Convince

1502 Words
MAAGA ako kinabukasan na nagising. Maaliwalas ang aking pakiramdam at wala na ang pagod na kagabi ay nararamdaman ko. Alas cinco pa lang ay dilat na dilat na ako, nagawa ko pa ngang mag-yoga at magluto ng aking agahan. Bagay na matagal ko ng hindi nagagawa. Pagdating ng alas siete ay nakaligo na ako't naghihintay na lang sa pagdating ni Sandra. Madalas ay alas otso ang pag-alis ko rito sa bahay ngunit ngayon ay mukhang mapapaaga ako. Sa isip ko'y iniisa-isa ko na ang mga dapat gawin. I mentally note to ask Anj to buy me a new phone. Then, I will have a private conversation with her and West. Nagawa ko ring i-text si West para kumustahin at sabihing dumaan mamaya sa aking opisina. Bukod sa mga nire-review kong mga papeles ay wala akong gano'ng ginagawa. Ang schedule ko na pagbisita sa Mindanao ay pansamantalang na kansela dahil sa nangyaring pamamaril sa akin. Dapat ay magkakaroon ako ng closedoor meeting sa lider ng komunistang grupo. Ang ilan ko pang out of the country ay hindi rin natuloy, mabuti na rin para mas mapagtuunan ko ng pansin ang aking mga pinaplanong gawin. Nang marinig ko ang paghinto ng kotse ay agad na akong tumayo. Nakita ko si Sandra na bahagya pang nagulat nang makitang maaga ako ngayon. Maging si Vaughn ay nagulat din. Iniisip siguro nila na dahil sa nangyaring rebelasyon kahapon ay magmumukmok ako. "Good morning," nakangising bati ko kay Vaughn. Tumaas ang kilay nito at mukhang hindi inasahang babatiin ko pa siya. "What took you so long, Sandra? Kanina pa ako nakagayak nainip na ako sa paghihintay sa iyo." Tumayo ako sa harap ni Sandra at ngumuso. "Anyway, let's go. I got a lot of things to do." Ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse at walang salitang pumasok sa loob. Naabutan kong nagpapalitan ng litong tinginan ang dalawa. Ibinaba ko ang bintana para tawagin ang dalawang hindi makapaniwala sa ikinikilos ko. "Come on, ano pa bang hinihintay ninyo? Let's go," yaya ko at saka itinaas na ang bintana. Sumakay nga silang dalawa sa kotse matapos ang ilang segundo pang pagkagulat. Nang umandar na ang sasakyan ay tinawagan ko na si West habang ang tingin ni Vaughn ay nasa akin. Mula sa rearview mirror ay ramdam ko ang pagmamasid ng gunggong. "Hey West," sabi ko. "Good morning, Lhex." Ang boses ni West ay garalgal pa na tila ba'y bagong gising pa lamang. "Did I wake you up? Sorry," tamawa ako ng bahagya nang maisip na siguro nga'y naabala ko sa pagtulog ang kaibigan. "I called to ask your vacant time. I plan to visit you at your office," kaswal na sambit ko. Lumingon sa akin si Sandra na tila nagtataka sa sinasabi ko. Hindi ko kasi binanggit sa kaniya ang tungkol sa pakikipagkita ko kay West. Nakaplano na sa isip ko kung paano ako makakapunta ro'n nang hindi kasama si Sandra. "I really want to talk about this certain project I have in mind. Since you're the next in line after the President of QuilTech Robotics, I decided to set an appointment with you." Lumingon ako kay Sandra at itinaas ang kamay nang makitang magsasalita sana siya. "Sandra's kinda busy with my schedule kaya ako na mismo ang tumawag sayo, I hope you don't mind, West." "Not a problem with me, Lhex. I actually like to see you, I miss you." Tumawa si West mula sa kabilang linya. "And I miss you too. So, anong oras ka p'wede?" "I'll free my schedule tonight. Let's have dinner together if it's fine with you?" Hindi ko na pinahaba pa ang usapan naming dalawa ni West. Pumayag na lang ako na magkita kami sa isang restaurant na binanggit niya. He knows the protocol kaya alam kong ipare-reserve na niya ang buong restaurant para sa aming dalawa. Nang ibaba ko ang cellphone ay nakita kong nakatingin pa rin sa akin si Vaughn. Nakataas ang kilay nito na tila ba nagsusuplado sa akin. The hell is wrong with him? "I am afraid you cannot attend your dinner date with Mr. West Quilor, Madame President. You already have a dinner schedule with Gen. Rhodes at 8:30 in the evening." Ang paraan ng pagkakabigkas ni Sandra ay masyadong madiin para bang ipinapakita niyang hindi siya natuwa sa ginawa ko. Hindi gusto ni Sandra na nagkakaroon ako ng sariling lakad. Kailangang alam niya ang bawat pinaplano ko at dapat na kasama siya sa mga lakad. Katulad ng kaniyang Lolo ay mahigpit siyang sekretarya. Lahat ng gagawin ay dapat naaayon sa plano. "That won't be a problem. I can just reschedule the dinner with my Uncle. I have an important meeting tonight," kaswal na sambit ko at saka hinalughog ang loob ng aking Gucci hand bag. Kinuha ko ang maliit na salamin at maging ang NARS Velvet Matte Lip Pencil. Ipinahid ko ito sa aking labi para dagdagan ng kulay ang walang kulay na labi ko. "I am sorry, but your appointment with the General is already settled. Mr. Mendez and the Salazars will also be present at that dinner. We cannot cancel their appointment, Madame." Padabog kong isinarado ang hawak kong salamin. Ibinalik ko ito sa loob ng bag at saka ikinrus ang kamay sa dibdib. Diretso kong sinalubong ang mata ni Sandra. Mukha yatang nagkakapalit na kami ng posisyon ngayon. "As far as I know, I am the President, your boss. You are my friend, yes. But you are also an employee, my secretary." Ikinunot ko ang aking noo at bahagyang ngumuso na tila ba nag-iisip. "O baka hindi lang ako nasabihan at ikaw na ngayon ang boss sa ating dalawa? Sa timbre ng pananalita mo ay para bang kailangang sundin ko ang anumang sinasabi mo kung hindi ay mawawalan ako ng trabaho," dagdag ko pa at saka sarkastikong tumawa. Ibinaling ko kay Vaughn ang tingin ko. "I am the President of this goddamn country. I will be the one to decide who I would meet and what appointment I would attend." I'm sorry Sandra Nicole, but you shouldn't mess with my plans. I care about her. I love her and I am thankful that I have a very passionate secretary, but she must never cross the line between us. "And when I say I already have an appointment, what you need to do is to cancel the latter. There's only one President here, therefore there's only one decision to be made. Do you understand what I mean, Miss Mendez?" Sa lahat ng aking mga kaibigan si Sandra ang higit na nakakikilala sa akin. Nakita niya kung gaano ako kahina no'ng una at kung paano ko binago ang sarili ko. Bata pa lang kami ay alam na niya ang mga paghihirap ko, nakita niya ang mga pinagdaanan ko. At inilagay siya sa tabi ko para tulungan ako. Hindi man sa akin sabihin ni Sandra, alam kong si Mr. Theofilo ang nagbigay sa kaniya ng ideya para kaibiganin ako. That old prick man knows how to play his cards well. He studies the pattern and makes a better plan before he moves his pieces. Hindi agad nakasagot sa akin si Sandra. Malamig na titig lamang ang ginawa nito sa akin habang ang ekspresyon niya'y hindi ko mabasa. Pilitin ko man ang sarili kong malaman kung ano ang iniisip ng kaibigan ay alam kong mabibigo ako. Ganito na siya noon pa at mas tumindi lang matapos naming umuwi galing Russia. Huminto ang kotse sa harap ng Malacañang. Tahimik na bumaba si Vaughn. Hindi pa rin napuputol ang titigan namin ni Sandra kaya ako na ang pumutol niyon nang bumukas ang pinto. Marami pa akong gagawin, wala akong planong ubusin ang oras sa pakikipagtitigan! "I can see her through you. Her stubbornness. Her coldness. And her fierceness. You got it all on you, huh?" malamig na usal ni Sandra nang akmang lalabas na ako. "You think I didn't know what you're planning to do? Do you really believe that a piece like you can fool me? No..." Umiling ito at pumalatak pa. Mas lalong lumamig ang paraan niya ng pagtingin. "You can never hide anything from me, toy." What? Ano bang sinasabi ni Sandra at bakit niya ako ganito kung kausapin? "Hindi ako naniniwala na siya ang nagpapagana sayo. Alam kong sariling desisyon mo ang sinusunod mo at hindi ang desisyon niya. Ito lang ang tatandaan mo." Lumapit si Sandra sa aking kinauupuan. Hinawakan pa niya ang aking baba at itinaas. "Sa oras na ipahamak mo siya, ako mismo ang sisira sayo. Sisiguraduhin kong makikita mo ang katapusan mo kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya." "What the f**k are you saying Sandra? Nababaliw ka na ba? Hindi ko maunawaan ang sinasabi mo!" Itinulak ko si Sandra palayo sa akin. "If you really want to find something, you better find and ask Dr. Benjamin Philipps. Convince him to tell you everything because I am done convincing the old bastard." Iyon lang ang sinabi ni Sandra bago lumabas ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD