Bothersome

2131 Words
"Stop your bullshit, old man!" Ang baritonong boses ni Vaughn ay umalingawngaw sa apat na sulok ng study room. Humigpit ang hawak nito sa aking kamay habang patuloy na nagdidilim ang kaniyang ekspresyon. Malamig ang paraan ng kaniyang pagtingin kay Uncle Rhodes at kapansin-pansin ang tensyong namumuo sa kaniyang sistema. Umayos sa pagkakatayo ang aking tiyuhin. Nakataas ang kilay nito at mayroong naglalarong ngisi sa kaniyang labi. Kung hindi pa tumikhim si Mr. Theofilo ay hindi mapuputol ang palitan nila ng tingin. "W-what does Gen. Rhodes mean by that?" takang usal ni Anj sa aking tabi. Bumaling ang nalilito niyang tingin sa akin. Wala akong ibang naisagot kundi isang iling lamang. I do not have even the slightest idea on what they're talking about. "What he meant is that we need to tell you the truth. It's been a long time since we shared a secret with each other and we kept it from you, Lhexine." Kunot ang aking noo nang ibinaling kay Col. Salazar ang aking tingin. "Papa!" si Tita Lucy iyon na napatayo pa sa kaniyang upuan. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kinakabahan ako. Kung umasta ang mga naririto ngayon ay tila isang malaking sekreto ang itinatago nila. "Lucianna, please," si Col. Salazar. Tumayo rin ang ama ni Vaughn para pakalmahin si Tita Lucy. May ibinulong ito rito at saka inilipat sa akin ng bahagya ang tingin. Tumango naman si Tita Lucy na para bang nakahinga siya ng maluwag. "Victor, let's talk outside. Alejandro will tell Lhexine everything she needs to know." Tumayo si Mr. Theofilo sa kaniyang upuan habang nakatitig ng madiin kay Uncle Rhodes. "I can't believe it Theofilo! We shouldn't waste more time hindi natin kailangang maghinay-hinay. It'll be easier if we tell her all at once!" dismayadong sambit ng aking tiyuhin. "Outside, Victor." "f*****g cowards," gigil na mura ni Uncle bago sumunod kay Mr. Theofilo sa labas. Nang tuluyang makalabas ang dalawang matanda ay saka pa lamang ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Bahagyang nabawasan ang bigat sa paligid, sumandal ako sa backrest ng upuan at ipinikit ang aking mata. "Give me three minutes to breathe," usal ko habang nakataas ang kanang kamay. Katulad ng sinabi ko ay hindi nga muna nagsalita ang bawat isa. Naging tahimik ang loob ng silid sa loob ng tatlong minuto. Habang nakapikit ay iniisip ko kung ano kaya ang sasabihin nila. Tila ba inuunahan ko na sila para hindi na ako mabigla sa sasabihin pa nilang rebelasyon. Pilit kong binibigyan ng sariling interpretasyon ang sinabi ni Uncle Rhodes subalit wala akong maikonektang kasunod. It was like solving a mysterious puzzle with incompletely pieces. I am trying to look everywhere just to unfold the mystery but I keep on being trapped with its dead end. I need a little bit of information to finally finish the puzzle! "Tell me everything you need to tell," sambit ko nang pakiramdam ko'y nakabawi na ako mula sa tensyon. "Please be precise, I don't want to keep on guessing for the whole time." Inilayo ko ang kamay ko sa hawak ni Vaughn nang matauhan ako. Halos nalimutan ko na hawak nga pala niya ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa. Kumunot ang noo ni Vaughn nang makita ang ginawa ko. Humaba ang nguso na tila bata at saka ikinrus na lang sa dibdib ang braso na tila ba nagtatampo. "Tss, galawang hokage," si Ellis habang nakatingin kay Vaughn "Shut up Bustamante!" patol naman ni Vaughn at umirap pa. "Always the Mr. Hokage to our Lhexine, huh?" Malakas na hinampas ni Anj ang lamesa sa harap niya para agawin ang atensyon ng dalawang lalaki. "Will you gays please stop? We are here to listen to what Col. Alejandro has to reveal and definitely not to hear your stupid rants!" "I'm not gay!" sabay na depensa ng dalawa. Matalim na tingin ang ibinato niya sa dalawang lalaki. Sa palagay ko'y maging sa Anj ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari ko. Tulad ko'y nanghuhula rin siya sa mga sasabihin ngayon. "Then shut the f**k up! Let the adults talk hindi puro mga walang saysay ang naririnig ko." Umirap pa si Anj kay Ellis at lumayo ng bahagya rito dahil sa inis. "So... Col. Salazar, what you'll say is?" baling nito sa matanda. "Why does it feel like I am looking at the younger version of Angelina Ferrer? What can you say Lucy?" manghang sambit ni Col. Marahang tumango si Tita Lucy sa sinabi ng matanda. "Yes, day by day she's becoming to look more like her mother. A spitting image of Angelina, the fierce yet sweet friend of mine, Papa." Angelic awkwardly creep a small smile to Tita Lucy. She looked at me as if asking for help. I know she's not very comfortable talking with the Salazars just like me. Maingay akong bumuntong hininga at saka padarag na ibinaba ang kamay sa lamesa. Nilingon ko ang tahimik kong sekretarya nang nakataas ang kilay. "Can you please tell them to stop the bull and proceed to whatever tea they will spill?" Tumango si Sandra sa akin at saka tumayo. Hinarap niya isa-isa ang lahat ng naroroon at pormal na nagsalita. "Let us resume from talking unrelated matters. The President does not have plenty of time to waste just like all of you, we know that you are all busy so let's proceed with the real agenda of the meeting. Those people who might fail to comply with the silence required inside this room may leave now." That's my Sandra. Who wouldn't shut their freaking mouth after the formal speech of my secretary? The old Salazar cleared his throat and sit properly. Wala na ang mapaglarong biro sa mukha niya, seryoso na siya ngayon katulad ng aking tiyuhin. "A few years back," panimula ng matanda, "roughly around 15 years ago, my dear friend Felix laid down his life to stop the ruination of our country. He willingly gave up his life for thy sake of our future." Tumaas ang kilay ko habang nakikinig. Dear friend, really Col. Alejandro? I almost spit those bitter words away. Luckily, I still have control on my mouth. Nagpatuloy ako sa pakikinig at piniling manahimik na lang. Kung aalma pa ako sa bawat mabubulaklak na salitang lalabas sa bibig niya'y mas hahaba lang ang usapan. "Felix is now in coma, we all new that." Lumingon sa akin ang matanda. May kakaiba sa paraan ng kaniyang pagtingin tila ba may laman iyon. "But what you don't know is where," dugtong nito. The way he delivers those passages is too suspenseful. It's like he's trying to rise the curiosity within me and I can say that it's very effective. "Huh?" si Anj na mukhang napaisip din. "So what are you trying to point out now, Col. Salazar? I know where my grandfather is," sambit ko subalit hindi rin gaanong sigurado. "Really, Madame President? Tell me, have you ever visited him in person for the last 15 years?" Bumalik ang ngisi sa labi ng matanda. Dumiin ang tingin ko sa kaniya nang sagutin ko siya sa aking isipan. No, I haven't. "I bet Theofilo always turned you down every time you schedule a visit to your grandfather. The prick old man is kinda good at making excuses, I can see that." Sa nagdaang labinlimang taon ay hindi ko nga kailanman nakita ng personal si Lolo sa ospital. Ang huling kita ko sa kaniya ay noong araw na iyon. "We kept you away from his body because we need to hide him from our enemies. My family is not the nemesis, Lhexine. We are your comrades too." "What do you mean hide his body? Lolo is in the hospital. Somewhere far from the radar of everybody except Mr. Theofilo of course!" They have restricted me from visiting him. They said that it's too dangerous for me to go where he is. Then later on, I was sent to Russia. Nang makauwi ako rito ay naging abala ako sa kandidatura. Sa t'wing sasabihan ko si Mr. Theofilo na gusto kong bisitahin si Lolo ay mayroon siyang rason. Either he's busy or the media might follow me. I was asked to lay low. I was asked to stop asking questions regarding Lolo's condition and whereabouts. The only time I got to see my grandfather for the past years was through holographic screen, video chats and pictures. It was hard for me back then. But as the time went by, I learned how to wait and promised myself that once I become the President of this country, I'll visit Lolo before anything else. Yet, that visitation never happened. And that's really bothersome to me now. "I always see you as someone wise, Madame President. How come Theofilo completely fools you?" I can't take his nonsense anymore. Padarag akong tumayo at saka itinukod ang aking kamay sa lamesa. I leaned forward and directly looked at his hooded eyes. "Stop playing with your words, sabihin mo na kung ano ang gusto mong ipunto dahil nawawalan na ako ng pasensya." Bumunghalit ang malakas na tawa ng matanda sa aking harapan. Sa lakas ng tawa niya ay pakiramdam ko naririnig ito sa buong kabahayan. “Papa please,” si Mr. Vincentius iyon. Lumingon ito sa akin na tila humihingi ng dispensa para sa inaasal ng ama. Maging si Tita Lucy ay nakatingin sa akin sa ganoong paraan. “You want me to come straight to the point, Madame President huh? Then, sure but guard yourself because I am about to throw you a big revelation. I am not sure if you can handle this one.” Tumayo ito at naglakad patungo sa akin. Katulad niya ay lumakad din ako para salubungin ang matandang Salazar. Nakakuyom na ang nanginginig kong kamao habang malalalim na ang aking paghinga. “L-Lhexine calm down,” sambit ni Anj at saka lumapit sa akin. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa hawak sa akin ng kaibigan. Nakita ko ring lahat ng mga tao rito sa loob ng silid ay nakatayo na at naghahabol sa amin ng tingin. Malalaki ang hakbang ni Vaughn habang palapit sa amin ng Lolo niya. His eyes are blank, I almost shiver when he turned his gaze on me. “Spill, old man.” Magkatapat na kami ngayon ni Col. Salazar, kapwa hindi pumipikit habang nakatitig sa mata ng bawat isa. “Felix is not in the hospital like what you believed for the past years. He's in the laboratory, freezing inside the capsule for about 15 years. He has been there ever since,” malalim ang boses na sambit ni Col. Salazar. What the hell? Napasinghap sa gilid ko si Anj at tila nawalan pa ng balanse. Naramdaman ko ang nanlalamig na kamay nito sa aking braso na tila kumukuha sa akin ng suporta. “We decided to freeze him there and hide him under our custody to protect him. For years, there are secret assassins whose trying to track him down. They aim to end his life because they know that once he woke up, it'll be their f*****g end.” “Do you have any proof?” sagot ko. Lumapit sa akin si Tita Lucy at inabot ang isang micro chip. Nagtatakang ibinaling ko sa kaniya ang aking tingin. “This is the record of the Senior President's condition from the year 2035 up to the present, Lhexine. And here...” May isa pang micro chip na inabot sa akin ang ginang. “That was from your parents. They made that for you,” dagdag pa nito at saka humakbang palayo sa akin. Nanginig ang kamay kong nasa ere. Tinitigan ko ang dalawang maliit na bagay sa akin palad. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba nilulukot ang puso ko ngayon. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng lahat, pinagmukhang tanga sa loob ng mahabang panahon. Anong karapatan nilang ganituhin ako? Anong kasalanan ko sa kanila? May katotohanan man o wala ang kanilang sinabi sa akin ay tingin ko hindi na mababawasan ang nararamdaman kong panlulumo. “The micro chip contained their holographic image, you may ask them anything you want to ask them. It was programmed by your parents to answer all your questions, though there might be a few questions that is placed under restriction file.” Mas lalo akong nanlumo. Sa halip na magalak dahil sa natanggap na bagay mula sa mga yumao kong magulang ay mas lalong nagdilim ang aking paligid. Lumamig ang aking sikmura at nangilid ang aking luha. Paanong nagawa ito sa akin ng mga magulang ko? So ganoon? All this time alam nila na may panganib sa paligid? Aware sila na balang-araw ay mawawala sila at maiiwan akong mag-isa? Kung ganoon pala, then why did they let it to happen? They should have told Lolo. They should have doubled the security and stay away from whatever f*****g reason behind their death! “You are the worst.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD