Chapter 9: Talk
Pagpasok ko pa lang sa gate ng school ay may biglang humila sakin papunta sa likod ng school, sisigaw na sana ako kaso nakita ko kung sino ang humila sakin kaya natahimik ako.
Nakarating kami sa likod ng school at pumunta sa isang malaki puno. Nakatalikod pa rin si Jacob sakin pero binitawan na niya ang kamay ko. Ilang sandali pa ay humarap siya sakin at tinitigan ako, agad naman na bumili ang t***k ng puso ko.
"Ilang araw mo na kong di pinapansin ah? Lagi mong kasama yung Benj. Iniiwasan mo na ba ko?" May tampo at lungkot sa boses na sabi niya.
"Sorry, ilang taon kasing nawala si Benj kaya nabawi kami." Sabi ko ng mababang boses.
"Masaya ka ba sa kaniya?" Tanong niya. Bakas pa rin ang lungkot.
"Oo." Pero mas masaya ako kung ikaw ang kasama ko.
"Mahal mo ba siya?" Tanong ulit niya ng nakatitig sa mata ko, kita ko ang saglit na paglandas ng sakit sa mata niya.
"Oo." Bilang kaibigan, dahil ikaw. Ikaw ang mahal ko, bakit ba ang manhid mo?
"I guess wala na talaga." Pagak siyang tumawa at mababakas mo talaga ang lungkot.
"Anong wala na?" Kinakabahan kong tanong. Umiling naman siya at ngumiti ng malungkot sakin.
"I'm happy for you, thank you for everything too." Sabi niya at ngumiti. Yung ngiting totoo pero may halong sakit. Bakit parang namamaalam siya? Naiiyak ako bwiset!
"Bye, Kathy. 'Til we meet again." Sabi niya at umalis na. Bigla namang bumagsak ang mga luha ko kasabay ng pagbagsak ko sa lupa at paghagulgol. Bakit ganito? Bakit ang bigat sa pakiramdam? Bakit parang sobrang layo na niya? Bakit parang hindi ko na siya makikita?
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nag bell, tanda na magsisimula na ang unang klase. Nawala na ko ng gana pumasok kaya tumambay na lang ako sa library buong maghapon at umiyak. Nasa dulo na naman ako eh, sa part na walang nagpupuntang estudyante.
Ayoko munang makita si Jacob, baka maiyak lang ako sa harap niya.
Tumunog ang bell tanda na uwian na. Mabibilis ang hakbang ko papuntang parking. Hindi ako masusundo ni Benj kasi may inaasikaso. Nakita ko naman agad ang kotse namin, agad akong sumakay at nakatulala lang sa labas ng bintana.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto at inalala ang scene namin kanina ni Jacob kaya umiyak na naman ako. Umiyak ako hanggang sa nakatulog ako.