Chapter 7: Love
Last subject na at super excited na ko. Tingin ako ng tingin sa relos ko. Wala akong ibang inisip kanina kundi ang date namin ni Benj, sobra ko kasi siyang namiss. He's in the state for the past 4 years. Doon siya nag-aral. Nakaka tampo nga eh, hindi ako sinama. Mas okay daw yun para maging independent ako at hindi nakadikit sa kaniya. Sama no? Anyways, nag bell na yes!
"Class dismiss." Sabi ng prof namin at lumabas. Inayos ko agad ang gamit ko at tumayo na.
"Tine, Iya, una na ko ha? Bukas na lang ulit." Malalaki ang hakbang ko papunta sa pinto.
Pero bago ako makalabas ay narinig ko si Tim, kaibigan ni Jacob na nagsalita.
"Sabi sayo tol eh, unahan mo na. Naunahan ka tuloy." At tumawa. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso sa parking. Sakto pagdating ko ay ang pagdating din ng mustang ni Benj, yamanin talaga.
"On time lang pala. Hop in, pusa." Pumasok agad ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Marami kang ikukwento sakin." Sabi ko at pinaningkitan siya ng mata.
"Yes, ma'am. Mamaya na pagdating natin sa favorite place natin." Sabi niya at kumindat sakin, hindi pa rin pala niya nakakalimutan.
"So, how's school?" Tanong niya pero nasa kalsada ang mata.
"Okay naman. Nothing interesting happened. Ikaw? Napahinga ka ba?" Tanong ko pabalik.
"Yep, ilang oras din naging tulog ko because of jet lag, maybe." Sagot niya.
"Btw, may girlfriend ka na no?" Biro ko sa kaniya.
"Wala no. Alam mo naman diba?" Oo nga pala nakalimutan ko.
"Hindi mo pa ba nakakalimutan?" Tanong ko.
"Hindi pa eh. It takes time, makakalimutan ko rin yun." Sabi niya at may malungkot na ngiti sa labi niya.
"Okay change topic na." Pag-iiba ko.
"Ikaw? May boyfriend ka na ba?" Sabi niya at hininto ang sasakyan. Medyo traffic pala.
"Wala." Agad kong sagot.
"Weh? Eh, sino yung lalaking masama makatingin kanina?" Napatingin ako sa kaniya dahil dun.
"Sino?" Curios kong tanong.
"Yung lalaking may buhok na brown, yung style parang sa mga korean artists na medyo curl tapos grey na mata." Natahimik ako dun, isa lang naman ang may ganung figure sa klase.
"Si Jacob." Mahinang bulalas ko mukhang narinig din ni Bench.
"Jacob eh? Sino yun? Manliligaw mo? Boyfriend mo?" Chismoso talaga nito kahit kailan.
"Kaibigan ko lang yun." Maikling sagot ko.
"Weh? Talaga?" Mukhang wala akong matatag dito. Tumahimik na lang muna ko.
Umandar na ulit yung sasakyan at mabilis kaming nakarating sa favorite place namin. Bethy's Restaurant. Pinagsamang pangalan namin yan. Regalo niya sakin nung 16th birthday ko.
Umupo kami sa usual spot namin dito at umorder. Hinihintay na lang namin iserve.
"Hindi mo sinagot tanong ko kanina." Naniningkit ang matang sabi niya.
"Fine, pero atin lang 'to okay." Tumango naman siya.
"I think I love him." Ngumiti naman siya ng malaki.
"I knew it! Does he feel the same way?" Tanong niya.
"I don't know. Mukhang hindi, may Renée na ata siya eh." Malungkot na sabi ko.
"Kung wala bakit ganun siya makatingin?" Chismoso talaga. Tinaas baba pa ang kilay niya.
"Ewan." Maikli kong sagot.
"Gusto mo malaman kung may feelings siya sayo?" Malokong ngiti ang binigay niya.
"Sige paano?" Tanong ko na nagpalaki ng ngiti niya.
"Pagselosin natin." May ngiting wagi sa labi niya.
"Paano kung hindi mag work?" Malungkot na tanong ko.
"Magtiwala ka sa expert." Sabi niya kinindatan ako. Natapos ang gabi na yun na puro kwentuhan at tawanan lang. Kaya pag uwi ko bagsak ako sa kama.
Magwo-work kaya plano ni Benj? Hays, sana nga mag work. Masakit na kasi. Hindi na ko nakapag palit dahil pumunta na ko sa aking dreamland.