"Madame President, we're here." Isang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa sobrang pagod. Basta na lamang bumigat ang talukap ng aking mata habang nagbabasa ako sa aking iPad. Nasa byahe ako patungong mansyon ni Mr. Theofilo nang makaidlip ako. May kahabaan ang byahe kaya sa aking palagay sa nasa kalahating oras din akong natutulog.
Nilingon ko si Sandra na siyang gumising sa akin at saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Naabutan kong nasa labas na ang mga bodyguards at nakakalat na paligid habang si Vaughn ay nasa harap na rin ng pinto. Hindi pa nito binubuksan ang pinto ng kotse, marahil ay hinihintay pa munang magising ako at makapag-ayos ng kahit kaunti.
"Nasa loob na ba si Uncle Rhodes?" tanong ko kay Sandra habang sinusuklay ang mahaba kong buhoy gamit ang aking daliri.
"Yes ma'am, they are all waiting for you."
"Sino ang mga nariyan?"
Alam kong naririto si Uncle dahil tumawag ito sa akin kanina matapos ang aking press conference. Sinabi niyang gusto raw niya akong makausap kaya't agaran akong pinapunta rito sa mansyon ni Mr. Theofilo. Nagtataka man ako kung bakit dito niya naisipang magkita sa halip na sa isang mamahaling restaurant ay hindi na ako nag-abala ang magtanong. Maaaring may dapat din silang pag-usapan ni Mr. Theofilo.
"Everyone," Sandra said.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka, who tf is everyone?
Binuksan ni Vaughn ang pinto ng kotse habang matamang nakatingin sa akin. Sa paraan niya ng pagtitig ay mukhang may inaabangan siyang reaksyon mula sakin. Nagtataka kong inilibot ang tingin sa paligid nang tuluyan akong makalabas ng kotse.
Wala naman gaanong nagbago sa mansyon na ito. Katulad ng dati ay naroon pa rin sa harapan ang magarbong foundation ngunit mukhang hindi napagtutuunan ng pansin. Ang detalye nito ay halatang pinag-isipan ng mahabang panahon, kaunting linis lang at remedyo ay pwede na ulit paganahin ngunit mukhang wala ng balak ang matandang si Theofilo na pagtuunan pa ito ng pansin.
"Kailan itinayo ang mansyong ito?"
"Year 1990, it was built by my ancestors and inherited by my grandfather." Inilibot din ni Sandra ang kaniyang tingin sa paligid.
"Ah, so this white mansion has been standing for six decades. That explains why it looks creepy, bakit hindi ninyo ipa-renovate?"
Ang kulay puting mansyon ay nakatatakot tingnan, para bang isa ito sa mga haunted mansion na napapanood sa telebisyon. Hindi naman lumang-luma ang estilo nito pero dahil sa kulang sa liwanag ay nagmumukhang walang tao sa loob. Marumi ang bakuran dahil sa mga nagkalat na tuyong dahon. Ang paligid ay napalilibutan ng matayog na pader na mayroong barb wire sa tuktok. Kinakalawang na ang mga wire ngunit tila walang balak na palitan iyon.
Maganda ang arkitektura ng bahay, madalas ako rito noong bata pa ako kasama si Lolo. Base sa aking pagkakatanda ay maluwang ang sala nila at maraming mga nakasabit na malalaking kuwadro ng larawan ng mga ninuno ni Sandra. Gawa man sa bato ang pundasyon nito at maging ang unang palapag ay mayroon pa ring halo ng kahoy. Ang mataas na hagdan sa loob ay gawa sa kahoy maging ang sahig ng kanilang ikalawang palapag.
"Lolo wants to maintain its original design. He doesn't want to change even a bit of its architecture, never liked the idea of renovation," seryosong sambit ni Sandra.
"There are lots of memories he wants to keep, both painful and joyous. Just like Senior President Sawyer, he is very sentimental. Kaya nga siguro magkasundo sila." Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ng aking sekretarya.
Sandali pa naming tahimik na pinagmasdan ang paligid. Walang nagsasalita sa aming dalawa dahil kapwa kami nagbabalik-tanaw sa mga lumipas na alaala sa lugar na ito. Ang malamig na ihip ng hangin ay humahaplos sa aming balat. Isinasayaw nito ang mahaba naming buhok, wala ang sikat ng araw dahil napalilibutan kami ng mga puno. Kung iisipin ay tila nasa gitna kami ng kakahuyan dahil sa dami ng mga nakapalibot na puno.
Saan mo man ilingon ang iyong tingin ay tiyak na nagtatayugang mga puno ang matatanaw mo. Walang ingay na nagmumula sa mga sasakyan hindi tulad sa syudad, presko ang hangin at tahimik ang buong paligid. I wonder why Sandra never liked this paradise, she once told me that she hated this place where she grew up.
"They are all looking for you, Madame President." Ang malamig at baritonong boses ni Vaughn ang siyang bumasag sa katahimikan naming dalawa ni Sandra.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko kung paano magpalitan ng malalagkit na tingin ang dalawa. Tila ba may usapan silang tanging silang dalawa lamang ang nakakaunawa. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng pag-init ng ulo, naiinis ako!
Hindi ko na binalingan pa si Vaughn, agad akong naglakad palayo sa kanilang dalawa. Binangga ko pa ang balikat ni Vaughn dahil sa inis na naramdaman.
"Unc-" Naputol ang masiglang pagtawag ko sa tiyuhin nang makita kung sino-sino ang mga narito sa loob ng bahay ni Mr. Theofilo.
Hindi maitatago ang pagkagulat ko dahil sa pag-awang ng aking labi at bahagyang panlalaki ng aking mata. Isa-isa kong binalingan ng tingin ang mga tao sa loob ng mansyon, nakaupo si Uncle Rhodes sa isang upuang rattan. Kaharap niya ang sekretarya ni Lolo habang nasa gilid si Col. Salazar.
Ang ina naman ni Vaughn ay nasa isang sofa katabi ang kaniyang asawa. Nasa gilid din si Ellis at Anj habang tahimik na nagbubulungan. Bakit silang lahat naririto?
"Young Sawyer," tawag ni Uncle sa akin at saka tumayo sa kaniyang prenteng pagkakaupo.
Lumakad ito sa aking harapan habang nakataas ang kilay at nakakrus pa ang braso sa dibdib. Tumikhim ako at hinila ang aking nawindang na katauhan, mabilis akong sumaludo sa aking tiyuhan nang may seryosong ekspresyon sa mukha.
Wala na ang gulat na kanila ay bumakas sa akin.
"General," madiing sambit ko.
"Carry on, Sawyer," sagot naman ni Uncle Rhodes.
Uncle Victor Samuel Rhodes was the chairman of the Joint Chiefs of Staff in the Russia highest-ranking military officer and the principal military advisor to the president. He became the secretary of defense and the National Security Council before his retirement. And up until now that he's a Retired General, many high-ranking official in Russia salutes to him because Uncle left a legacy in the military field.
He was a devoted officer who fought for his country. And he's one of my mentor when I was in the academy for years.
"We are all waiting for you, what took you so long, Madame President?" patuyang tanong ni Uncle.
"I-" muli ko na namang hindi naituloy ang aking sasabihin dahil sa pagputol niya sa aking sasabihin.
Agad na itong tumalikod sa akin at humarap sa mga taong nakatingin ngayon sa amin. Muli kong naalala na narito nga pala ang pamilya ni Vaughn, what the hell are they doing here?!
"Let's go to the study room, Theofilo. I don't have plenty of time to waste just for introductions and catching up." Ang ma-autoridad na boses ni Uncle Rhodes ay namutawi sa loob ng mansyon.
"Always the impatient Victor, huh?" Pumalatak si Col. Alejandro ay saka tumayo.
Bumaling ang tingin nito sa akin, malamig ko lamang siyang tiningnan bago binawi ang mata. Sumunod ako kay Uncle na ngayon ay umaakyat na sa hagdan patungong ikalawang palapag kung nasaan ang study room ni Mr. Theofilo. Kung magpati-una ang tiyuhin ko, tila ba siya ang may-ari ng bahay!
Nang makapasok kami sa silid ay tahimik kaming umupo sa mga bakanteng upuan. Huling pumasok si Vaughn at umupo ito sa kaharap kong bangko, iyon na lang kasi ang natitirang bakanteng upuan. Napuno ang mga bakanteng upuan ng parihabalang lamesa matapos pumwesto ng lahat. Wala ni isa ang gumagawa ng ingay, tanging ang paghinga lamang namin ang siyang maririnig kasabay nito ang ugong ng maingay na aircon.
Si Uncle Rhodes ay nakaupo sa pinakaharap, katabi nito sa kaniyang kanan si Col. Salazar habang ang sa kaliwa'y si Mr. Theofilo na hanggang ngayon ay wala pa ring kibo. Si Sandra ay nakaupo sa pagitan namin ng Lolo niya. Sa katabing bangko ay si Angelic na mukhang tulad ko ay nalilito rin. Katabi niya ang manliligaw at kaibigan naming si Ellis, pormal ang itsura nito katulad ni Vaughn. Nasa harap ko nakaupo si Vaughn katabi ay ang kaniyang ama at ina.
Hindi ako bumabaling ng tingin sa pamilyang nakaupo sa aking harap. Ang hirap huminga sa loob ng silid na ito, pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin. Sino nga bang mapapanatag kung kasama niya sa iisang silid ang mga taong pumaslang sa iyong mga magulang? Ang mga taong nagkait sa iyo ng kaligayahan, ang pumutol ng katahimikan sa iyong buhay.
Tumikhim si Uncle Rhodes tanda na magsisimula na siyang magsalita. Marami akong gustong itanong ngunit pinanatili kong tikom ang aking bibig. “We are all here for one reason. Most of you might already know why, while the few do not have the idea, why we're suddenly gathering here for an urgent meeting,” pormal na sambit ni Uncle.
“Hindi ko na pahahabain pa ang pag-uusap na ito. Let's get straight to the damn point, because we are running out of time.” Lumipat ang tingin sa akin ni Uncle, mabigat ang paraan nito ng pagtingin. Halos kumabog ang dibdib ko nang dahil do'n, I was with him for years. Nasanay na ako na hindi siya ngumingiti o palaging mabigat ang paraan niya ng pagtingin, hindi ko alam kung bakit ngayon ay pakiramdam ko may iba.
Hindi basta-bastang uuwi si Uncle Rhodes dito sa Pilipinas nang dahil lang sa nabalitaan niyang pamamaril sa akin. Kahit nga yata dumugin ako ng kontrobersiya ay hindi siya magpaparamdam sa akin, ngunit ito siya ngayon, nasa harap ko habang mabigat ang awrang pinapakawalan.
“I am having chills, Lhex. Does something bad happened? Why am I here for? I mean, why are we all here? And I am certain that this is not a reunion,” bulong sa akin ni Anj.
“I really can't figure it out, bakit pati ang mga Salazar ay naririto rin?” dugtong pa ni Anj matapos magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
“Can you please shut up, Angelic? Just listen to what they're about to say,” kunot noong sabat ni Sandra.
Umirap si Anj sa kaibigan habang nakanguso at saka muling bumulong. “Palibhasa alam na niya kung ano ang pag-uusapan.”
I mentally agree with Angelic. Alam kong may nalalaman na si Sandra maging si Vaughn kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit kami naririto. Wala mang sinasabi sa akin si Sandra, ramdam kong marami siyang nalalaman. May mga sikretong nakakubli sa tikom niyang mga labi.
“Keshia Angelic Monterde?” tawag ni Col. Salazar kay Anj.
Agad na namutla ang kaibigan ko habang tinitingnan ang matandang tumawag sa pangalan niya.
“P-po?”
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ng matanda. “So you are the daughter of Angelina and Kenzo Monterde, huh?”
Nagtatakang tumango ang kaibigan ko sa matanda. Pilit itong ngumiti kay Col. Salazar at maging kina Tita Lucy. “Y-yes po, Colonel. T-they are my parents.”
“How are they? Matagal ko ng hindi nakikita ang mga magulang mo, it's been fifteen years? More or less, I lost count.”
Tumaas ang kilay ko sa matanda. Hindi ko maalalang naging malapit ang mga Monterde sa mga Salazar. Dahil base sa aking pagkakatanda ay mahigpit na magkalaban ang dalawang pamilya dahil sa nasa panig ng mga Quilor ang mga Monterde.
“Stop the chitchat, old man. Ipagpatuloy niyo ang kumustahan kapag natapos na ang ating pag-uusapan.” Pinutol ni Uncle Rhodes ang pag-uusap ni Anj at Col. Salazar.
Nakita kong doon pa lamang muling nakahinga ng maluwag ang aking kaibigan. Hinawakan ko ang kamay nito na nasa kandungan niya, lumingon ito sa akin at saka ngumiti.
“Sandra, please open the hologram,” mahinang sambit ni Mr. Theofilo sa apo.
Agad na tumayo si Sandra at lumapit sa computer at switch. Sandali niyang kinalikot ang computer bago tuluyang umilaw ang gitna ng lamesa. Lumabas ang holographic reflection ng isang tao. Maraming detalye ang sunod-sunod na lumabas makalipas pa ang ilang sandali. Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar sa akin ang mga nakikita kong letra, ang mga impormasyon ay tila ba minsan ko ng mapag-aralan noon.
“Here's the remote access, General.” Inabot ni Sandra kay Uncle ang isang maliit na remote.
“As you can see, the data shows her current vital condition. Both of her heart and pulse rate are not in stable condition, her temperature is continuously dropping to an alert warning condition.” Lumingon sa akin si Uncle Rhodes.
Doon ko lang din napansin na sa akin pala nakatuon ang mata ng halos lahat. Tila ba naghihintay sila ng reaksyon mula sa akin. Anong reaksyon ba ang hinahanap nila? Ni wala akong ideya kung bakit namin pinag-uusapan ang bagay na ito! Hindi ko man aminin pero ang mga sulyap nila sa akin ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.
“The frequency of the alpha brain waves that is being use to measure the vulnerability to developing and experiencing pain is extremely fast. Meaning to say, she's in much more pain right now. That explains why her physical body is experiencing seizure in every five hours.”
Sino? Gusto kong ibulalas ang tanong na iyon ngunit hindi ko magawa.
Sa mga naririnig ko ay pinanghihinaan na agad ako ng loob. Kakaibang takot ang lumukod sa aking dibdib nang seryoso akong tinititigan ni Uncle Rhodes. Ang pag-aalala sa mata ng lahat ay hindi maitatago, lahat ng mata nila ay nakatuon sa akin at nahahabag.
Why are they looking at me like that?
Nagpatuloy si Uncle sa pagsasalita. Tumayo siya at dahan-dahang lumakad patungo sa direksyon ko. “Her brain can no longer holds the brain waves, the masses her of neurons are continuously communicating with each other is a very high speed.”
“What do you suggest then?” mariing tanong ni Mr. Theofilo.
Nagtatagis ang bagang ni Vaughn sa aking harapan. Napapitlag ako nang hawakan niya ang aking kamay na nasa ibabaw ng lamesa. Nakita ko kung paano ngumisi si Col. Salazar nang makita ang ginawa ng apo, umiling pa ito na tila ba nagagalak sa nakikita.
“We need to pull her out of her deep and long sleep in that freezing capsule. We gotta wake my nephew up, the real President of the Republic of the Philippines.”