Trip to Hell

3220 Words
I let the tip of the glass stayed on my lips. The tingling sensation of its buttery flavor changes from the moment I taste it to the moment I sip every drop of it. I suddenly crave for a burger after its stickiness and creamy coconut notes attacked my throat. I remember how Mama loves to drink Chardonnays wine with Papa. We had a separate room for wines and the majority of it was Chardonnays, we had all the flavor of it. This wine harmonizes buttery, spicy notes with flint taste, the reason why Mama and I got addicted to it. "You really love Chardonnays wine. Maybe I should buy you a dozen of it, would you finally let me court you if I do that?" West said with a grin. "Oh come on, West. Hindi ka kailangan ni Lhexine para lang makabili ng paborito niyang wine. She has a room full of it inside her lonely mansion!" sambit ni Anj at saka umiiling na tumingin kay West. "Hey!" West snapped his fingers in front of me when he noticed that I am not listening to him. I curiously looked at him with my furrowed brows. I've been thinking about what Tito Fred said this whole damn time. "Sorry. Ano ulit iyon?" tanong ko nang mahimasmasan. Umirap si Anj sa akin at saka ngumuso. "Sabi ko na nga ba nagsasayang lang ng laway itong si West. Kanina pa siya salita nang salita kahit na wala ka naman sa sarili mo." Ibinaba ko ang hawak na wine glass at saka hinawakan ang aking batok. I shyly let a small smile on my friends. Nakakahiya na inabala ko sila sa kanilang pahinga para kausapin pero ito ako at wala sa sarili. "Do you want to talk about something? Is it about Sandra and your suspicions?" I pursed my lips before I answer. Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Para bang sa sobrang dami ng mga tanong sa isip ko ay naghahalo-halo na ang mga ito. Umiling ako kay Anj at saka humarap kay West. Kunot ang makapal na kilay nito habang ang madilim na mata'y nakatutok sa akin. Kuryoso siyang nakatitig at tila ba sinusubukang basahin ang aking ekspresyon. "I heard that you talked with my father. Did he say something that weird you out?" "It's not like that," sabi ko at saka uminom muna ng tubig. "He mentioned someone. It's Benjamin Philipps," dagdag ko. Nanlaki ang mata ni West nang marinig ang aking tinuran. Umawang ng bahagya ang kaniyang labi sa pagkagulat. Hindi niya siguro inasahan na babanggitin ko ang pangalan na iyon. Sa tagal naming magkaibigan kahit na kailan ay hindi nabanggit ni West ang tungkol sa Lolo niya. Ngayon ko nga lang naisip ang tungkol do'n dahil sa napag-usapan namin ng kaniyang ama. "I am just taken aback when he said that if I just say the word, he'll deliver me the head of Benjamin Philipps. I'm just a bit curious about that man, I kinda heard his name a lot and I am wondering where can I find him," I said using my softest voice. Mataman ang titig ko kay West habang tinitimbang ang kaniyang ekspresyon. Ang kaninang kuryosong mukha ay biglang naging blanko matapos marinig ang tinuran ko. Maging si Anj ay napatahimik, nilingon ko siya saglit at naabutan kong nanlalaki ang mata nito. "Sandra told me that if I have questions, then I better find him and ask him myself. Do you know where can I find your grandfather, West?" "I have no grandfather. He died a long time ago," malamig na usal ni West at nag-iwas ng tingin sa akin. "But your father told me tha-" Natigil ako sa aking pagsasalita nang padabog na ibinagsak ni West ang kaniyang baso sa table. "I said I have no grandfather, Lhex. I am sorry, but I don't think I can help you with that." Tumayo na ito at mukhang handa ng umalis. "I'm sorry," mahinang sambit ko. Bigla akong nakonsensya dahil sa nakita kong naging reaksiyon ng aking kaibigan. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging bayolente, marahil ay hindi naging maganda ang relasyon nilang dalawa ng kaniyang Lolo. I don't want to rub salt in his wound. I also have my own wound and I never like to talk about it. "I need to go now. I still have a lot of things to do, I'll call you later. I'm sorry." Tumayo kaming dalawa ni Anj para yumakap kay West. Wala ring kibo si Anj na nagpaalam dito. Siguro'y may alam siya kahit papaano sa history ng pamilya nila West. Matagal na siyang nagtatrabaho sa mga Quilor kaya tiyak na nakaririnig na rin siya ng mga usap-usapan. Habang nakayakap kay West hinagod ko ang likod nito. "I didn't know what happened between you and your Lolo, but I want you to know that I am just here. You can talk to me when you need someone to talk to," I whispered. "I'll call you later," muling sambit nito na tila binabalewala ang huling sinabi ko. Nauunawaan ko ang naging reaksyon ni West. Kung hindi pa siya handang pag-usapan ang kahit ano tungkol sa Lolo niya ay hindi ko siya pipilitin. Hihintayin ko na lang na kusa siyang magkuwento sa akin. Anyway, I can always ask Tito Fred for help. He'll help me for sure. “He's very sensitive when it comes to Don Benjamin,” biglang wika ni Anj at saka muling umupo sa kaniyang upuan. Nagsalin pa siya ng wine sa kaniyang wine glass at mukhang wala pang balak na umalis din. Nanatili ang tingin ko sa nakatalikod na si West. Hindi na ito lumingon pang muli sa amin at dumiretso na lang sa paglabas ng restaurant. “Mukhang malaki ang galit nilang mag-ama sa matanda. Hindi ko alam na may gano'n palang g**o sa loob ng kanilang pamilya.” Palaging mabiro at nakangisi si West. Masayahin siyang tao at tila laging walang problema, kumpleto ang kanilang pamilya at hindi sila kinukulang kaya kung iisipin ay dapat masaya na siya. Ganoon naman kasi ang basehan ng kaligayahan para sa mga tao 'di ba? Kapag mayaman, guwapo, mabait at may magandang background ng pamilya perpekto na sa paningin ng iba. “Have you met him?” tanong ko. “No, but I heard that he's not like West and President Quilor. Unlike them he's too ruthless,” sagot ni Anj at saka muling uminom. Umalon ang pagtataka sa akin. Kahit na kailan ay hindi pa ako nakarinig ng usap-usapan tungkol sa matandang Quilor. Maging kina Mama ay wala akong narinig na nagkaroon kami ng bisita noon na mula sa lahi ng mga ito. Laging puno ng mga tanyag at malalaking tao ang bahay na tinitirhan ko. Noong kasama ko pa ang mga magulang ko'y madalas ang pagbisita ng mga kilalang businessman at scientist sa amin. Noong kay Lolo naman ako ay puro mga politiko habang kay Uncle Rhodes ay mga may kinalaman sa militar at maging sa gobyerno rin ng bansa. “We are f*******n to mention his name. The President and his family never like to hear gossip about their family history. But from what I know, Don Benjamin disowned his eldest son for the youngest. That's practically the reason why the President and his brother were not in good terms before Mr. Benedic Quilor died,” mahabang sambit ni Anj habang ang tingin ay nasa wine glass. Nilalaro niya ang hawak na baso habang nagsasalita. Doon lamang nakatutok ang mga mata niya saka lamang nabaling sa akin nang marinig ang aking pagsinghap. “Namatay ang bunsong kapatid ni Tito Fred? At bakit itinakwil ng Donyo ang kaniyang panganay na anak?” Umiling lang si Anj sa akin at saka pumikit nang mariin. Tila ba natauhan siya matapos ang aking tanong. “Lhexine, I am not allowed to disclose this information to you. Ako ang malalagay sa alanganin kapag kumalat ang mga sinasabi ko! They did everything in their power to bury those dark history of them and they paid million dollars to the press so that the news wouldn't spread and here I am saying these things to you!” Agad na tinungga ni Anj ang bote ng Chardonnays sa kaniyang harapan. Diretso niyang nilagok iyon at hindi na nag-abala pang isalin sa baso. “Lasing na siguro ako. Nakapagsasalita na ako ng mga bawal na dapat ay sa sarili ko lang. Umuwi na tayo, Lhex.” Tumayo si Anj sa kaniyang upuan at saka inayos pa ang kaniyang nalukot na dress. Matapos noon ay humakbang na paalis sa table namin subalit nanatili akong nakaupo. Wala pa akong balak na umuwi at gusto ko pang manatili sandali. Nasa labas lamang ng restaurant na ito sila Vaughn kasama ang team. Tiyak na kanina pa nila ako hinihintay subalit mas gusto kong manatili pa kahit sandali. “Mauna ka na muna Angelic, I'll stay and finish this wine on my glass before I go.” Binigyan ko ang aking kaibigan ng isang tipid na ngiti. “Susunduin ka ba ng driver niyo? I don't think it's safe for you to drive,” dagdag ko nang makitang bahagya siyang na off balanced. May tama na nga ito. Kanina pa kasi inom nang inom at mukhang nasarapan din sa aking Chardonnays! “Ellis' waiting for me outside with your hot and smexy bodyguard. You sure you'll gonna stay here for a while?” Ngumuso lang ako sa kaibigan at tumango. Tumayo na rin ako ay saka siya niyakap. Hindi rin nagtagal ay tuluyan na ngang nawala sa paningin ko si Angelic. I planned to meet them tonight so that I can tell them my plan, but look at what I did. Tumulala lang ako nang matagal at nang mahimasmasan ay napaalis ko pa si West! How am I going to execute the plan as soon as possible now? Or maybe I should do it myself? Will that be easy and safe? “How long do you plan to space out? Is another two hours will be enough?” Mula sa aking likod at narinig ko ang malalim na boses na iyon. Tumindig ang balahibo ko nang tamaan ng hininga niya ang aking batok. Dahil sa nakaupo ako at nakatayo siya, bahagya itong yumuko para bumulong sa aking tainga. Siguradong nakita niya kung paano tumalon ang balikat ko sa gulat. Hindi ko maitatago iyon dahil talagang nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot! “What the hell?” galit kong usal at saka lumayo. “Bakit ka ba nanggugulat ha? Kung may sakit ako sa puso ay tiyak na inatake na ako ngayon dito!” Kunot ang aking noo nang harapin ko siya. Tuwid na ito ngayong nakatayo sa aking likuran, nakataas pa ang kaliwang kilay. Bakla yata ito, kung 'di nang-iirap nagtataas ng kilay na akala mo kung sinong suplada! “I've been trying to get your attention for the whole 5 minutes, but you're so busy spacing out. Bakit parang kasalanan ko pang nagulat ka?” Ganoon katagal na ba akong nakatulala? Nakatitig lang ako sa labas ng restaurant. Mula sa aking kinauupuan ay kitang-kita ang city lights sa labas. Dalawang palapag ang restaurant na ito, walang ibang tao bukod sa aming dalawa ni Vaughn kaya kanina ay sobrang tahimik dahil ako lang mag-isa rito. Sa sobrang dami ng iniisip ko ay napatutulala na lang ako sa tanawing aking nakikita. Bukod sa pagod ko sa buong maghapon ay ang dami pang gumugulo sa aking isipan. Bigla ring sumulpot sa isip ko ang tungkol sa misteryosong laboratoryo na nakita ko noon. “Saan niyo ba talaga ako dinala noong nawalan ako ng malay? I know you didn't rush me to the hospital. You brought me somewhere else and it's in a hidden laboratory,” seryoso kong sambit at muling ibinalik ang tingin sa labas. “I saw the machines and laboratory equipments. All of the machines and even the robots are familiar to me, those are my parents inventions!” Hindi mawala sa isip ko ang nakita kong robot. It's a profiler autobot that has the ability to scan you in just 10 seconds and determine all the private information about you. Mama once told me that they were developing that kind of robot, I was so amazed upon listening to her. She told me how efficient the robot was. Subalit kataka-takang kahit na kailan ay hindi lumabas sa publiko ang imbensyon nilang iyon. I even saw the security lazer. Naalala ko na nabanggit ni Papa sa akin noon na mahusay daw iyong gamitin kung may isang bagay kang iniingatan. Isang dikit mo lang sa kulay pulang ilaw ay tiyak na malalapnos at madudurog nito ang buto mo. At kapag pinilit mong pumasok sa loob ay magbubuga ito ng isang usok na naglalaman ng mga kemikal na maaring pumatay sa 'yo sa oras na malanghap mo. “Anong laboratoryo iyon? Bakit naroon ang mga imbensyon ng mga magulang ko?” I tried to research the letters I saw in that capsule, but it is fully encrypted. It seems like a code written using an ancient letter. I frustratedly tried to decipher the code, but I just can't fully get the correct pattern. Something's wrong and I don't know what the hell it is! It is like a binary code combined with a Mediterranean letter. The one who did the encryption is one hell of a kind. He used ancient letters and changed its translation using his own knowledge to secure the information. “I can't tell you anything.” Malamig ang tingin sa akin ni Vaughn nang bigkasin niya iyon. Dahil sa nakaupo ako ay kailangan ko pang iangat ang aking mukha para lamang masalubong ang kaniyang tila yelong tingin. “And why the f**k can't you tell me? I deserve to know the truth. It was my parent's invention, their lifeline project. Bakit hindi ko pwedeng malaman ha?!” Nagpupuyos ako sa galit nang tumayo ako para pantayan ang tingin ni Vaughn. Tinatlong hakbang ko ang pagitan naming dalawa para tuluyang makalapit sa kaniya. Hindi man lamang natinag ang malamig na ekspresyon nito, wala ring takot na dumaan sa mata niya nang itutok ko sa kaniya ang hawak kong kutsilyo. “Why do people around me have to make me feel stupidly crazy? It is obvious that you are all keeping a secret from me and I am about to lose my sanity while trying to figure it out!” Pakiramdam ko ay sinisilaban ang kaloob-looban ko at nagbabadya itong sumabog anumang oras mula ngayon. Lahat ng mga nasa isipan ko ay tila gustong kumawala, pinagtibay pa ng alak ang galit ko kaya mas lalong lumiyab ang nararamdaman ko ngayong emosyon. I need to vent out my anger and frustration or else I might really go f*****g insane. And the last thing that my country needs right now is a crazy president. “Where the f**k is that laboratory? Who is Benjamin Philipps? What was the last project my parents did and who the f**k is trying to track the location of my grandfather?!” Nasaan si Lolo? Sino ang tunay na nasa likod ng pamamaril noong ika-13 kaarawan ko? May kinalaban ba ang mga taong iyon sa mga kaguluhang kinasasangkutan ko ngayon? Putangina kailangan ko ng sagot! Nanatili ang blankong ekspresyon ni Vaughn habang matamang nakatitig sa mata ko. Wala akong mabakas na kahit ano sa kaniya, diretso lang ang tingin niya sa akin at tila may malalim na iniisip. Nang higit dalawang minuto na ang lumipas at nanatiling ganoon pa rin ang porma ni Vaughn ay tuluyan na akong sumabog. Sa sobrang galit ko ay napasigaw ako at ibinato sa malayo ang kutsilyong nakatutok kay Vaughn. Galit na galit kong hinawi ang mga nakalagay na plato, baso at pagkain sa lamesa. Maingay na kumalansing ang mga iyon nang bumagsak sa sahig at nangabasag ang lahat. Hindi ko nilubayan ang paghawi ng mga gamit sa ibabaw ng lamesa hanggat hindi nababawasan ang nararamdaman kong galit sa loob ko. Ibinato ko ang mga bote ng Chardonnays wine maging ang mga wine glass. Nagkalat na ang mga bubog sa sahig at nakita ko pang may sumilip na tao mula sa hamba ng pintuan. Agad namang pinaalis iyon ng isang myembro ng aking security team. “Bakit wala kayong mga kwenta? Lahat kayo mga walang silbi!” Hinihingal akong naglakad palayo. Ilang hakbang pa lang ay agad na akong nabuwal sa sobrang panghihina at hilo. Tuluyan na ngang tinamaan ng alak at pagod ang aking sistema. Hindi ko na inalintana pang isipin ang aking itsura at damit, basta akong sumalampak sa sahig at sinapo ng palad ang aking mukha. Maingay akong humihikbi. Hindi ko pinipigilan ang pagkawala ng hagulgol sa aking sarili dahil sa mga oras na ito ay wala na akong pakealam. Magmukha man akong mahina sa harap niya at malaman man ng lahat ng kalaban ko ang panghihina kong ito ay wala na sa akin. Pagod na ako! Buhat nang mawala ang mga magulang ko at si Lolo sa piling ko ay kailanman hindi ko na hinayaan pa ang iba na makita ang mahinang Lhexine Manuela. Itinatak ko na agad sa akin na dapat ay maging matapang ako at malakas sa paningin ng iba. Ayoko kasing makita nila ako bilang mahina. Kaaawaan o di kaya'y aapihin. No, I refuse to live a pathetic life. I am an orphan. An abandoned Sawyer and a lonely president of the year 2050. “You always act like a tough lioness, but why are you here right now? Wailing like an abandoned puppy?” Kasi pagod na ako. Lahat na lang yata ng mga nasa paligid ko ay niloloko ako. Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Pakiramdam ko ay ako na lang mag-isa. Lagi na lang akong mag-isa. “Maybe it's time for you to break the wall you built for yourself. You have been isolated for years, don't you feel sad at all?” “W-what?” lumuluhang sambit ko habang nanginginig pa rin ang boses. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Vaughn. Nakaluhod ito ngayon sa aking harapan at pilit na inaalis ang kamay kong nakatabing sa aking mukha. “Let me show you my world, Manuela. Follow me in my kingdom and I will introduce you to my people. They will be your people too and you'll be their queen.” Tila agad na nagbago ang ihip ng hangin. Ang kaninang malamig na titig niya'y lumambot at napuno ng kakaibang emosyon. Ang tigas at lalim ng boses na dumurog sa akin ay siya ring bumuo nang dahil sa huling sinambit nito. Para bang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso. Ang panibagong patak ng luha na ngayon ay aking iniluluha ay hindi dahil sa pagod, sakit at takot. Para na ito sa panibagong liwanag na aking natatanaw. Nagkaroon ng kaunting liwanag sa aking daraanan at nagkatoon ako ng pag-asa. “If I follow you in your world, could you promise me that you will hold my hands until we reach your kingdom? Would you protect me from the enemies and the wolves on the way to your palace?” I've been through hell lot of time already. The journey wasn't easy, but hell... it's scary as f**k. Not because of the demons on my way, but because of the fact that I was alone. Nobody's there for me. I only have myself and I think, that's what makes the journey hard and deadly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD