot sa dibdib ko ay mas lalong lumala. Humarap sa akin si Kuya Lando, ang mata niya'y halos magdilim dahil sa nararamdamang tensyon. “Ilang minuto pa po bago sila makarating dito. Nakontak ko na sila Brandon, ang sabi nila'y nakikipagbakbakan daw sila ngayon. Tinambangan sila ng mga armadong lalaki at kasalukuyan silang nakikipaglaban din.” Umalpas ang malakas na hikbi sa akin. Agad kong itinabon sa mukha ko ang palad para pigilan ang malakas kong hagulgol kasabay ng mabilis na pagragasa ng luha palabas. “W-what? Paano na iyan?” taranta kong tanong. Muling nagpakawala ng malutong na mura si Kuya Lando nang muli ay may narinig kaming putok ng b***l. May nakasunod sa amin! Mabilis na hinatak ako ni Kuya Lando patakbo. Nagtago kami sa makapal na haligi ng basement. Dalawang kamay na ni Kuya Lando ang may hawak na b***l. Patuloy siya sa pag-usal ng mura habang nakikipagpalitan ng putok. Bahagya kong sinilip ang paligid, nahintakutan ako nang makitang nasa sampung kalalakihan ang nagpapaulan sa amin ng bala. Dahan-dahan ang paglapit nito sa pinagtataguan namin. “Kuya!” malakas na sigaw ko nang tamaan ng bala ang braso ni Kuya Lando. Mabilis na umagos ang dugo ro'n, agad na namula ang kulay puting damit ni Kuya Lando. “A-ayos lang ako, Young Lady.” Mabilis na inikot niya ng tingin ang paligid. Tumingin siya sa kaniyang wristwatch at habang hinihingal pa. “Tatlong minuto,” usal nito at saka hinarap ako. “Kailangan kong tumagal ng tatlong minuto para mapanatili ang kaligtasan niyo, Young Lady. Matapos ang tatlong minuto ay nariyan na ang back up na hinihintay ninyo, kung hihigit pa sila sa oras na sinabi nila ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pang tumagal.” Kumunot ang noo ko sa kaniya. Hindi ko maunawaan ang sinasabi ni Kuya Lando, sino ba ang hinihintay naming back up? Muling sumilip si Kuya Lando para bumaril. Nabuwal ang dalawang kalaban nang matamaan niya ito sa dibdib. Tunay na mahusay ang mga security team na pinagkakatiwalaan ni Lolo, hindi ko alam kung saang agency niya nakuha ang mga ito. Bihasa sila sa kanilang mga tungkulin, asintado ang pagbaril, magilas at mukhang sanay na sa ganitong gawain. “Pagkabilang ko ng tatlo ay tumakbo ka patungo roon.” Itinuro ni Kuya Lando ang isa pang poste hindi kalayuan sa pwesto namin. “Susubukan kong sumunod, Young Lady. Ngunit kapag 'di ako nakasunod ay bilisan mo na ang takbo patungo sa itim na kotseng iyon. Doon ka pansamantalang magtago hanggang sa dumating na ang tropa nila Brandon.” Tumatagaktak ang pawis naming dalawa. Kung pagod ako ay alam kong mas pagod si Kuya Lando kaya wala akong karapatan na magreklamo. Bago muling bumaril si Kuya Lando ay hinawakan ko ang braso nito para bumaling sa akin. “Mag-iingat ka po, maraming salamat din dahil hanggang sa huli ay pinoprotektahan ninyo ako,” taos sa puso kong pasasalamat sa natitirang bodyguard ko. Bumakas ang gulat sa mata nito, mukhang hindi niya inasahan na pasasalamatan ko siya. “W-wala po kayong dapat na ipagpasalamat, Young Lady. Binabayaran ako para siguraduhin ang kaligtasan ninyo.” Alam ko. Pero para sa akin ay walang katumbas na pera ang buhay. Kahit gaano kalaking salapi ang itapon sa iyo ay hindi nito matutumbasan ang halaga ng buhay. Kung tutuusin ay maaari namang iwan na niya ako at isalba ang buhay niya. Walang makakaalam na tinakbuhan niya ang kaniyang tungkulin dahil tiyak naman na hindi ako makaliligtas ng buhay kung sakaling gawin niya iyon. But he did not. He bravely faced the raging fire just to protect me. And even though he is bathing with his own fresh blood, ito pa rin siya at patuloy na nilalabanan ang sakit para sa akin. It is not about money, this is about loyalty and responsibility. Ngayon ko lang lubos na naunawaan ang kahalagahan ng dalawang iyon, I never thought that it could save a life. “Sige na po, kailangan niyo ng magmadali dahil palapit na sila,” sambit nito at saka nagsimulang magbilang bilang senyales ng aking pagtakbo. “Isa... Dalawa... Tatlo!” Isinigaw nito ang huling bilang kasabay ng kaniyang buong tapang na paglabas mula sa pinagtataguan. Pinaulanan niya ng bala ang mga bandidong lalaki, saglit kong ibinaling kay Kuya Lando ang aking tingin bago tumakbo. Kahit nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha ay malinaw kong nakita kung paano tamaan ng bala si Kuya Lando sa binti, braso at iba't ibang parte pa ng kaniyang katawan. Malakas ang sigaw niya habang patuloy na bumabaril, ilang beses na muntik siyang mabuwal ngunit nilabanan niya ito. Diretso ang pagbaril niya kahit na puro tama siya ng b***l. “Putangina niyo ako ang harapin niyo!” tila kulog ang boses niya. Nang makarating sa posteng pagtataguan ay muli kong ibinalik ang tingin kay Kuya Lando. Nakita kong bumulagta ang isa pang kalaban nang tumama ang bala sa kaniyang noo. Ito marahil ang nagtangkang bumaril sa akin habang tumatakbo ako ngunit agad siyang pinuntirya ni Kuya Lando nang makitang ako ang tina-target nito. Sino ba kasi sila? Bakit nila ito ginagawa? “Sige na, Young Lady tumakbo ka na. Isang minuto na lang at nariyan na sila Sir-” naputol ang sasabihin ni Kuya Lando nang muli siyang tamaan ng bala sa sikmura. Agad akong tumango kay Kuya at saka mabilis na tumakbo naman patungo sa kotseng itim na pagtataguan ko. Paubos na ang kalaban ni Kuya, dalawa na lang ang nakatayo kanina. Ilang hakbang ko lang ay nakarating na ako sa itinurong kotse ni Kuya Lando. Nagtago ako ro'n ngunit pinilit kong silipin kung ano ang nangyayari sa bodyguard ko. Nasa limang bala na ang sigurado kong nakabaon sa katawan ni Kuya, bukod pa ro'n ang mga daplis sa kaniya. Alam kong malabo na makaligtas pa ito pero hindi ako tumitigil sa pagdarasal na sana nga ay malampasan niya. I don't want him to die because of me, hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko 'pag nangyari iyon! “Ah, tangina niyo mamatay na kayo!” Huling putok ng b***l ni Kuya Lando ay bumagsak siya sa sahig. Sabay ring bumagsak ang katawan ng dalawang natitirang kalaban. Tinamaan ito ni Kuya Lando sa dibdib! Humagulgol ako nang ubod ng lakas matapos kong masaksihan ang pagkaubos ng kalaban. Hindi ako makapaniwalang tapos na, sa wakas ay ligtas na kami ni Kuya Lando! “K-Kuya Lando, naubos mo sila!” Halos hindi ko mabuo ang mga salita ko dahil sa sobrang pag-iyak. “T-tara na rito Kuya, hintayin na lang natin ang back up team.” Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. “K-Kuya Lando, no!” malakas na sigaw ko kasabay ng aking nakabibinging palahaw. Patay na siya. Dilat ang kaniyang mata habang bakas sa mukha ang ngiti. Tila ba masaya siyang pumanaw dahil sa kaalamang naubos niya ang mga kalaban at alam niyang ligtas na ako. Was it enough reason for him to die peacefully? Am I worth his own life? Their own life? Hindi ko alam kung ilang buhay ang nawala para lamang mailigtas ang aking buhay. Ang daming buhay ang nalagas habang pinoprotektahan ako, gaano ba kaimportante ang kaligtasan ko? I am just a 13-year-old useless granddaughter of today's President, ni wala pa akong kontribusyon sa lipunan para pangalagaan ng ganito. I don't deserve their protection! Kinakapos ako sa hangin dahil sa libo-libong emosyong aking nararamdaman. Ang isang gabi na dapat sana'y puno ng kasiyahan ang magiging mitsa pala ng pagsisimula ng kaguluhan sa buong bansa. Ito pala ang simula ng walang humpay na p*****n at kawalan ng tiwala sa isa't isa. Dito pala magsisimulang muling mahati ang buong sambayanang Pilipino, ito pala ang simula ng ikatlong digmaan para iligtas ang buhay ng nakararami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD