Chapter 6: Benj

417 Words
Chapter 6: Benj Kinabukasan, pagpasok na pagpasok ko. Tumungo ulit ako at walang pinansin na kahit na sino. Maingay na naman dahil wala pa rin si ma'am. "Anong nangyari dito?" Rinig kong tanong ni Tine kay Iya. "Ewan. Wag mo na lang munang galawin, alam mo naman yan." Sabi ni Iya at nag-usap na ulit sila ng mga bagay-bagay. "Oh, Hakob! Musta date niyo nung chix?" Malokong tanong ng kaibigan niya at tumawa. Narinig ko rin siya tumawa ng mahina. "Baliw. Kaibigan ko nga lang yun, alam mo naman diba?" Sabi ni Jacob. "Oo nga kapal. Bakit ayaw mo pa kasing ligawan? Sige ka, baka maunahan ka." Biro ng kaibigan niya. Kahit nakatungo ako alam kong nakangiti siya. "Nahanap pa ko ng tyempo. Dadating din tayo dyan." Yun lang at narinig ko ang yabag ng paa niya na palapit sakin. Bumilis din ang t***k ng puso ko. "Tine, tulog ulit?" Rinig kong tanong niya. "Siguro. Hayaan mo na muna." Sabi ni Tine, narinig ko naman ang yabag niya na paalis. Bigla naman natahimik ang paligid kala ko may prof na pero biglang may nagsalita kaya napa-angat ang tingin ko. "Benj! Kailan ka pa dumating?" Tanong ng isa kong kaklase na lalaki. Unti-unti kong inangat ang tingin ko at nagtama mata namin. Ngumiti siya bago sinagot ang kaklase namin. "Ngayon lang. May bibisitahin lang ako, bukas pa ko papasok." Sabi niya at ngumiti sakin. Kaya tumayo ako at tumakbo sa kaniya at dinamba ng yakap. "Beeenj! I missed you so much!" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit, natawa naman. "It's a surprise, pusa." Kumalas naman ako sa pag kakayakap at ngumuso. Pusa talaga tawag niya kasi yung pangalan ko daw parang pusa. "Sana na sundo kita sa airport. Daya mo, pag ako nagsasabi." Nakanguso pa ring sabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko. "It's okay. Date tayo mamaya?" Nakangiti niyang sabi. Agad naman akong tumango. "Pick me up later okay? Gusto ko ikaw, mamaya driver mo na naman. Di kita sisiputin." Natawa ka naman at nag gesture ng parang prinsepe na nag aaya sumayaw. "Opo, mahal na prinsesa." Tinignan niya ang oras at tumingin sakin. "Alis na ko, parating na ang next prof niyo. Be good, a'right?" Tumango naman ako. "Later ha?" Ngumiti ka naman at ngumiti, bago tumango at hinalikan ang noo ko. "Ingat." Sabi ko at kumaway kay Benj. Bumalik ako ng may ngiti sa labi sa aking upuan at nakinig sa prof nang ito ay dumating at nag leksyon. Excited na ko mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD