CHAPTER 3

1175 Words
Inampon ni Brandon si Celesty nang mangyari ang trahedya, nakita niyang naglalakad si Celesty sa madilim na kalsada kaya pinasakay niya ito sa kaniyang kotse. At dinala sa kaniyang mansion, pinag-aral, binigay ang lahat na pangangailangan. Katulong niya sa pag-aalaga kay Celesty noon si Bruno. Sila mismo ang naghahatid sa eskwelahan nito, at ginawa nila ang lahat para maging masaya si Celesty. Limang taong gulang pa lang si Celesty noon ay pinasok na nila sa martial arts at tinuruan din nila kung paano humawak ng baril. Tuluyan nang inampon ni Brandon si Celesty magaan kasi ang loob niya sa bata, at naawa siya sa sitwasyon nito. Minahal niya si Celesty at pinapahalagahan hanggang sa nagtapos si Celesty ng business administration. Isang mafia si Brandon at meron silang connection sa NBI secret agent si Celesty ng mga NBI siya ang inutusan na pumatay sa mga bigatin na mga kriminal, drug lord, mga rapist na tumakas sa kulungan. Magaling makipaglaban si Celesty at madulas siya sa mga kalaban. Samantalang hindi makatulog si Sebastian, dahil iniisip niya si Celesty hindi niya kayang patayin ang ganoon kagandang babae. "Gaano ba ka laki ang atraso mo kay Tyron, Celesty? Bakit gustong-gusto ka niyang ipapatay sa akin? Hindi ko yata kayang tapusin ang aking mission, hindi ko yata kaya parang pumatay ako namg isang anghel. Ang ganda niya at ang bilis ng mga kamay at paa niya, gustong-gusto ko na siyang halikan kanina. First time nagkaroon ako nang pagnanasa sa isang babae. Hindi ko siya kayang patayin mas gusto ko siyang makatabi magdamag sa kama, ahhh. . . s**t! Ano ba ang iniisip ko? pero bakit hindi siya mawala sa isip ko? Napakaganda niya gusto ko siyang makilala at makasama kahit isang gabi lang. ahhh. . .shit! Ang hirap matulog maka inom nga ng wine baka matanggal ang libog ko sa katawan." Kinabukasan bumalik si Sebastian sa bar ni Celesty nakita niya si Celesty na nakatayo sa bar tender. Gusto niya itong lapitan pero nagulat siya nang may isang lalaking lumapit kay Celesty at tinutukan ito ng baril mas nagulat si Sebastian nang lumabas ang mga tauhan ni Celesty, sinipa ni Celesty ang baril at tumalsik ito sa kamay ng lalaki. "Bakit ang daming kalaban ng babaeng ito?" tanong ni Sebastian sa kaniyang sarili. "Bruno dalhin ninyo ang lalaking 'yan sa hide out natin, kailangan maturuan ng leksyon! Nakita ni Sebastian na pumasok sila sa isang under ground sinundan niya ito at gusto niyang makita kung ano ang meron sa loob ng underground. Nakapasok si Sebastian sa kanilang hide out Nakita siya sa isa sa mga tauhan ni Celesty kaya binaril siya pumasok siya agad sa isang kuwarto kung nasaan nandoon si Celesty at ang lalaking bumaril kay Celesty, nakatayo ang lalaking 'yon at pinagbabaril ni Celesty hanggang sa mamatay, nagulat si Celesty nang makita niya si Sebastian na nasa kaniyang likod. Agad pinutok ni Celesty ang kaniyang baril, mabuti na lang tumalon agad si Sebastian, pumasok ang maraming tauhan ni Celesty at napapalibutan nila si Sebastian, tinititigan ni Celesty si sebastian mula ulo hanggang paa. "Celesty hinihintay namin ang signal mo" sigaw ni Bruno. "Bruno ako na ang bahala! Lumabas na kayong lahat akin na ang baril mo!at sino ka ba at ano ang kailangan mo sa akin? kasama ka ba ng taong 'yan?" Tanong ni Celesty. "Hindi ko siya kasama, nagkamali lang ako ng daan palabas! at dito ako nakapasok." Pagsisinungaling ni Sebastian. "Sinong pinagloloko mo! Bruno talian mo siya sa kamay ako na ang bahala sa kaniya at puwede na kayong lumabas." Wika ni Celesty. "Celesty sigurado ka ba? Baka mapahamak ka mananagot kami sa daddy mo!" nag-alalang tanong ni Bruno. "Bruno malaki na ako alam ko na kung ano ang ginagawa ko, sige na please ako na ang bahalang magpatahimik sa mapangahas na taong 'to!" wika ni Celesty. Lumabas na ang lahat, naiwan sina Celesty at Sebastian nagtitigan silang dalawa pero di makagalaw si Sebastian dahil nakatali ang kaniyang mga kamay. "Pakawalan mo ako Celesty hindi mo ako kalaban!" sigaw ni Sebastian kay Celesty pero nagmatigas pa rin si Celesty. "Anong pakay mo bakit ka sumusunod dito? Alam mo ba na walang makalabas na buhay dito? kaya kung ako sa 'yo magdasal ka na baka sakaling sumasalangit pa ang kaluluwa mo!" galit na singhal ni Celesty. "Celesty kaibigan mo ako! Ako si Sebastian kaya kung patunayan sa 'yo na hindi ako kalaban!" saad ni Sebastian. "Luma na ang style mo! Hindi mo mabibilog ang utak ko! kinuha ni Celesty ang kaniyang baril at tinutukan niya si Sebastian sa ulo, mabilis ang galaw ni Sebastian sinipa niya ang baril na hawak ni Celesty at tumalsik ito sa malayo tumakbo si Celesty para kunin ang baril pero sinipa siya ni Sebastian sa batok bumagsak si Celesty sa sahig, kaya inapakan ni Sebastian ang leeg ni Celesty lumuhod si Sebastian at inabot niya kay Celesty ang kaniyang kamay kalagan mo ako! sigaw ni Sebastian. Dahil naiipit na si Celesty tinanggal niya ang tali ni Sebastian sa kamay nito, kinuha ni si Sebastian ang baril ni Celesty na nasa sahig at pinutok niya ito kay Celesty pero hindi niya ito tinatamaan, ituro mo sa akin ang daan palabas kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo! isa! dalawa! alam ni Sebastian na hindi siya makalabas na buhay sa lugar na 'yon kailangang gamitin niya si Celesty para makalabas siyang buhay. Tinalian ni Sebastian ang kamay ni Celesty patalikod panigurado na hindi siya maisahan nito. "Ano ba! Bitawan mo ako!" sigaw ni Celesty, pero tinututukan siya ni Sebastian ng baril sa ulo. "Buksan mo ang pinto na 'yan! Daanan ‘yan papuntang labasan, pagdating mo sa labas may maraming puno ligtas ka na kung habulin ka nila tumalon ka sa ilog may maraming kuweba puwede ka nang magtago. Pumasok ka sa teritoryo namin kaya mahirapan kang lumabas na ligtas! Kung sa pintuan ka dumaan pagbukas mo pa lang ng pinto tadtad na ng bala ang iyong katawan." Seryosong wika ni Celesty. "Kung ganoon para ligtas akong makalabas sa lagusan na 'yan, samahan mo ako dahil ayoko pang mamatay! Kung mamatay man ako siguraduhin ko na magkasama tayo para masaya." natatawang saad ni Sebastian. "Gago ka ba?! Tumakas ka na kung ayaw mong mapansin nila na buhay ka pa!" sigaw ni Celesy kay Sebastian, pero hinila siya ni Sebastian at sinama palabas. Paglabas nila sa lagusan ay nagulat si Sebastian nang may bumaril sa kanila, hindi nila ito nakikita dahil nakatago sa malaking punong kahoy. Tumakbo si Sebastian at iniwan niya si Celesty pero nakita niya na nahihirapan si Celesty dahil nakatali sa likod ang mga kamay nito, binalikan niya si Celesty at hinila niya ito. At silang dalawa ang magkasabay na tumakbo . "Kalagan mo ako hayop ka!" sigaw ni Celesty, binaril ni Sebastian ang sumusunod sa kanila tinakpan niya si Celesty para hindi ito matamaan ng bala. Nakakita sila ng taxi, tinutotokan ni Sebastian ng baril ang taxi para huminto, bumaba agad ang driver at tinaas ang kaniyang mga kamay sumakay sina Celesty at Sebastian. pinalipad agad ni Sebastian ang taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD