Chapter 10: Gone
Narinig kong nag ring ang phone ko, Sabado pala ngayon buti na lang. Sinagot ko ang tawag na medyo pipikit-pikit pa ang mata.
"Hello?" Antok kong sagot.
"Girl, nabalitaan mo na ba?" Sabi ni Tine. Napakunot naman noo ko.
"Ang alin?" Sabi ko at tumayo para pumuntang banyo.
"Ngayon ang alis ni Jacob papuntang Europe." Parang tinakasan ako ng kaluluwa ko. Namanhid ang katawan ko at hindi makagalaw. Biglang tumuloy ang mga luha ko ng sunod-sunod.
"Girl? Nandyan ka pa? Uy!" Tawag ni Tine. Nabalik ako sa realidad at mabilis na pinatay ang tawag.
Naligo at nagbihis agad ako. Nagmamadali akong bumaba at dumiretso sa garage, buti nandun si manong Lando.
"Manong, tara. Pupunta tayong airport." Sabi ko ng taranta.
"Ho?" Takang tanong ni manong Lando.
"Mamaya na tanong manong, tara na." Sabi ko at sumakay agad sa passenger seat. Maaga pa siguradong wala pang traffic. Sumakay naman agad si manong Lando at pinaandar ang sasakyan.
"Bilisan mo manong." Sabi ko, binilisan naman niya at pagkatapos ng isang oras ay nakarating na kami sa airport at mabilis akong pumasok sa entrance.
Walang hiya ka, Jacob. Pag umalis ka wala ka ng babalikan. Sabi ko sa isip ko. Agad akong pumunta sa waiting area ng mga passenger at nakita kong wala na siya dun. Tinignan ko ang malaking screen sa bandang taas at nanlumo agad ako.
Isa lang ang flight ng Philippines-Europe. Siguradong nakaalis na yung eroplano. Napahagulgol naman ako at tumakbo palabas ng airport. Sumakay sa kotse at dun umiyak ng umiyak.
Gago ka, Jacob. Wag ka na sanang bumalik. Sabi ko sa utak ko. Ilang minuto pa ay huminto ako at tanging hikbi ko na lang ang rinig sa kotse. Pag dating sa bahay ay nagkulong agad ako sa kwarto ko. Nilock ko rin ang pinto.
Ang sakit! Ang sakit sakit. Bakit siya umalis? Bakit niya ko iniwan? Hindi ko pa nga naaamin nararamdaman ko. Lalong nanikip ang dibdib ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at dun umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog ako. Biglang pumasok sa panaginip ko ang masasaya naming alaala. Bakit ka nang-iwan? Yan ang malaking tanong sa utak ko.