''ARA Ikaw na ba yan?''masayang salubong na bati ni Mrs,Emmie Lana,ang Ina ng namayapa nyang asawa na si josh nang sorpresang binisita nya ang ginang sa bahay nito.''kamusta kana hija?ok ka na ba?''
''mabuti na po ako kahit papano''magalang na wika niya dito.
''mabuti naman at naisipan mo akong dalawin nakakainip na rin kasi ang mag isa dito sa bahay Wala akong makausap''tugon nito habang papunta sila sa kusina ng kabahayan nito''mukhang maayos at maganda na Ang aura mo ngayon ah.''pansin nito matapos cyang matitigan ng maigi dahil sila ay magkatapat na naupo sa lamesa para sabay kumain.''i don't see anymore that pain and heavy feeling that always in your aura.why?merun na bang someone special Jan ulit sa puso mo?at kaya kana nya ulit pasayahin?''saad nito.''naku,ano kaba mama Wala noh!''mabilis nyang tanggi.''alam mo hija walang masama kung muli kang nagmamahal ok lang na umibig ka uli,I'm sure my son would also like that and want it.alam Kong nahihirapan din syang nakikita kang nalulungkot at nakikita kang nasasaktan dahil sa maaga nyang paglisan...''mula ng namatay si josh hindi na nya inisip na muli nyang bubuksan ang puso nya para sa iba.ayaw nyang iconsider ang muling magmahal.''napakahirap ang mag isa ara sobrang nakakalungkot iba pa rin yung may minamahal at mamahalin ka.kasi dun mo ulit mararanasan na may kabuluhan pa ang buhay."
Habang nagbibigay ng payo ang itinuturing nyang pangalawa na nyang ina ay hindi nya maunawaan kung bakit biglang pumasok sa kanyang imahinasyon ang mukha ni eugene habang pinananood sya nito nung nakaraang gabi nang pumayag syang tumugtog ng piano at kumanta na rin sa bar na pag mamay ari ni yumi.
"hey! ara are you with me?"nang marinig ang tanong ng kanyang byenan ay natauhan sya.bigla syang nakaramdam ng pagkahiya naconcious tuloy sya.
" hmmm,,,alam mo parang may bago sayo. theres something about you"saad nito habang nakatitig sakanya at inuobserbahan sya"Just a piece of advise lang hija, kung ano man yang iniisip at pinagdadaanan mo ngayon, entertain it, huwag mong iwasan at takbuhan. who knows di ba? baka yan na pala ang magtatanggal sayo sa matinding kalungkutan at magbibigay sayo ng kaligayahan na tanging nararapat lang naman na muli mpng maranasan''
hearing those words,muli siyang nakaramdam ng matinding kaba."oh god, could she be reading my mind".
"good morning," ang buong ngiting bati ni eugene.nang batiin din sya ng isa sa kanyang empleyadong babae.habang binabaybay nya ang kanyang opisina ng umagang iyon. magkahalong pagkabigla at kilig naman ang sinapit ng dalaga dahil sa araw araw na ginawa nyang pagbati sa supladong presidente ng kumpanyang pinapasukan nya, sa wakas ay napansin na rin sya nito.
"good morning alma,kamusta ang umaga ok ka naman ba jan? " nakangiti ding pagbati nya sa kanyang sekretarya na labis ding ikinagulat nito.Hindi kasi sya kilala bilang isang palabating tao lagi syang pormal sa kanyang mga empleyado. sa totoo lang nasanay na nga lang ang mga ito saknya na nakakatanggap ng matipid na ngiti o di kaya ay parang wala lang minsan naman wala sa sariling babati lang at dadaanan lang sila.
"ahm im, im fine sir, " nag aalangang sagot ni alma sa kanyang boss.sabay kuha sa kanyang organizer na naglalaman ng mga schedule nito para sa ngayong araw."hmmm parang may iba kay boss para syang sinapian ng mabuting espirito ang saya at ang sigla ng aura nya".
Sigurado syang magkukumpulan ang mga kasamahan nya sa trabaho upang pag usapan at usisain ang bagbabago ng kanilang boss dahil talagang kakaiba ang mood nito at nakakapanibago talaga.
Naging abala naman ang binata sa pagtatrabaho hanggang sa gumabi na hindi nya namalayan ang paglipas ng oras.
Pagtungtong ng alas 8 ng gabi iniwan na nya ang natitira pa nyang mga trabaho upang ipagpatuloy nalang ito kinabukasan, something na di nya ginagawa kailanman dahil ang gusto nya ay natatapos lahat ang mga ito..Subalit ng gabing iyon ay parang handa syang sirain ang kanyang mga nakasanayan parang may nag uudyok sa kanya na baguhin ang kanyang routine sa trabaho. pagkat may ninanais syang gawin na mahalagang bagay higit sa trabaho nya.
" hello pare, anjan na ba kayo sa the FINESS?"tanong niya kay lance nang tawagan nya ito sa phone.
"oo,andito na kami halos kararating nga lang namin." tugon nito saknya"pare, hindi ka ba nananawa dito? kagabi at nung isang gabi lang nandito rin tayo eh kung sa ibang bar naman kaya tayo" reklamo at suhestyon pa nito saknya.
"naku! dyan nalang at wag na kayong magreklamo nag eenjoy din naman kayo ah."
"sus, kunwari kapa alam namin kung bakit, gustong gusto mo dito at ayaw lumipat sa iba" saad nito" inaabangan at gusto mo lang makita ulit yung pianist na tumugtog no? di ba tama ako?" dugtong pa nito.
"anjan na ba siya? nagpakita na ba ulit sya?" tanong ni eugene habang inililigpit ang kanyang mga gamit sa opisina at inaayos para ilagay sakanyang case ang mga papeles na dadalhin nya.
"Oo! sa awa ng dyos ay nagpakita na sya at mukhang hinihintay ka rin kaya kung ako sayo ay bilisan mo na at pumunta kana dito dahil baka bigla nalang syang umalis" pananakot pa nito.
Pagkarinig sa sinabi ay bigla nalang syang nagkumahog. samantalang kung tutuusin ay cool lang sya na binata di uso sakanya ang salitang pagmamadali."ok im coming."
"himala! bestfriend ikaw ba talaga yan?" di na naman makapaniwalang saad ni berna sa kaibigan ito na kasi ngayon ang nagyaya sa bar na pag aari ni yumi.namiss siguro nito ang pagpeperform ng nagdaang gabi." siguro talagang nag enjoy ka na muling tumugtog no?"wika pa ni berna sa kaibigan.
Hindi naman sya agad nakaimik, nag enjoy naman talaga sya ngunit lamang lang yung may gusto ulit syang makita.yet her performance last few nights are a big surprise for her;she never expected that she would ever feel that kind of happiness again.yung pag appreciate sakanya ng crowd sa simpleng perfomance nya ay nagbigay saknya ulit ng gana sa pagtugtog.
" i wont deny it nag enjoy talaga ko and i realized na sobra ko itong namiss."pag amin nya her eyes sparkling with so much joy and happiness.
"sinabi ko naman sayo noon pa, you shouldn't stop living your life just because your husband is died. kung saan man siya naroon alam ko hindi nya magugustuhan kung susukuan mo na rin ang buhay na meron ka.syempre gusto nyang maging masaya ka you deserved it.."ani pa ni berna sa kaibigan.
Hindi na mabilang ni ara kung ilang beses na nya iyon narinig mula sa mga taong nagmamahal saknya.mula ng mamatay si Josh bukambibig na ng mga ito iyon.at sa bawat pagkakataon na naririnig nya ang mga iyon hindi nya mapigilan ang hindi mainis at magalit sa mga ito.Dahil hindi naman alam ng mga ito kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal at kung pano magdusa ng mahabang panahon.
Subalit kailan lang ay parang napapansin nya na hindi na sya masyadong nasasaktan sa mga sinasabi ng mga ito at hindi na rin sya nagiging sensitibo kapag naririnig ang pagkawala ng yumao nyang asawa.sa halip unti unti na nyang natatanggap ang mga sinasabi at ang mga payo ng mga ito.natuto na rin syang manahimik at pakinggan lang ang mga ito"could i be finally moving on?unti unti ko na nga bang natatanggap ang pagkawala mo josh?" ani sa isip nya. hindi nya maiwasang makaramdam ng pag aalinlanlangan dahil nangangamba din syang kapag nangyari iyon ay baka tuluyan na ring maglaho ang alala nang kanyang yumaong asawa sa pusot isip nya.
"so ang ibig bang sabihin nito ay gusto mo ulit mag perform ngayong gabi? tanong ni berna na tila tuwang tuwa. para sa bestfriend. dahil kahit pano ay nakikita nya itong muling nagkakaroon ulit ng sigla mabuhay.
Nakaramdam naman si Ara ng pag aalinlangan di nya alam kung ano ang itutugon sa tanong nito.Nagpalingalinga sya waring may hinahanap ang mga mata.Tinitignan kung naroon muli ang binatang nakabanggaan nya ng sasakyan.
"sino ba yang hinahanap o tinitignan mo kanina kapa di mapakali? " kunot noong tanong na pinagmamasdan sya ni berna.."ah! wala no.wala naman akong hinahanap akala ko lang may nakita akong dating kakilala."pagdadahilan nito sa kaibigan.pasimple nyang itinigil ang ginagawa.
Ngunit sadyang malakas ang radar ni Berna."hhmmm bakit parang may naaamoy ako at parang defensive ka? "
" nanahimik kaya ako dito, kung ano ano yang pumapasok jan sa kukote mo"ani ni ara.
"ara umamin ka nga ikaw ba ay may nagugustuhan na?kung merun dont felt guilty about it. hindi ka naman nagkakasala kay josh.you have the right to love again and to feel happy dont deprive yourself of that".
nung marinig nya ang payong iyon sa kanyang byenan pinalampas nya ito hindi siya masyadong apektado.subalit ng marinig nya ito sakanyang kaibigan na nagkataon na bestfriend nya pa ay hindi nya maiwasan ang maapektuhan ng sobra.Handa na syang komprontahin ito ukol sa kanyang saloobin ng biglang dumating si Yumi at nakiumpok sakanilang dalawa.