Chapter 1
-Ezra-
“Naku napakasuwerte ng babaeng yan dahil pakakasalan siya ni Don Mario Sullivan, kahit na may anak na siya sa ibang lalaki ay nagawa pa rin n’yang mapa-ibig ang matanda eh, noh? Iba talaga nagagawa ng ganda at batang katawan.?” Mga ilan lang yan sa mga naririnig ko dito sa loob ng palengke, napapabuga na lang ako ng hangin dahil alam kong nasasabi lang nila ang mga ganoong bagay dahil sa hindi nila alam ang totoo, kaya naman pilit kong binabaliwala ang mga yon. Wala na rin nnaman ako magagawa kung iyan ang tingin nila sa akin dahil kung tutuusin ay alam kong mali pa rin ang pakasalan si Don Mario Sullivan, ngun’t may dahilan ako at iyon ang hindi alam ng karamihan.
“Bili na po kayo ng gulay, Ale..” Tawag ko sa isang namimili at nakikita kong mapili ito sa kanyang mga pinamimili. Ngumiti pa ako ng sa ganoon ay bumili s’ya ng mga paninda kong gulay. Dito ako sa loob ng isang pamilihan nakakuha ng puwesto para makapagtinda ako ng iba’t-ibang klase ng gulay na alam kong mabili sa lugar namin. Sariwa ang paninda ko dahil ako mismo ang nagtatanin nito at dahil sa malaki naman ang nakuha kong bahay dito sa lugar sa Batangas, kaya naman nakapagtamin ko ng mga gulay ng sa ganon ay maging kabuhayan naming mag-ina.
Ako si Ezra, ay isang dalagang ina. Hindi ko naman yon ikinahihiya dahil kahit papaano naman ay malinis pa rin ang aking konsensya lalo na sa mga matang mapanghusga ng kanilang kapwa. Wala rin akong pakialam sa kung ano ang itatawag sa akin ng lahat dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang mali para lang manglamang o manghamak ng ibang tao. Sa katunayan ay dayo lang ako sa lugar ng Batangas, dito ko piniling manirahan dahil alam kong tahimik at maayos ang mga taong naninirahan dito, pero habang tumatagal ako ay nakikilala ko na rin sila at mukhang nagkamali ako ng tingin sa ibang taong dito nakatira katulad din pala sila sa ibang lugar na napuntahan ko na.
Malayo sa bayan ang bahay na nabili ko subalit malaki ito at mataba ang lupa kaya naman naisipan kong magtanim ng sa ganoon ay may maging trabaho ko kahit na papaano, at ng meron akong ipanggastos sa anak kong si Elias. Nasa anim na taong gulang na rin ito at nasa unang baitang ng elementary, malapit lang din ang school sa bahay namin kaya naman tuwing papasok ito ay nilalakad lang naming dalawa. Napapangiti na nga lang ako sa kawalan dahil napalaki ko si Elias na mabuting bata at mapagmahal sa kalikasan, sa totoo lang ay kahit naman hindi na ako mag-asawa ay ayos lang sa akin basta nasa tabi ko ang anak ko ay ayos na rin naman ako. Pagkatapos kong magtinda sa hapon ay naaabutan ko na si Elias na nasa loob ng bahay ay gumagawa ng kanyang mga takdang-aralin sa araw na yon. Masipag si Elias sa pag-aaral at hindi ito tulad ng ibang batang puro laro at gadgets lang ang alam, wala kaming cellphone ng aking anak o kahit na computer ay hindi ko kayang bumili man lang. Subalit alam kong kahit papaano ay kontento na rin si Elias sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sa kanya, ako pa nga ang nahihiya dito dahil sa murang edad nito at nakikita n’ya ang kahirapan ng buhay at alam kong gusto na ako nitong tulungan dahil sa nakikita nitong nahihirapan na rin ako sa aming pamumuhay.
“Ano, sariwa ba ang mga kulay mo, Ineng?” Tanong ng Ginang at talagang kinikilatis nito ang hawak nitong talong na bagong pitas ko lang din.
“Abay, opo Ma’am, sa katunayan po ako mismo mo ang natatanim ng gulay na tinitinda ko at makakatiyak po kayong masarap kapag po naluto na ninyo.” Masayang pahayag ko dito at hinawakan ko pa ang ibang gulat tulad ng petchay at kamatis at pinakita ko ditong sariwa lahat ng tinda ko ng sa ganoon ay hindi naman ako mapahiya sa Ginang na ngayon ay patuloy pa rin sa kanyang pagpili ng gulay.
“Ganon ba sige bigayn mo ako ng tig-isang kilo ng talon at yang kamatis mo at gagawa ako ng inseladang talong para sa hapunan namin mamaya. At saka samahan mo na rin ng tatlong kilong kamote at nang mailaga ko mamayang hapon.” Sagot ng Ginang kaya naman napangiti ako dahil alam kong magiging maganda ang benta ko ngayon, at dahil na rin sa malapit na ulit maubos ang lahat ng paninda ko para sa ngayong araw. Magandang ngiti ang iginanti ko dito ng ibigay na rin nito ang bayad sa akin, inayos ko naman ang pera ko ng maramdaman kong may isang taong nakatayo sa harapan ko at hindi agad ako nakatingin dahil sa tungkod palang na hawak nito ay alam ko na kung sino ito.
“Don Mario, kamusta po kayo?” Tanong ko sa isang taong pinakamayaman sa lugar namin. Siya rin ang may-ari ng palengkeng pinagtitidahan ko o ng karamihan sa amin. At nakakahiya mang aminin pero nangliligaw ito sa akin at balak na ako nito pakasalan, na ngayon ay nagiging usap-usapan sa buong lugar na nasasakupan nito. Nahihiya pa akong tumingin dito dahil alam kong nakatingin sa amin ang lahat at nagbubulungan naman ang mga ito tulad ng dati.
“Mabuti naman ako Ezra, ikaw kamusta ang pagtitinda mo ng gulay? Marami bang bumili sayo ngayon?” Baliwalang tanong nito sa akin at mukhang wala rin itong pakialam sa kung ano ang mga naririnig nito sa kanyang palagid. Hindi ko naman masasabing gaanon na ito katanda o ugod-ugod na, sa katunayan ay nasa senior na rin naman ang edad nito pero hindi mo ito makikitaan ng panghihina o ang kilos matanda. Sadyang may tungkod lang ito dahil sa minsan na daw itong na stroke at ang kanang binti nito ang naapektuhan, subalit ganon pa man ay makikitaan pa rin ito ng kakasigan at talas ng pag-iisip. Marami din ang nagsasabi na magandang lalake ito ng kanyang pabataan at kapag nakita ang nag-iisang anak nitong lalake at malaki ang kanilang pagkakahawig.
Ang alam ko ay may anak itong lalaki pero wala ngayon sa bansa dahil nasa abroad ito at may sariling business ko na minana naman nito sa kanyang ina, malimit din umuwi dito ang binata at kahit matagal na akong naninirahan dito ay hindi ko pa nakikita o nakikilala ang anak nitong si Senyorito Quamar. Ang sabi pa ng ilang ay mabait daw ang binata subalit hindi ito pabor na muling mag-asawa ang kanyang ama kaya naman nagkakaroon ng pangamba ang aking puso na tanggapin ang inaalok na kasal sa akin ni Don Mario dahil alam kong hindi rin ako magugustuhan ng anak nito oras na malaman nitong ako ang magiging asawa ng kanyang ama. Napabuga pa muna ako ng hangin bago sumagot sa matanda na ngayon ay nasa aking harapan at nakatingin sa akin ng seryoso.
“Maayos naman po ang tinda ko, marami po ang bumili sa akin sa ngayon Don Mario.” Nahihiya subalit nakangiti kong sambit dito at saka ko inayos ang mga gulay na hindi pa man nauubos. Hanggang sa muli itong magsalita na ikinagulat ko at mabilis na napatingin dito.
“Mabuti naman kung ganon, masaya akong malaman na maayos ka Ezra. Nga pala ipapaalala ko lang sayo na mamayang gabi na kami pupunta sa bahay n’yo para pormal na mamanghikan. Gusto ko kasing maikasal na rin tayo bago matapos ang buwan na ito at ng maiaayos ko ang mga dapat ko pang ayusin.” Salita nito sa kalmado ay mahinahon na boses. Para naman ako nabingi sa narinig ko dito ay hindi agada ko nakapareak at nanatili lang akong nakatayo sa harapan nito at para akong istatwa na hindi makagalaw.