PROLOGUE
Prologue
"So Kathy, ano ang hindi mo makakalimutang pangyayari sa tanang buhay mo?" Tanong ng host.
Natahimik ako saglit at tinignan lahat ng tao sa studio, halatang nag-aantay lahat ng sagot ko.
"Ano nga ba?" Awkward akong natawa at mahinang natawa rin ang mga tao sa studio.
"When I have a time machine, I would love to go to my high school life." Nakangiti kong sabi.
"Why?" Curious na tanong niya.
"Because of my high school love." At nagsigawan ang mga tao pagkasabi ko nun.
"Can you tell us about him? Kung okay lang naman sayo." Usisa pa ulit ng host. Napatulala naman ako at napatingin sa kawalan.
"Siguro sisimulan ko by saying that he is a gentle and a good guy. He is different when he is with me. He was a snob at first. We started as friend turns into lovers. I can say, he has everything I can ask for a man. He is also the reason why I don't want to be in a relationship because I am waiting for him." Napatulala ako.
Paano ko ba itutuloy ang storyang umpisa pa lang hindi na natuloy? Ano ang katapusan ng storya namin kung wala namang tatapusin? I chuckled through my mind.
Let's just go back to the days when I was in high school.