The View

1557 Words
"Are you serious? Did Sandra Nicole really said that? You gotta be kidding me, Lhex." Tinapunan ako ng mapanghinalang tingin ni Angelic bago inisang lagok ang champagne na nasa wine glass niya. Prente akong nakaupo sa malambot na sofa sa loob ng opisina ni Angelic. Higit tatlumpung minuto na ako rito sa loob ng kaniyang opisina sa QuilTech towers. Ikinwento ko sa kaniya ang mga napag-usapan namin ni Sandra maging ang aking mga hinala. Patuloy lang siya sa pag-iling sa akin na tila ba hindi naniniwala sa aking mga sinasabi. Alam kong mahirap paniwalaan dahil si Sandra itong pinag-iisipan ko ng hindi maganda. Si Sandra na walang ibang ginawa sa mga lumipas na taon kundi gawin ang kung anong naisin ko. Si Sandra na kaibigan namin. "Mukha bang nagbibiro ako Anj? Isa pa, 'di ba naghinala ka rin kay Sandra tungkol doon sa nangyari no'ng maospital ako?" "I did, but I chose to have faith in her. Sandra will never do something stupid to hurt you," kompyansang sambit ni Anj habang nagbabasa ng mga dokumentong nasa table niya. Hinihintay ko pang matapos ang trabaho ni Anj at si West naman ay nasa loob pa raw ng conference room. Wala akong ibang mapagpipilian kundi ang hintayin silang dalawa. "I don't know what's wrong with her, Anj. Para bang may mga panahon na hindi ko siya kilala. May mga araw na masyado siyang pormal sa akin, para bang lahat ng kilos niya ay kalkulado." Sandra is stoic and very professional when it comes to her duties as the President's secretary. Nasa loob pa man kami ng Academiá ay gano'n na siya, but at least she still had time to loosen up even a bit before. Nagagawa pa niyang makipagbiruan sa akin hindi tulad ngayon. "Kung ituring niya ako parang ibang tao ako. Para bang hindi ako yung kaibigang nakasama niya ng ilang taon sa loob ng Academiá," sambit ko at saka muling nilagok ang wine. "Baka naman stressed na siya? Maybe she needs time to relax, why don't you give her a break? A month to enjoy her youth!" Umirap ako kay Anj nang sabihin niya iyon. Tumayo na ako mula sa inuupuan ko at nagsimulang maglakad-lakad sa loob ng opisina ng kaibigan. "You know that lady, Angelic. As if she'll accept my offer, she would rather exhaust herself to work than to visit Hawaii for a month of vacation." "b***h, hindi mo pa nga siya tinatanong inuunahan mo na ang magiging sagot niya? Come on, try to ask her. Maybe she's just too obsessed with her job kaya gano'n siya. We know our friend, she's not the type who will just turn her back on us and would betray us, pumuti man ang balahibo ng uwak ay hindi tayo tatraydurin ng kaibigan natin." Hinawakan ko ang picture frame na naka-display sa drawer. Larawan naming magkakaibigan iyon, kumpleto kami at lahat ay nakangisi na tila kagagaling lang sa tawanan. Nakaakbay sa akin si Angelic at Aly, katabi ni Aly si Sandra na kahit seryoso ang ekspresyon ay mababakas pa rin ang itinatagong ngiti. Habang sa likod ni Anj ay nakayakap sa kaniya si Ellis. Nakapatong pa ang baba nito sa balikat na aking kaibigan. Si West ay nakatingin sa akin, nakapagitna si Aly at Sandra sa aming dalawa kaya bahagyang nakasimangot ang mokong. I remember him asking Alysabeth to switch places. Gusto kasi nitong ako ang katabi sa picture taking pero hindi pumayag si Aly. Sinipa pa nito ang tuhod ni West nang ayaw talaga siyang tantanan ni West sa pangungulit. Ito yung panahong nag-out of the country kami, mula sa Russia ay nagtungo kami sa Bohamas Island. Limang araw kami ro'n at nagpakasaya kaming magkakaibigan dahil pag-uwi ay papasok na kami nina Sandra at Aly sa Academiá. "I hope so," sambit ko gamit ang mahinang boses. Ibinaba ko ang frame matapos titigan iyon. Hindi ko na narinig pang nagsalita si Anj at hindi ko na rin siya binalingan. Nagpasya akong lumabas ng opisina niya para mag-ikot sa loob ng tower. Maraming bumabati sa akin na mga empleyado ngumingiti lang ako sa kanila at sumasagot din sa mga tanong subalit hindi ko rin pinapahaba pa ang usapan. Nang makarating ako sa dulong bahagi ng tower ay tumigil ako. Walang tao sa lugar na ito at wala ring mga opisina. Isang bakanteng lugar lang ito na mayroong glass wall. Kita sa harap ang papalubog na araw maging ang ilang mga ibon na lumilipad sa labas. Ang gandang pagmasdan ng syudad dahil ang liwanag ng palubog na araw ay tumatama sa mga nagtatayugang mga gusali. "Do you know why I like this place a lot?" Limang hakbang mula sa akin ay nakatayo si Mr. Frederiko Quilor. Ang laki ng katawan nito ay tulad pa rin no'n, kung paano ko siya naaalala sa kabataan ko ay gano'n pa rin ang tingin ko sa kaniya. Malaki ang nakadikit na ngiti sa kaniyang labi habang ang tingin ay nasa harapan. Dahan-dahan itong lumakad palapit sa kinatatayuan ko. Ibinalik ko ang tingin sa harap tulad ng ginagawa ng ginoo. Nanatili akong tahimik na nagmamasid lang sa paligid at ganoon man siya. Tila ba parehas naming gusto na namnamin ang magandang tanawin sa labas. Nakawawala ng pagod ang ganda na aming nakikita. "When the ray of sun is reflected on the mirror like this, it soothes me. All my stress seems to fade after I witness the sunset from here," mahina subalit baritono ang kaniyang boses nang bigkasin iyon. "Dati pangarap ko lang ang magkaroon ng isang opisina na may magandang tanawin sa labas. Tinatanaw lang namin ni Vienna ang pangarap na magkaroon ng sariling kompanya dahil wala kaming pera. Pero lahat ay naging posible buhat nang makilala ko ang Lolo mo." Ibinaling sa akin ni Mr. Quilor ang kaniyang tingin. Bakas ang maliit na ngiti sa labi nito at namumula rin ang kaniyang mata. "Habang buhay naming tatanawin ang malaking utang na loob na mayroon kami sa pamilya mo, President. Asahan mo ang pamilya ko ay magiging kakampi mo sa anumang laban." Hinawakan nito ang aking kamay at tinitigan ako ng diretso sa mata. "We will stand beside you. Your enemy is our enemy and whoever comes in your way will die on our hands, Madame President." I always know that my grandfather helped them out before. He supported the Quilors on their business and even introduced them to the Salazars. Lolo wanted to bind the two families together because he saw greater potential on their collaboration, though it never happened. Parehas na mahusay ang dalawang kompanya sa kanilang mga larangan. Ang mga Salazar ay kilala sa husay nito sa paggawa ng mga industrial robots. Habang ang mga Quilor naman ay sa warfare robots. Ang kanilang mga imbensyon ay nagkakaroon ng malaking kontribusyon sa bansa. "Thank you, Mr. Quilor. Tiyak na matutuwa si Lolo sa oras na malaman niyang nananatili kayong kaibigan sa amin kahit na wala siya rito." Binitiwan na ni Mr. Quilor ang kamay ko at nagpakawala ng mahinang tawa. "We did not pledge our loyalty to the physical body of the person whom we are indebted to. We made a compact with their blood and it will never end as long as your generation possess a drop of his blood." Kumalabog ang puso ko dahil sa sinambit na kataga ni Mr. Quilor. Dumilim ang itsura nito habang patuloy na tumititig sa akin. Tila ba may nais siyang iparating sa paraan ng kaniyang pagtitig. Naputol lamang ang tinginan namin nang may lumapit sa aming sekretarya. Sinabi nito na naghihintay na sa akin si West sa opisina ni Anj. Tumango lamang ako sa sekretarya at humarap na muli sa ama ni West. “Salamat, Tito Fred. Knowing that your loyalty is with our family gives me comfort, I may need your help in the future.” Tumango ito sa akin at tinapik ang aking balikat. “Anytime, President.” “Thank you,” sambit ko at tipid na ngumiti. Ilang hakbang na ang nagagawa ko palayo kay Tito nang muli itong magsalita. Muntik pa akong mabuwal nang marinig ko ang sinambit nito. “I am more than willing to help you find Benjamin Philipps, just say the word and I'll make sure that his head will be delivered in your office tomorrow.” Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung bakit agad na kumabog ang dibdib ko pagkatapos niyang banggitin ang pangalang binanggit man ni Sandra kanina. May kakaiba sa paraan ng pagkakasabi ni Tito Fred sa pangalan nito. Tila ba lason na idinura niya ang mga salitang kaniyang binitiwan. “I know you have a lot of questions. You may call me if you want us to talk about it. You know where to find our mansion, President. You are welcome to ask anything you want to know and I will give you answers,” sambit nito gamit ang malalim na boses. “Y-you know Benjamin Philipps?” I breathlessly asked. Sino ba kasi ang lalaking iyon? Siya ba yung Dr. Ben? Ang nakita ko sa isang laboratoryo? Siya rin ba ang kausap ni Lolo noon? “I know him better than anybody else. Even if they try to silence me, I won't. They may kill me, but I will still reveal the truth about their dark secrets. That old Benjamin Philipps, he was my father before he disowned me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD