Chapter 5: Feelings
"Oh Kathy, bakit mukha kang zombie?" Puna ni Tine sakin. Kahit kailan talaga, ang bibig ng babaeng to. Sipitan ko kaya 'to ng manahimik.
"Di lang nakatulog ng maayos." Rason ko.
"Sus, inisip mo lang magdamag si fafa Jacob mo eh." Asar niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Manahimik ka nga." Sabi ko at dumukdok sa upuan. Inaantok talaga ko. Sana walang teacher.
"Classmates, wala daw si ma'am De Guzman may sakit." Ang bilis Lord ha, kakahiling ko lang eh. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko. Bahala sila dyan basta ako matutulog. Medyo nakaidlip na ko ng biglang may nagsalita.
"Jacob, sino yung kasama mong chix kanina? Jowa mo?" Tanong ng isa kong kaklase. Kumunot naman ang noo ko. Kasama? Babae? Bakit parang sumikip dibdib ko.
"Baliw kaibigan ko lang yun." Sabi niya at tumawa.
"Sus, baka pinopormahan mo." Sabi ng isa at tumawa.
"Tarantado." Mahinang sabi ni Jacob na nasa gilid ko na pala. Nakatungo lang ako at nagpanggap na tulog.
"Tine, tulog?" Tanong niya at alam kong ako ang tinutukoy niya.
"Oo eh, di daw nakatulog ng maayos kagabi." Rinig kong sabi ni Tine at naghagikhikan naman sila ni Iya. Yari sakin tong dalawa na to mamaya.
"Okay. Baka mangalay 'to." Sabi ni Jacob.
"Dalhin mo na lang sa infirmary sabihin mo masakit ulo." Suggest ni Tine.
"Okay." Nagpanggap akong tulog at naramdaman kong binuhat ako ni Jacob. Ang bango talaga niya.
"Oh tol, saan mo dadalhin si Kathy?" Rinig kong tanong ng isa niyang kaibigan.
"Infirmary. Para makapag pahinga ng maayos. Masakit ulo eh." Naghiyawan naman mga kaklase ko.
"Wag nga kayong maingay." Natahimik naman ang buong room.
"Tinamaan ka na ba tol?" Tanong nung kaibigan niya.
"Tarantado." Sabi niya at umalis na sa room at dumiretso sa infirmary. Pagkarating namin doon ay tinanong ng nurse kung anong nangyari sakin at sinagot niya katulad nung nasa room.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong inihiga na niya ko at kinumutan at inayos ang buhok ko.
Tahimik lang sa loob at paghinga lang ang maririnig ng may biglang nagsalita.
"Jacob." Isang malumanay na tawag.
"Oh, Renée. Bakit?" Tanong ni Jacob at umalis sa tabi ko. Ganun ba kaimportante ang babae na ito?
"Magpa tulong sana ko." Malumanay pa rin niyang sabi.
"Okay tara." At narinig ko ang yabag ng paang umaalis. Nanikip ang dibdib ko at naluha ang mga mata, dumilat ako at nakita ang puting kisame. Doon na tumulo ang luha ko. Ang sakit.
Bakit ako nasasaktan? Kasi mahal ko. Oo, sa ilang araw na pagkakakilala ko sa kaniya nahulog na loob ko. Ang sweet niya kasi, caring siya at palangiti. Kala ko masungit at suplado hindi pala.
Tumayo ako at diretsong pumasok sa room at kinuha ang bag ko. I need to unwind. Buti nandyan driver ko kahit wala pang uwian.
Nagpahatid lang ako sa isang lugar kung saan nare-relax ako. May safe haven. Doon lang ako hanggang sa paglubog ng araw, walang ibang inisip kundi ang ganda ng paligid at tanawin ng lumubog na ang araw.