Chapter 3: Sorry

278 Words
Chapter 3: Sorry "Ang lungkot naman ng kanta mo. Broken ka ba?" Tanong ni mokong. Hindi ko siya pinansin at tumalikod agad sa kaniya. Abnormal na puso, bakit ka ganiyan? Tumigil ka na, I sighed and calm myself at tumingin na lang sa field na may iilang tao na. Ilang minuto na lang din magsisimula na ang klase. "Snob eh? I like that." Di ko napansin na nakalapit na pala siya sa pwesto ko, medyo nagitla pa ko. Aish! "Manahimik ka." Flat ang tono kong sabi. "Jacob nga pala." Kinunutan ko lang siya ng noo. "So?" Masungit kong sabi at sa field pa rin ang tingin. "Just saying. Baka kasi you call me names sa isip mo." He chuckled. "Buti alam mo." Bulong ko at mukhang hindi naman niya. "What?" Umiling lang ako bilang sagot. "Ahm, about kahapon. Ano uhmm." Nahihiya niyang sabi. "Ano?" Masungit kong sabi. "Sorry." Sabi niya kaya natigilan ako napatingin sa kaniya. Nagtama ang mata namin at hayan na naman ang puso ko kaya umiwas agad ako. "Sorry rin. Badtrip lang kahapon." Sabi ko. "Okay lang kasalanan ko din naman eh. Okay na ha?" Tanong niya at ngumiti. Tumango lang ako kaya natahimik na kami at narinig na namin ang bell. Sabay na kami bumaba at pumasok sa room, lahat ng tao sa room ay natahimik at nakatingin samin. "What?" Tanong ko at tinaas ang kanang kamay ko. Sabay-sabay silang umiling. Umirap ako at dumiretso sa upuan ko, ganun din si Jacob. Di ko pala nasabi ang pangalan ko.  Tumingin ako sa gawi niya at sakto nakatingin din siya. "Kathy." I uttered at tumalikod na. Sakto naman pagdating ng prof kaya nakinig na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD