Epilogue

481 Words
Epilogue "Yun ang nangyari samin." Sabi ko at malungkot na ngumiti sa host, tinignan ko ang mga nasa studio halos lahat nagpupunas ng luha. "Ang lungkot naman nun. But how did you cope up?" Tanong ng host at nagpunas din ng luha. "Sa una hindi naging madali. Nawalan ako ng gana magising, hindi ako kumakain, lagi akong umiiyak. Pero one time I came up with realization na, hindi dapat ganun. I still have my friends, family, and Benj my cousin. They help me moved on and start a new life. So here I am now, pursuing my dreams and I am now happily contented with what I have." Sabi ko at ngumiti ng totoo. "So kung nandito siya, anong masasabi mo?" Sabi ng host. "Ahm, thank you because you're the reason why I'm here. You're the reason why I became brave. Thank you, and I want you to know that I still love you. Di nagbago yun, siguro totoo nga ang sabi nila na first love never dies. Ikaw ang first love ko eh. Good luck sa career mo I hope you're doing good." Yun lang at ngumiti ulit. "And I want you to know that I love you too, even before." Sabi ng isang boses. Agad akong kinabahan, kilala ko ang boses na yun. Lumingon at naiyak. Ngumiti ka at naglakad papunta sakin kaya hindi ko na napigilan ang luha ko, hindi ko na rin inalala kung live kami. "I'm sorry I left, yun kasi anong gusto nila dad para mas malaki ang chance na matuto ako, dahil I will handle our business. Sorry, can you forgive me?" Sabi niya at lumuhod sa harap ko. Tinakip ko naman ang kamay ko sa mukha ko at humagolgol. Ramdam kong hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan. Lalo tuloy akong naiyak at hindi ko na napigilang yakapin siya at umiyak sa balikat niya. "I'm sorry." Bulong niya sakin. Ilang minuto ako umiyak bago humarap sa kaniya wala akong pake kahit maga mata ko. "Wag na umiyak. Maga na mata at ilong mo oh. Papangit ka niyang sige ka." Nakangiti niyang sabi, medyo natawa naman ko. Hinampas ko ang dibdib niya. "Ang daya mo! Mang-iiwan ka tapos babalik ka?" Masungit kong sabi. "May namiss ako eh." Nakangiti niyang sabi. "Sino? Si Renée." Mataray na sagot ko. "Hindi. Syempre ikaw sino pa ba?" Sabi niya at kinindatan ako. Bago hinalikan ang noo ko. "Can you accept me again?" Tanong niya. "Yes." Nakangiti kong tanong. "Thank you." Nakangiti niyang sabi at hinalikan noo ko. Narinig ko naman ang palakpakan ng mga tao. Tumingin ako sa kanila at ngumiti. "I love you." Bulong ni Jacob. "I love you too." Sabi ko. Ngumiti naman siya. And that's how we start a new life, together. Syempre di mawawala ang struggles, away at selosan. Pero nalalampasan at naaayos naman agad namin ng magkasama. Wala na ulit pwedeng maghiwalay samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD