Chapter 4: Fun To Be With
"Kathy." Nag-aayos ako ng gamit ng may narinig akong tumawag sakin, tinignan ko ito si Jacob pala.
"Why?" Tanong ko.
"Sabay tayo recess." Aya niya at tinaas baba ang dalawang niya.
"Sure." Sagot ko. Kami na lang pala dito sa loob ng room. Madali kong inayos ang gamit ko at tumayo na.
"Let's go?" Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Habang naglalakad papuntang canteen ay nagkwentuhan lang kami at nagtawanan, kaya hindi namin namalayan na nasa canteen na pala kami.
"Anong gusto mo? Ako na o-order." Alok niya na hindi ko naman tinanggihan.
"Carbonara at ice tea lang." Sabi ko ng nakangiti.
"Okay." Nakangiti rin niyang sabi. Hinanap ng mata ko sila Tine at hindi naman ako nahirapan na hanapin sila. Lumapit agad ako sa kanila at nakipag kwentuhan.
"Improving kayo ni Jacob ha?" May ngiting asong sabi ni Tine.
"Improving ka dyan. Kumain ka na nga lang." Pag-iiba ko.
"Sus. Anong ganap sa inyo?" Tanong ulit niya at sumubo sa pagkain niya.
"We're just friends and I admit he's fun to be with." May ngiti kong sabi habang nakatingin sa likod ni Jacob.
"Inlababo." Sabi ng dalawang kaibigan ko at nag-apir pa sila.
"The great Kathy Mendoza, is in love. Paparty na ba kami?" Sabi ni Tine kaya natawa si Iya.
"Manahimik ka nga. Nandyan na siya." Sabi ko at umayos ng upo pero rinig ko ang hagik-hikan ng dalawa kaya pinandilatan ko sila bago tumikhim at umayos. Good.
"Ito na order mo oh." Sabi ni Jacob at nilapag sa mesa ang pagkain.
"Okay lang ba maki-share ako dito?" Tanong niya. Agad naman na tumango ang dalawa dahil ang bakanteng upuan na lang ay yung nasa tabi ko, kaya no choice.
Pagkaupo ni Jacob sa tabi ko ay naghagikhikan na naman ang dalawa kaya pinandilatan ko ulit ng mata.
"Wag mo na lang pansinin ang dalawang yan, Jacob. Mga walang magawa sa buhay yan." Sabi ko at kumain na ganun din ginawa ni Jacob at nung dalawa habang palihim na kinikilig.
Inlove na nga ba talaga ko? Tanong ko sa sarili ko. Hays, I need to think about that tonight.