Chapter 1: The Day We Met
"Beeeeees!" Narinig kong sigaw mula sa likod ko. Ito na ang dalawa kong baliw na kaibigan.
Pagkalapit nilang dalawa ay agad nila kong dinamba ng yakap. Shems, di ako makahinga.
"Bitaw nga! Di na ko makahinga!" Naiirita kong sabi. Bumitaw naman agad sila.
"Sorry na, namiss ka lang namin ng sobra." Sabi ni Iya at naka pout pa. Tss isip bata.
"Kaya nga. Bare with us. Shall we go to our class? It,s our first day!" Masiglang sabi ni Tine.
Tumango lang ako at inungusan lang nila ko. Hindi ko na lang pinansin at nauna ng maglakad.
Ganito talaga ko snob, cold at masungit. Sanay na sila sakin. Pero sa iba lang naman, sa taong malapit sakin? well, slight. Pag wala ako sa mood nasusungitan ko sila.
Nakarating na pala kami sa tapat ng room namin, hinawakan ko ang door knob at binuksan. Saktong pagbukas ko may tumama sa noo ko. Sakto pa sa gitna! Pinulot ko ang pambura sa board, tinignan ko lang yun at nagtimpi.
"Who did that?" I ask hindi pa rin sila tinitignan.
"Who did that? Don't make me repeat my question again or you all will regret it." Sabi ko at tinignan sila lahat ng matalim. Tahimik lang din ang dalawa sa likod ko.
"Ako." Maangas na sabi ng isang lalaki sa dulo. Studyante ba to? Bukas ang lahat ng butones sa polo, gulo-gulo ang buhok at parang manghahamon lagi ng away.
"Who says na pwede mong ibato ang mga gamit dito?" I ask angriness is hidden in my voice.
"Wala." Maikli niyang sabi at nakatingin sa mata ko, medyo nailang at kinabahan ako pero di ko pinahalata.
"Wala pala eh! Pero bakit mo ginawa?! Tanga ka ba?!" Galit na sigaw ko at napapitlag siya saglit. Pero bumalik din agad ang postura.
"Pake mo?" Balewalang sabi niya at umupo at tumingin na sa bintana.
Hinigpitan ko ang hawak sa pambura at walang ano ano ay binato ko sa kaniya yun. Sapol sa ulo.
Tinignan niya ko ng puno ng galit.
"Ngayon alam mo na pakiramdam? Masakit diba?" Galit na sabi ko at dumiretso na sa upuan ko.
Ramdam ko ang tingin nila lahat sakin pero galit ako kaya binalewala ko na lang. Ramdam ko rin ang talim ng tingin niya pero wala akong pake.
Hanggang sa pumasok na ang prof at lunch time at uwian. Buti di ko na nakita yung baliw na yun tss. Wag na talaga sana.