CHAPTER 2

1138 Words
Kinagabihan ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Sebastian pinuntahan niya ang nightclub kung saan nandoon si Celesty, gusto niyang makita ang babaeng kaniyang papatayin. Pagpasok niya sa loob at umupo siya sa malapit sa bartender. Mag-isang nakaupo si Sebastian sa table hinanap niya ang mukha na nasa picture ang babaeng kaniyang mission na patayin, medyo malaki ang bayad sa kaniyang master kaya naisip niya na kailangang tapusin na niya agad ang kaniyang mission bago pa umabot ang umaga, nagulat si Sebastian dahil may nabasag na bote sa kabilang table. Sinampal ng customer ang isa sa mga waiter meron siyang nakita na isang sexy at napakagandang babae, lumapit ito sa pinagmulan ng gulo, ngunit nagulat siya nang sampalin agad ng babae ang customer. Sa galit ng customer bumunot ito ng baril at tinutok niya sa babae. Pero sobrang bilis ng mga kamay ng babae dahil nakuha niya agad ang baril na hawak ng lalaki, nakita ni Sebastian kung gaano ka galing makipaglaban ang babae napatumba niya ang isang grupo, tumayo si Sebastian at lumapit siya sa babae, inabot niya ang kaniyang kamay para magpakilala pero bigla siyang sinipa ng babae sa mukha sabay suntok sa kaniyang tiyan. Hindi makaganti si Sebastian dahil babae ang kaniyang kaharap nang makita niya ito ng malapitan nagulat siya dahil ang babaeng kaniyang kaharap ay ang babaeng ipapatay sa kaniya ang kaniyang mission. Nagulat siya nang biglang bumilis ang t***k ng puso niya, at tinititigan niya ang babaeng nasa kaniyang harapan. "Mr. anong kailangan mo kung isa ka sa mga kasamahan ng mga hambog na iyon. Mabuti pa na lumayas ka na sa aking harapan, bago pa kita pagapangin palabas! tumalikod na sana ang babae pero sinipa siya ni Sebastian sa hita dahilan sa pagluhod ng babae, hinila siya ni Sebastian at sinipa sa tagiliran. Mabilis namang nakaganti ang babae binigyan niya ng sipa si Sebastian sa batok, bumagsak na sana si Sebastian pero hinawakan niya ang babae at sabay silang bumagsak sa sahig, nakapatong si Sebastian sa babae at pareho silang na-shock at nagulat sa kanilang posisyon. Nagkatitigan silang dalawa at nakaramdam ni Sebastian nang pagtigas ng kaniyang ari at uminit ang kaniyang buong katawan, nagulat na lang siya nang tumama ang kamao ng babae sa kaniyang mukha. Binunot ng babae ang kaniyang baril at itinotok niya ito kay Sebastian, tinaas ni Sebastian ang kaniyang kamay at lumabas siya ng bar. "Celesty okay ka lang ba? Masakit ba ang tama ng iyong hita?" tanong ni Bruno sa kanya. "Bruno walang masakit, mas gusto kung patayin ang manyak na 'yon maiwan na kita Bruno magpalamig lang ako sa taas." Wika ni Celesty at nagmamadali na siyang umakyat sa taas. Hindi nawala sa kaniyang isip si Sebastian kanina niya lang nakita ang lalaking 'yon pero meron siyang kakaibang nararamdaman sa kaniyang katawan. Lalo nang magkadikit ang kanilang mga balat. Aminado siyang first time niyang makaramdam ng ganoon. Umiinit ang kaniyang katawan at nakaramdam siya ng libog. Naramdaman niya kasi ang pagtigas ng ari ni Sebastian. Pumasok sa kaniyang isip kung babalik pa ba ang lalaking 'yon sa kanilang bar pagkatapos sa nangyari kanina. Sinampal-sampal niya ang sarili niya at nagmadali siyang pumasok sa kaniyang bathroom para maligo, ayaw niya sa kaniyang nararamdaman. Kaya kailangan niyang pigilan at kalimutan dahil meron siyang mahalagang misyon para sa kaniyang katahimikan. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya agad sa bathroom at kinuha niya ang kaniyang baril pinunasan niya ito at pinalitan ng mga bala. "Matagal pa ang pagsasama natin, maraming salamat na hindi mo ako binigo sa tuwing meron tayong kalaban, hindi ako titigil hangga't hindi ko makita ang pumatay sa aking ina! magbabayad siya ng mahal kitang-kita sa dalawa kung mga mata ang pagsunog at pagpatay nila sa mommy ko! Hanapin kita at putulin ko isa-isa ang mga daliri mo! Magkikita pa rin tayo kung hindi man ngayon alam kung darating ang tamang panahon para magkita tayong dalawa!" saad ni Celesty habang nanlisik ang mga mata niya habang nakatitig sa salamin. Bumalik na naman sa alaala ni Celesty ang mapait na trahedyang nangyari sa kaniyang ina. Limang taong gulang pa siya noong namatay ang kaniyang mommy, mag-isa siya nang gabing iyon, hinihintay niya ang kaniyang ina dahil ang sabi nito ay bibilhan siya ng cake. Habang insakto alas otso nang gabi ay dumating ang kaniyang ina. Sanay na siyang mag-isa sa bahay dahil madalas umalis ang kaniyang ina, iniwan lang siyang mag-isa kasama ang kaniyang alagang aso at mga laruan. Pagdating ng kaniyang ina ay masaya siya dahil meron itong dalang malaking cake at maraming pagkain. Habang sinisindihan ang kandila ay naghintay lang siyang sabihin sa kaniya na mag-wish na siya at ihipan ang kandila. "Anak limang taon ka na. Sana darating pa ang maraming panahon na makasama kita ng matagal, Sige na anak blow your candle. At mag-wish ka okay? " Saad ng kaniyang ina. Habang nag-wish siya ay nakapikit ang kaniyang mga mata. "Happy birthday anak, tandaan mo na mahal na mahal kita kahit tayong dalawa lang kahit wala ka nang daddy at least masaya tayong magkasama at ligtas tayong mabuhay araw-araw." Saad ng kaniyang ina. "Salamat po mommy Cleo. Mahal na mahal din po kita mommy kahit iniwan mo akong mag-isa sa bahay okay lang po kasi naghahanap ka ng pera para sa pagkain natin araw-araw. Masaya na po ako sa inyo mommy, kahit wala akong daddy, kasi alam ko po mahal na mahal niyo ako. At hindi mo ako iiwan katulad ng ginawa ni daddy sa atin." wika ni Celesty habang nakangiti sa kaniyang mommy. Habang kumakanta sila ng happy birthday ay biglang bumukas ang pinto at binaril ang kaniyang ina. Kitang-kita ni Celesty ang pagbagsak ng kaniyang ina sa sahig. "Anak, Celesty. . . tumakbo ka! Takbo!" sigaw ng kaniyang ina. Mabilis naman siyang tumakbo pero papunta sa kaniyang ina. "Huwag ninyong saktan ang anak ko hayaan ninyo siyang mabuhay parang awa na ninyo." sigaw ng kaniyang ina. "Celesty! Bakit nanginginig ka na naman? iniisip mo na naman ang iyong nakaraan?" nakita ni Brandon si Celesty na nakahiga sa sahig habang nanginginig ang buong katawan nito. Hinanap niya ang gamot ni Celesty para tumigil ang nerbyos nito. Ganito kasi siya kapag maisip niya ang nangyari sa kaniyang ina ay manginginig siya at parang mawawala sa kaniyang sarili. Niyakap ni Brandon si Celesty nang sobrang higpit at hinayaan niyang umiiyak ang dalaga sa kaniyang dibdib. "Daddy. . . gusto kung makita ang pumatay sa mommy ko! Magiging okay lang ako kapag mapatay ko na silang lahat!" sigaw ni Celesty habang nanginginig sa galit. "Tama na anak, tulungan kita pero ipangako mo sa akin na kotrolin mo na ang sarili mo. Paano kung hindi kita naabutan dito? Ang gamot mo huwag mo'ng ilayo sa katawan mo dalhin mo 'yan kahit saan ka magpunta." nag-alalang wika ng kaniyang kinikilalang ama na si Brandon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD