Chapter 2: Can't Explain Why
Ito na naman, papasok na naman. Sana talaga wala yung mokong na yun. Naiinis pa rin ako.
Dumiretso agad ako sa room, maaga pa kaya konti pa lang ang tao. Wala pa sila Iya at Tine, baka kakagising lang nila ng ganitong oras.
Nilapag ko muna yung bag ko at dumiretso sa rooftop. Pagkapasok ko ay napahinga ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Peace. Sabi ko sa isip ko at ngumiti.
Pumunta ako sa railings ng rooftop at naupo roon. Kita mo ang field, sobrang lawak. Pinagmasdan ko lang iyon. Kinuha ko ang phone ko at earphone. I go to my playlist and play a song.
"There's no reason, there's no rhyme. I found myself blindsided by." Nakapikit ako habang kumakanta. I feel every lyrics of the songs.
"I got way too much time to be this hurt. Somebody help it's getting worse." So emotional eh? Napangisi na lang ako at nakinig na lang.
Hanggang sa matapos ang kanta at nakarinig ako ng palakpak. Nang tignan ko kung sino ito ay yung arogante pala kahapon. Pero I can't explain why my heart goes wild when I see him. Ayaw niyang tumigil at nakatingin lang ako sa kanya, captivated with his blue deep eyes. Anong nangyayari sakin?