Why do people have to die? Is it possible for man to avoid death? Can't we have another choice of end game aside from dying?
Bata pa lang ako ay ipinalasap na sa akin ng mundo kung gaano ito kapait. Ipinaramdam sa akin ang lahat ng masasakit na pangyayari, ipinagkait sa akin ang mabuhay ng maligaya bilang bata. Sa mura kong edad ay naranasan ko na kung paano ang pagkaitan ng masayang buhay. Sa maagang pagkawala nina Mama at Papa ay naramdaman ko kung gaano kahirap ang mabuhay ng walang mga magulang.
Death is normal. This is the end game of all the living things in this universe. But even if I knew it well, I still can't accept it. Will I ever accept it anyway? No one wants to die. We all want to live forever with our love ones, right?
Minsan ay hinihiling ko na sana hindi na lang ako nabuhay bilang si Lhexine Manuela Sawyer. Minsang naging laman ng aking mga dalangin na sana sa susunod kong buhay ay ipanganak na lang ako sa isang ordinaryong pamilya. Gusto ko ng simpleng buhay.
I badly want to experience a simple life. A life without death threats, maids, guards and extravagant house. My young self is craving for a comfortable day inside a small house with Mama and Papa. Di baleng wala ang mamahalin kong damit, sapatos at laruan basta nandyan ang mga magulang ko.
Gusto kong maranasan na kumain ng agahan na kasabay ang Mama at Papa. Habang gusto kong sabay naming sasalubungin ni Mama si Papa sa hapon matapos ang kaniyang trabaho. Gusto ko yung puwede akong maglaro sa labas kasama ang mga kapitbahay. Iyong walang babawal sa aking kasambahay kung tatakbo ako sa putikan o di kaya'y maliligo sa ulan. That's how I define a simple life.
It's funny how people call me gifted just because I was born in a well-off family. People mistook me for being an idol because I have the capability to buy anything I want. They want to trade lives with me, they dream to be me just because I am the President's granddaughter. However, why can't I feel the complete happiness they think I possess? Why do I still feel like I am the saddest teenager alive?
Totoo pala na hindi marunong makuntento ang tao. Dahil sabi nga nila nasa akin na ang lahat pero nakatingin pa rin ako sa iba. Hawak ko ang pangarap nila pero ito ako, naghahangad ng bagay na mayroon sila. If you will be given a chance, would you like to trade lives with me?
"Young Lady!" malakas na sigaw ng isang lalaki.
Narinig ko ang yabag ng kanilang mga sapatos ngunit hindi ako nag-abala pang itaas ang aking mukha para salubungin ang mga dumating. Nanatili akong nakasisik sa gilid ng kotse at pader habang ang mukha ko'y nakasubsob sa aking tuhod. Nakayakap ang braso ko sa binti ko habang madiin kong kinakagat ang aking labi para pigilan ang malakas na hikbi na nagmumula rito.
Basang-basa ako ng pawis at luha. Naghalo na ang mga ito sa aking leeg habang ramdam ko ang pagsakit ng aking buong katawan. Pagod na pagod na ako at gusto ko na lang umuwi para matulog. Umaasa na sa pagmulat ko ay isa lang pala itong masamang panaginip. Hinihiling ko na ang pagkamatay ng lahat ng mga tao ngayong gabi ay parte lang ng aking bangungot.
"f**k! Lando!" malutong na mura ang pinakawalan ng lalaking tumawag sa akin kanina.
Muli akong may narinig na humintong sasakyan. Hindi ko alam kung sino ang mga dumating dahil hindi ko itinataas ang aking mukha. Natatakot akong makita ang dilat na mata ni Kuya Lando. Hindi ko kayang muling titigan ang masayang mukha nito ngayong patay na siya. He died because of me. They all died because of me, this is my fault!
"Young Sawyer..." Malamig ang boses ng bumanggit nito. Kilala ko kung kaninong boses iyon!
That scary deep voice is from my Uncle Victor Samuel Rhodes!
Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha mula sa pagkakasubsob. Nang tuluyan kong makita kung sino nga ba ang mga dumating ay agad lumuhod sa harap ko ang tiyuhin.
He placed his rough hands on my small chin, then slowly lifted it and forced me to meet his green eyes. Those colors are like the ocean and land in an eternal bond, it somehow soothed my raging emotions.
Ngunit hindi lumipas ang isang minuto ay agad ng bumalik ang takot sa aking sistema. Nalukot ang mukha ni Uncle Rhodes nang makita kung paano ko muling isiniksik ang aking sarili sa gilid. Nanginginig ang buong katawan ko sa samot-saring emosyon nang makita sa likod ng aking tiyuhin ang matandang Salazar kasama ang apo nitong si Vaughn.
Anong ginagawa ng mga hayop na ito rito? Bakit kasama sila ni Uncle?
"Young Sawyer, why are you so scared? We're now here with you, no one can harm and scare you again."
Mabilis na pumatak muli ang aking luha habang sinasabi iyon ni Uncle Rhodes. Hindi ba niya alam? O nakalimutan na niyang ang mga kasama niya ang pumatay sa aking mga magulang at hindi malabo na sila rin ang may pakana ng lahat ng kaguluhang ito.
"Come here." Uncle extended his arms to reach me but I immediately shook my head violently.
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Tila ba inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko.
"W-what are they doing here, Uncle? W-why are you with them?" pinilit kong tatagan ang loob ko para makapagsalita.
They are the last people I would like to see. I'd rather die tonight than to be with them.
Humakbang palapit ang matandang Salazar habang ang tingin ay nakadirekta sa akin. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang kaniyang mukha, wala ang ngiti o pagkunot ng noo para malaman ko kung ano ang iniisip niya. Kumalabog ang puso ko nang sobrang lakas nang makitang ilang hakbang na lang ay nasa harap ko na siya.
"Stop! Don't come near me, you freaking old murderer!" sobrang lakas ng sigaw ko at sinundan pa ito ng aking tili.
Nakita kong kumunot ang noo ng binatilyong si Vaughn habang nakaawang ang mapula nitong labi. Humakbang ito palapit sa kasama niyang matanda at saka may ibinulong. Agad na tumayo si Uncle Rhodes para harapin ang kaniyang mga kasama.
"Alejandro," si Uncle iyon.
Lumingon saglit sa akin ang tiyuhin ko bago humakbang palapit sa matanda. Kapwa sila tumalikod sa akin at humakbang palayo. Hindi ko alam kung saan sila pupunta ngunit nakita kong tinatanaw nila ang mga nakahandusay na kalaban habang mahinang nag-uusap. Nag-iingat na hindi ko marinig ang kanilang mahinang bulungan, maya't maya ang tanaw sa akin ng matandang Salazar.
Pakiramdam ko ay dumoble ang kirot sa puso ko ngayon. Para ring mayroong sumasakal sa akin ngayong narito sila malapit sa akin. Sa dami ng masamang nangyari ngayong kaarawan ko, bakit kailangan pa nilang dumagdag?
"Manuela," mahinang sambit ni Vaughn habang ang panga ay nagtatagis.
Hindi ko pa kayang tumingin sa mata ng kahit na sinong Salazar. Muli akong dumukdok sa aking tuhod at niyakap ang aking binti tulad ng naunang pwesto. Tahimik akong lumuluha habang ang buong katawan ko'y nanginginig pa.
"Did someone hurt you? What the hell happened?" Mas lalong lumapit ang boses nito.
"You are supposed to be the happiest tonight, why are you shaking so bad? Who made you like this huh?" Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking tuhod nang maramdaman ang kamay ni Vaughn sa aking ulo.
"Who the f**k ruined your night? Tell me and I'll gonna blow his head off."
Ang bawat pagsasalita niya ay may diin. Tila ba nagpipigil siyang sumabog. Hindi ko alam kung gaano katagal na mula ng huli kaming nagkita, the last time I remember is when I was just five. He is a year older than me, kaya ang hula ko'y fourteen years old na siya ngayon. But if my calculation is correct, then why is he holding a g*n? Does his family allow him to hold that kind of weapon?! But he's just a kid for Pete's sake!
"Let me see your pretty face, Manuela. Show me your expressive and hypnotic eyes, please."
"N-no, get away from me," umiiyak na usal ko.
"I can't. I swear to God that if ever I survive my first killing tonight, I'll gonna stare at your eyes for as long as I got satisfied."
What does he mean by his first killing?! Tumindig ang balahibo ko nang maalala ang sinabi ni Kuya Lando kanina. Tinambangan daw ang sinasakyan ng back up na hinihintay namin. Ibig bang sabihin no'n na sila ang hinihintay namin? Tinambangan sila kaya humawak ng b***l si Vaughn para makatulong? Bakit kasi in the first place sumama pa siya knowing that he'll encounter death all the way here?
"You shouldn't have said that then, bakit ba nandito ka pa? I don't need you two here, umalis na kayo!"
Ibinaba ni Vaughn ang kaniyang kamay patungo sa aking nakayukong mukha. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na nakaharang sa aking pisngi. Nang tuluyang maalis ang buhok na nakadikit sa basa kong pisngi ay maingat niyang itinaas ang aking baba. Sobrang gaan ng pagkakahawak niya sa akin, tila ba isa akong babasaging kristal na iniingatan niya sa takot na masira.
"I won't leave you here. At hindi rin ako aalis hanggat hindi ko napapasabog ang bungo ng may kagagawan sayo nito. They messed up bad with the wrong woman," matigas na sambit ni Vaughn.
Kung magsalita siya'y parang hindi na siya bata. He talks like a grown-up man, what happened to him? Para bang normal na sa kaniya ang ganitong pananalita at pag-iisip. He reminds me of Uncle Rhodes whenever he voice out his jaw-dropping opinion.
"I came here to help you, Manuela. I know that we had a bad start, but I want to compensate that through this. Please allow me," he sincerely stated whilst looking at me.
"Paano kita magagawang pagkatiwalaan? Your family killed my parents, how would you compensate that huh?"
No matter what he does, he can never erase that fact that their clan ruined my life by ending the lives of my parents!
"We..." he stopped, then caressed my face, "never killed your parents. Our conscience is clear and let me prove that to you."
"H-how?" nag-aalangan kong tanong habang nakatitig din sa mata niya na parang nanlulunod.
"After this night, let's investigate together."
Hindi ko alam kung paano na pasok ni Vaughn ang isip ko, dahil nabalik lang ako sa reyalidad nang makita ko ang sarili kong tumatango sa kaniya. Sa laki ng galit ko sa pamilya niya, hindi ko inakala na magagawa kong muli silang bigyan ng pagkakataon para linisin ang kanilang pangalan sa akin.
I gave them the benefits of the doubt because I want a clean slate with them. I don't want to be at war with them forever, if I ever survive this night, then Vaughn and I will start investigating.
I don't know what will happen, but what I know is.. deep inside my fragile heart is a prayer that whatever result, we got, may we have the chance to be friends again.