Her almond-shaped black eyes, her pointed nose, and her perfectly shaped lips. Those wavy, long auburn hair tied in a high ponytail that highlights her diamond-shaped face, and high cheek bones. I can't get enough of her.
Her chestnut brown eyebrows illuminate her emotions by moving up and down as she speaks with a voice sounds like my mother. It looks surreal. How come this holographic image projects the duplicate copy of my beautiful mother? It has this soothing effect on me.
“M-Mama, I... I missed you so bad!”
Para akong nakatayo sa harap mismo ng aking ina. It's been almost two decades since I last saw her. Celestine Sawyer is really an extraordinary genius physicist, technologist, and a developer. I considered her as the most influential and greatest scientist ever lived in the modern civilization.
“I missed you too, Manuela.” The projected image of her smiled sweetly.
“I... I wanna hug you,” sambit ko at saka lumakad palapit.
Inilahad nito ang kaniyang braso sa akin, ang matamis niyang ngiti sa labi ay hindi nabubura habang ang mga matang punong-puno ng emosyon ay nakatuon man sa aking direksyon. Tumulo ang luha ko nang tuluyan kong abutin ang kamay ng holographic image ni Mama, I can't touch her.
Tumagos lamang ang aking kamay sa liwanag niya. Wala akong naramdamang init na nanggagaling sa kamay ng aking ina. Tuluyan akong madurog nang magsalita ito, “I am sorry, Manuela but I cannot give you a warm hug anymore. I badly want to kiss and hug my daughter, but I can't.”
Tumutulo ang luha ko habang ang tingin ay nasa aking palad. Alam kong hindi ko magagawang hawakan ang aking ina, hindi ko na muling mararamdaman ang init ng kaniyang katawan subalit umaasa pa rin ako.
Tinatanaw ko pa rin ang posibilidad na baka balang-araw ay mabibigyan ako ng pagkakataong muling maamoy ang mabangong samyo ni Mama. Ang makulong sa loob ng mga braso ni Mama ay ang aking walang katapusang dalangin. Sawa na ako na sa panaginip na lang siya nayayakap. Pagod na akong lumuha sa t'wing gumigising ako sa umaga dahil sa kaalamang gawa lamang ng aking malikot na imahinasyon ang lahat.
“This is all your fault,” basag na wika ko.
“Because of your selfishness I was left here alone. I became an orphan because Papa and you neglected me!”
I am always grateful and proud to be their daughter. Who wouldn't? Ikaw ba naman ang maging anak ng mga mahuhusay at prominenteng tao.
Hindi kailanman naging isyu sa akin ang pagiging abala nila sa trabaho. Ang kawalan nila ng oras sa akin ay hindi ko minasama kahit na kailan dahil alam kong ginagawa lang nila ito para magkaroon ako ng magandang buhay.
But after knowing the fact that they knew about their possible early death? The m******e from whoever planned the ambushed and the possibility of me being the sole survivor. Anger succumbs me. Those ill feelings I never thought I had, suddenly got revealed itself. This f*****g holographic image is the actual proof that they knew. All along they had the idea, but they never did anything to save themselves.
They chose their own death. They wanted to leave me!
“Tell me everything you know about the death of my parents.”
Sa loob ng mahabang panahon ay kinimkim ko ang mga tanong sa isip ko. Mas pinili kong makinig sa mga pangaral ng aking tiyuhin at maging ni Mr. Theofilo. Sinunod ko ang bilin nila, hindi ako nagtanong ng kung anumang may kinalaman sa nakaraan.
Nilunok ko ang lahat ng mga tanong sa lalamunan ko. Itinikom ang bibig na gustong magsumigaw ng katarungan. Pinili kong mamuhay na malayo sa mata ng lahat subalit ngayon ito ako. Handa ng humarap sa mga bagay na dati'y tinalikuran ko.
“Sapat na ang mga taong pananahimik. Panahon na para harapin ang mga problema,” sambit ko habang malamig na nakatitig sa mukha ng aking ina.
“Hahanapin ko ang mga tao sa likod ng pagdurusa ko. Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa lahat ng mga paghihirap na dinaranas ko.” Magbabayad ang lahat ng may utang.
Padarag kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. Determinado akong tumingin sa malamlam na mata ng aking ina. “Whoever they are, I am not scared. Wherever they hide, I will find them.”
“I am here to provide the information for you, Manuela. Ask me anything you wish to know and I will tell you. Madame Celestine and Sir Manuel created me for an ultimate cause, it is to help you solve the missing pieces of the puzzle,” sagot sa akin ng holographic image ni Mama.
“Show me the last five researches of my parents. I will analyze everything and find the culprit through that. I know that their last mission was very controversial and the data is probably under your restricted file just give me what you have.”
Sa isip ko ay biglang pumasok ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Mula ng himatayin ako at magising sa isang hindi pamilyar na lugar hanggang sa nangyaring panloloob sa aking tirahan. Malakas ang kutob ko na may kaugnayan ang dalawang iyon. Kung anuman ang mga itinatago sa akin ng mga tao sa paligid ko, aalamin ko.
“I cannot trust my friends except Anj and West. Kahit si Sandra ay alam kong may itinatago sa akin. Hanggat hindi ko natutuklasan ang mga sagot sa aking mga tanong ay pananatilihin kong pribado ang mga magiging hakbang ko,” sambit ko pa.
Agad kong hinagilap ang aking cellphone sa loob ng aking bag. Akmang ida-dial ko na si Anj para papuntahin dito sa bahay para matulungan ako nang maisip na maaaring malaman ni Sandra ang pakay ko. Kung gagamitin ko ang cellphone o telephone rito sa bahay ay tiyak na mata-track ni Sandra ang aking tawag. May posibilidad na wired na rin ang aking cellphone, hindi ko ito pwedeng gamitin sa pakikipag-usap ukol dito kung gano'n.
Napagdesisyunan kong ipagpabukas na lamang ang pagtawag kay Anj at West. Bibili na rin ako ng panibagong cellphone, hindi dapat malaman ninuman na mayroon akong burner phone kundi ay malalaman nila ang kilos ko.
Nanatili pa ako ng ilang sandali sa loob ng study room. Binasa ko ang ilang mga dokumentong nakita ko sa kwarto nila Mama. Tungkol iyon sa mga proposal na kanilang ginawa no'n. Hindi ko mapigilang mamangha habang nagpapatuloy ako sa pagbabasa.
Nang makaramdam ng antok ay saka lamang ako tumigil. Alas nuebe na pala ng gabi, hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng silid na iyon. Mabilis akong naligo nang makarating sa kwarto. Hindi ko na nagawa pang muling buksan ang mga bagong emails ni Sandra dahil sa sobrang antok. Kusang pumipikit ang mata ko at hapong-hapo ang aking pakiramdam.
Wala naman akong ginawa para mapagod ng ganito. Hindi ko maintindihan pero lately ay pakiramdam ko may mali sa akin. Dumadalas ang pagsakit ng ulo ko at panghihina. May mga pagkakataon man na hindi ko namamalayang lumilipas ang oras at may mga ilang sitwasyon na nalilimutan kong ginawa ko ang isang bagay.
Buhat yata nang mawalan ako ng malay ay nagsimula akong nakaramdam ng mga panghihina. Hindi lumipas ang sampung minuto'y tuluyan na nga akong nakatulog.
“She's already sleeping, Celestine. Ipagpabukas na lang kaya natin ang pagbati?” Ang mahinang boses ni Papa ay narinig ko.
Bumubulong ito at tila nag-iingat na hindi ako maabala sa pagtulog. Isiniksik ko pang lalo ang aking mukha sa aking yakap na unan, sinikap kong huwag gumalaw para isipin nilang natutulog na nga ako. I don't want to see Mama's eyes, I know that she'll be very sorry to me once she heard that I waited for them.
“But today's her birthday, bukas ay ibang araw na kaya ngayon tayo dapat na bumati. Hindi dapat natin iparamdam sa kaniya ang kaabalahanan natin sa trabaho, dapat nga ay hindi na tayo umalis para kasama niya tayo sa party niya kanina.”
Naramdaman kong umupo si Mama sa aking kama. Marahan niyang tinapik ang aking balikat at tinawag ang aking pangalan gamit ang kaniyang malambing na boses.
Hindi ko alam kung babangon ba ako at magkukunwaring bagong gising o ipapaalam kong hanggang ngayon ay gising pa rin ako. Ang tagal kong naghintay sa pag-uwi nila, ginutom na ako't lahat ay wala pa rin sila hanggang sa tuluyan na nga akong kumain ng mag-isa.
“Manuela anak? Wake up,” ulit ni Mama at saka ako dinampian ng halik sa pisngi.
“Hmm? You're here po?” wika ko at kunwaring nagkusot pa ng mata.
“Happy birthday, baby. Akala ko maagang matatapos ang meeting pero nagtagal pa. Are you mad at us?” malungkot na sabi ni Mama.
“Y-yeah, I thought you'd be at the party?” sagot ko habang nagsisimulang magtubig ang mata.
“I was with Ate Ysa the whole time, I didn't even enjoy my own party!”
Ibinaling ko ang tingin kay Papa. Lumakad ito palapit sa akin at saka ako inangat mula sa kama. He scooped me like a 1-year-old baby and showered me a lot of kisses, hindi ko tuloy napigilang matawa dahil do'n. That's my favorite move from Papa, his endless kisses never fails to melt my anger.
“You're not mad anymore?” nakatawang tanong ni Papa habang buhat pa rin ako.
Pinunasan ko ang aking luha at saka tumango. Just like that, wala na ang galit ko.
“Good. Or else I am not gonna give you your present.”
Nanlalaki ang aking mata at excited na yumakap sa leeg ni Papa. Nagpakawala ito ng malakas na tawa nang makita kung gaano ako na-excite.
“Did you bought me a real g*n, Papa? Yay!” Pumalakpak pa ako dahil sa aking naisip. Finally, I will have my own real g*n.
Dati ko pa sinasabi kay Papa na gusto ko ng totoong b***l pero hindi niya ako ibinibili. Palaging mga laruang b***l lang at hindi ang gusto ko. Ngayong seventh birthday ko ay baka ibinili na nga niya ako!
“Silly girl, of course not. Here...” Ibinaba ako ni Papa sa kandungan ng nakangiting si Mama.
Ipinalupot sa akin ni Mama ang kaniyang braso at saka ako muling hinalikan. “Tadah!” masayang wika ni Papa habang iwinawagayway sa akin ang isang envelop.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. An envelop? What's this? Puno man ng mga katanungan ay kinuha ko iyon kay Papa. Kunot ang aking noo habang binubuklat iyon. Tinulungan pa ako ni Mama sa pagbukas.
Agad na nanlaki ang aking mata at nalaglag ang panga sa gulat nang makita ang nasa loob nito. “Three tickets for Hongkong Disneyland!?” eksaheradang sigaw ko dahil sa gulat. Napatayo ako paalis sa kandungan ni Mama habang hawak ang laman ng envelop.
Muli ay binasa ko ang nakasulat sa papel, hinawakan ko pa ang sticker ng Disneyland. Tumalon ako sa sobrang saya at hindi makapaniwalang binalingan ng tingin ang aking mga magulang.
“T-this is my dream!” naiiyak na sambit ko.
Dati ko pa gustong pumunta sa Disneyland kasama si Mama at Papa. Ang tagal ko na silang inaaya pero laging hindi pwede dahil abala silang dalawa. Hindi ako makapaniwalang matutupad na ang aking pangarap!
“Kailan po tayo aalis? Should I... Should I pack my things now?” masayang tanong ko.
Tumawa si Mama at saka inabot ang kamay ko. Hinatak niya ako palapit sa kanila ni Papa, kapwa na sila ngayon nakaupo sa aking kama habang magkayakap. Ikinulong ako ni Mama sa kaniyang braso habang si Papa naman ay nakayakap din sa baywang ni Mama.
“We'll fly after our last project, baby. Probably by next month. We will finish all the works here and we'll stay there for about five days. After no'n ay lilipad tayo patungong Russia para bisitahin ang mga Lola mo,” sagot ni Mama.
Malayo pa man ay hindi na ako mapakali. Magtatagal kami sa ibang bansa kung gano'n? Ayos lang kaya sa kanila ang mawala ng matagal? Paano ang trabaho nila?
“Is that true, Papa? We'll visit Uncle Rhodes too?” baling ko kay Papa.
Nagkatinginan muna sila bago tumango sa akin si Papa. Muli ay masaya akong napasigaw at yumakap sa kanilang dalawa.
“This is the coolest and happiest birthday gift ever! I love you Mama. I love you Papa,” sabi ko habang isa-isang hinalikan ang magkabilang pisngi ng mga magulang.
“We love you too, baby. Happy birthday!”