Underground Laboratory

1975 Words
"Where are we going?" The dark sky says that it's already midnight. There is no light on the street we're heading. I have no idea where we'll go, he just said that he needs to bring me to his 'palace' and make me remember things that I forgot. I have no idea what he was saying. I just found myself agreeing with whatever he was saying. And now, here I am sitting inside his black Range Rover while he's driving in the woods. Ang tingin ko ay nasa bintana, hinahabol ng tingin ang mga nalalampasang mga puno. Sa sobrang dilim sa labas ay wala ako halos matanaw, kahit isang maliit na liwanag ay wala akong makita bukod sa malakas na headlights nitong kotse. Hindi tulad ng madalas mangyari ay walang ibang nakasunod sa aming sasakyan. Kaming dalawa lang ni Vaughn ang bumabagtas sa kadiliman ng lugar na ito. Muli kong ibinalik ang tingin kay Vaughn at naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa harap. "I swear to God, Salazar. If you try to violate me here I will kill you without hesitation." "Huh? And why the hell would I do that? You're not even tempting in my eyes to wake my sensual demon," sagot ni Vaughn at saka saglit sa aking ibinaling ang tingin. "Hah? Really? For all I know you have been fantasizing about me ever since we met. Drooling at my body every time you see me at kulang na lang ay tumulo ang laway nang dahil sa akin," kompyansang sambit ko sa kaniya at umirap. Bakit kailangan pang ikaila na naaakit siya sa akin? Palagi ko naman siyang naaabutang nakatitig sa akin sa tuwing hindi ako nakatingin. Kagat pa nga ang kaniyang labi habang taas-baba ang mata sa aking dibdib at baywang! "Oh girl, where did you get this freaking boast? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Kulang ka yata sa kape." Umiling pa ito na tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "I was in Russia for such a long time. I encountered a lot of guys inside the Academiá and I first-handedly experienced their lustful gazes on me. Believe me Salazar, I can even classify and give meaning on every gawk at me." Tumawa ako matapos kong sabihin iyon sa mayabang na paraan. Hinintay ko ang rebut nito ngunit wala akong narinig. "Tch," tanging naging tugon lang niya sa akin at hindi na muli pang lumingon sa gawi ko. "What? I am telling you the truth here. Hindi ako basta lang nagyayabang, lahat ng sinasabi ko ay totoo!" Baka kasi hindi lang siya naniniwala sa akin. Kilalang-kilala ko ang mga tinginan ng mga lalaking 'yan. Sa tagal ko ba namang naglagi sa loob ng paaralan na ang populasyon ay sinasakop ng mga kalalakihan hindi pa ba ako masasanay sa kanilang mga simpleng sulyap at paminsang paghaplos? I am no saint. I've kissed and touched in secret in between those years. Hanggang sa makarating kami sa dulo ng kakahuyan ay wala pa ring imik si Vaughn. Dahan-dahang bumagal ang takbo ng kotse nang makarating kami sa hangganan ng lupa. Sa harap namin ay wala ng daraanan pa dahil ilog na 'yon. Madilim ang paligid at walang kahit na ibang daan na p'wedeng likuan. Naliligaw ba kami? "Don't tell me we're lost in this creepy woods?" kunot ang noo kong tanong. Umirap lang sa akin si Vaughn at saka tatlong beses na bumusina nang mahahaba. Maya-maya'y ibinaba ang bintana ng kaniyang kotse at inilabas ang kamay. Nanlaki ang mata ko nang may kulay pulang laser beam ang tumapat sa kaniyang pulso. Pagtapos lang ng ilang minuto ay naging kulay asul iyon at saka rumehistro ang "verified access" kalauna'y bumalik sa pagiging laser beam ngunit ang kulay ay hindi pula kundi berde. Doon pa lang ni Vaughn ipinasok ang kamay sa loob at isinara ang bintana. Ang malakas na puting ilaw ng headlights ng kotse nito'y biglang naging berde. Mas lalong dumilim ang paligid at halos wala akong makita sa labas dahil sa kulay ng ilaw nitong sasakyan. Nagtataka kong inikot ng tingin ang paligid wala namang tao rito subalit ramdam ko na may nagmamasid sa amin. "What the f**k?!" malakas na sigaw ko nang makitang nagdiretso si Vaughn sa ilog. Magpapakamatay ba ito? Tangina ba't kailangang idamay ako?! Mahigpit akong napahawak sa aking seat belt sabay pikit. Inaasahan ko na ang malakas na impact ng pagbagsak ng sasakyan sa tubig dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Vaughn diretso sa ilog. Subalit ilang minuto na yata akong nakapikit ay wala akong naramdamang pagkahulog sa ilog. Diretso pa rin ang takbo nitong kotse na tila dumaraan kami sa isang patag na kalsada. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang unti-unti ay idinidilat ko ang aking mata. Saglit pa akong natulala sa nakikita bago tuluyang mahulog ang panga sa pagkagulat. Nanlaki pa ang aking mata dahil ang kaninang ilog sa harapan ay nagkaroon ng tulay! Ito ang binabagtas namin ngayon. Mahabang tulay ito ngunit ang kalsada'y makipot lamang. Isang sasakyan lang ang puwedeng dumaan. "I am not going to kill you, just relax." Pumalatak pa si Vaughn at muling umirap. Hindi ko na nagawang sumagot sa kaniya dahil sa pagkamanghang nakikita. Paano nagkaroon ng tulay dito? Kitang-kita ko kanina na isang rumaragasang ilog na ang nasa harap namin. Ang tanging daan para makaalis ay ang bumalik sa pinanggalingan. Walang ibang p'wedeng likuan dahil ang binagtas naming kakahuyan ay diretso lang. Hindi ko rin alam kanina kung paano kami makararating sa kabilang dulo dahil walang tulay na nagdurugtong doon. Kaya saan nagmula itong tulay? Tahimik lamang akong nagmamasid sa paligid. Sa sobrang tahimik ay tanging mga ingay lang ng kuliglig sa paligid ang mauulinigan. Ibinaba ko ang bintana ng kotse dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Hindi naman ako sinita ni Vaughn kaya sa tingin ko'y ayos lang. Nang tumama ang malamig na ihip nang hangin sa aking mukha ay napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam at tila hinihila ako nito para matulog. Inilabas ko ang aking kamay para mas damhin ang hangin. Habang nakapikit ay kalmante lang ako na iwinawagayway ang kamay sa labas ng bintana. Dahil sa malalim na ang gabi at sobrang tahimik ng paligid ay tuluyan na nga akong nakatulog. "How did you bring her here? Did you kidn*pped her, Cohen?" boses iyon ng isang lalaki. "Of course not. She voluntarily came with me Stephan," sagot ni Vaughn. Idinilat ko ang aking mata nang maramdamang hindi na tumatakbo ang sasakyan. Nakita kong nakaparada na ito sa harap ng isang tila abandonadong gusali at nasa labas na si Vaughn habang may kausap na isang lalaking nakasuot ng mask at lab gown. Nang mabaling sa akin ang tingin at nakitang gising na ako ay kumaway pa ito sa akin na tila matagal na kaming magkakilala. Nasaan ako? Lumingon sa gawi ko si Vaughn, saglit na ibinalik ang tingin sa kausap at may sinabi. Tumalikod na ang lalaki at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng madilim na gusali habang nakasuot ng VR box. Anong trip no'n? "Let's go inside the lab. They're all waiting for you," sambit ni Vaughn at binuksan ang pinto para makalabas ako. "Who's waiting?" kuryosong tanong ko. Inabot nito sa akin ang isang VR box matapos saglit na kalikutin. Kakaiba ang itsura nito sa suot ng lalaking kausap niya kanina. Mayroong mga button sa gilid ng box at may tatlong maliliit na ilaw sa gilid. "You'll see," tanging sagot nito at saka may itinapat na remote control sa kaniyang kotse. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makitang naglaho sa paningin ko ang kaniyang kotse. Sinubukan kong hawakan ang lugar na pinagparadahan ng kotse niya subalit wala akong nakapang kahit na ano. Wala na roon ang sasakyan! "Woah, what the heck?" manghang usal ko habang hawak pa ang bibig. Isinuot ko ang ibinigay niya bago sumunod kay Vaughn papasok sa madilim na gusali. Biglang nag-iba ang itsura ng paligid pagkatapos kong isuot ang VR box. Doon ko lamang nakitang muli ang sasakyan niyang nakaparada sa puwesto nito. Muli kong sinubukang hawakan ang kotse at doon ko ito nahawakang muli! So if I am not wearing this VR box, all these luxurious cars in front of me are invisible? Hindi lamang kotse ni Vaughn ang nakaparada sa harap ng abandonadong building. Maraming mga sasakyan at lahat 'yon ay magagara at halatang mga mamahalin! Kung titingnan ito gamit lamang ang iyong mga mata ay wala kang makikita subalit kapag isinuot mo na ang VR box ay saka mo lang makikita ang tunay na kalagayan ng lugar. Maliwanag ang paligid kahit na madaling araw na dahil sa dami ng ilaw na nakabuhay. Sa paligid ay maayos na nakaparada ang mga sasakyan na tila nasa kani-kanilang puwesto ito. Ang itsura ng abandonado at madilim na gusali kanina'y tuluyang nagbago. Naging isa itong makabagong gusali na gawa sa bakal. Isang palapag lamang ito subalit napakahaba ibang-iba ito sa tunay na itsura kung titingnan dahil sa istilo nito. "We have no time to wonder, they need us inside the lab." Hinatak na ako ni Vaughn papasok sa loob kaya natigil ako sa pagmamasid sa paligid. Pagkapasok sa loob ay agad na may profiler autobot na nag-scan sa amin matapos no'n ay nakapasok na kami sa loob ng gusali. Maraming mga makinarya ang gumagana at may mga silid at may iba't ibang mga laboratory equipments sa loob. Ang glass wall ang naghahati-hati sa loob ng gusali. Inilagay ni Vaughn ang kaniyang palad sa biometric lock para buksan ang isang gawa sa bakal na pinto. Kusa itong bumukas at nagbuga pa ng isang makapal na usok na may malimig na temperatura. "A-anong klaseng lugar ito?" "This is where I brought you the last time you blacked out," seryosong sambit nito. "Is it your family's secret laboratory? Why did you bring me here then?" "Because you said that you need answers. If you want to find hints on what really happened in the past, then I need to bring you here." Diretso lang ang lakad namin patungo sa isang elevator. Kakaiba ang itsura nito kumpara sa mga pangkaraniwang elevator. Mayroong isa pang fingerprint scanner at may code pang dapat na pindutin bago bumukas ang pinto. Pumasok kami roon at saka niya tinanggal ang suot na VR box nang magsimula nang gumalaw pababa ang elevator. "P'wede mo na ring tanggaling 'yang suot mo." Tulad ng sinabi nito'y hinubad ko man ang VR box ko. Nakasakay kami sa isang lumang elevator na kaiba sa sinakyan namin no'ng suot pa ang VR box. Pababa ang galaw ng elevator kaya nagtataka akong tumingin muli kay Vaughn. "You've been here once. Seems like you completely messed up your own memories," wika nito habang kunot ang noo. Tumango ako sa kaniya at nanatiling nakatitig. Naghihintay na magpatuloy siya sa kaniyang mga sinasabi. "This laboratory is owned by Benjamin Philipps and this is where your parents used to work." Tuluyang nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi nito. Totoo ba ang sinasabi niya? My parents worked for Benjamin Philipps? So it means... "This is Neurolink Robotics and Prototypes?!" Dahan-dahan ay tumango sa akin si Vaughn. Kasabay ng pagbalik ng tingin nito sa harapan ay ang pagbukas ng elevator. Nakahilera sa labas ang mga nakaputing tao, may mga suot itong lab gown at mask tulad ng lalaking kausap ni Vaughn sa labas. Mga nakayuko sila na tila ba naghihintay sa aking pagdating. Sa dulo ng laboratoryo ay nakita ko ro'n ang mga pamilyar na tao. Si Sandra at Ellis? Bakit sila naririto? "Welcome to the underground laboratory of Neurolink Robotics and Prototypes. A place that holds the dark secret of our families and b****y history of the Philippines." No. You've got to be kidding me. Is it for real? A laboratory underneath the Earth's surface where the statues of my parents are engraved?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD