-Ezra-
“Magandang gabi po Don Mario” Bati ko sa matanda ng makita ko itong papalapit sa amin ng aking anak na si Elias. Ngumiti naman ito at saka tumango, bumati rin ito ng magandang gabi sa akin at nagmano naman dito ang aking anak na ngayon ay maganda rin ang ngiti sa lalaking maaaring maging ama nito oras na tuluyan akong pumayag sa kasal na nais nito. Niyaya na namin itong pumasok sa loob ng aming tahanan at dahil ilang beses na rin itong narating dito ay alam kong panatag na rin siyang naririto at nakikita ang pamumuhay namin mag-ina. Hindi ko naman masasabing mahirap ang aming tinitirahan sa katunayan ay old house itong bahay namin at konti lang din ang pinaayos ko dito dahil sa may ilang kahoy rin ang nabulok dahil na rin sa tagal na walang nakatira dito, ng mabili ko ito halos tatlong taon na rin ang nakakaraan. Nagkaroon pa nga ng issue ang bahay nito dahil ang usap-usap ay may mga multo ang naging tahanan namin, subalit ni minsan ay wala akong naramdaman na kahit ano sa loob nito kaya naman naging panatag ang pagtira namin sa bahay.
Muli naman ako napatingin kay Don Mario, nang mapagmasdan ko itong mabuti. Simple lang din ang suot nito na isang white t-shirt at khaki pants lang din ang pangbaba nito. Nakaayos ang buhok nito na animoy nilagyan ng gel ko kahit na anong oil na nilalagay sa buhok ng mga lalake ng sa ganon ay mas maging gwapo sila. Nakikita kong talagang excited ang matanda na makita ako ngayon kaya naman napangiti na lang ako dito ng walang pag-aanlinlangan.
“Sabi ko na nga ba at hindi mo matitiis na hindi ka magluto ng pagkain, subalit masaya akong muling matikman ang luto mo Ezra.?” Nakangiti nitong tanong sa akin ng makita nito ang mga pagkain na hinanda ko para sa magiging hapunan naming tatlo. Yumuko na lang ako at saka napatingin sa mesa naming maliit at may ilang putahi ng ulam, hinaplos naman ni Elias ang aking kamay at saka ngumiti ng tipid. Batid kong masaya ito kaya naman lihim akong tumango dito ng maramdaman din nito na maayos ako ngayon.
“Pasensya na po Don M----” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng tumingin ito sa akin at itinaas ang isa nitong kamay hudyat na huminto ako sa nais ko mang sabihin.
“Simula ngayon Mario ang itatawag mo sa akin, magiging asawa na kita at ang lahat ng pag-aari ko ay magiging sayo oras na mapalitan ng apelyido ko ang sayo. At gusto ko ring isubod dsa pangalan ko ang sa anak mo kung nanaisin mo, Ezra.?” Salita nito sa harapan ko na ikinalunok ko pa. Kahit alam kong maaari itong mangyari at iba pa rin pala kung maririnig ko sa personal. Hindi muna ako sumagot dito at napaiwas ako ng tingin dahil sa nahihiya at hindi ko alam kung paano sumagot sa lalakeng handang tanggapin ako ng buo.
“Ezra, ayoko sana ng biglain ka pero alam mo na kasama ito sa nagpag-usapan nating dalawa. Kaya naman sana ay tanggapin mo na lang ang magiging pakiusap ko sayo.” Pagsusumamo nitong turan sa akin at ikinatitig ko sa mga mata nito na kulay asul at hawak na rin ang dalawa kong kamay. Oo, asul ang mata nito na labis kong nagugustuhan dito.
“Mabuti pa na kumain na lang muna tayo at saka na lang muna ulit natin pag-usapan ang tungkol sa mga nasi mo, Mario.” Nakangiti kong tugon dito at saka na ako naunang nag-ayos ng pagkain sa mesa at inalalayan naman ito ni Elias na maupo sa isang upuan na malapit lann din naman dito.
“Salamat, anak.” Sambit nito sa anak ko ng tuluyan na rin itong makaayos ng upo. Nilagyan ko ng gulay ang plato nito dahil sa ayaw nitong kumain ng mga karne at baka daw sumama naman ang pakiramdam nito. Inalam ko rin ang mga pagkain na bawal dito at kung ano lang pwde dahil gusto ko pa rin naman ito makasama ng matagal kung sakaling matutuloy ang aming kasal na tinutututan ng lahat.
Wala kasamang ibang body si Mario, tanging driver lang nito ang kanyang kasama ng dumating sa aming tahanan. Hindi naman ito masasaktan ng ilan dahil kilala na nga itong matulungin sa iba at alam kong maraming tao dito sa aming lugar ang malaki ang utang na loob sa matanda. Tahimik ka ming kumakain ng muling magsalita si Elias sa pagitan naming dalawa ni Mario.
“Don Mario, kapag po nakasal na kayo ni Ina maaari ko na po ba kayong Ama o Don Mario pa rin po ang itatawag ko sa inyo?” Determinado nitong tanong at saka makikita rin dito ang pag-asang magkakaroon na rin siya ng Ama na kanyang matatawag dahil alam kong isa ito sa pinananabikan nito.
“Oo naman, ayos lang sa akin na tawagin mo ang Ama o Papa. Masaya ako kung gagawin mong ituring mo ako na tunay mong magulang, anak.” Masayang turan ni Mario sa aking anak at ginulo pa nito ang buhok nito. Masayang nagtatatalon si Elias ng marinig niya mula kay Mario ang pagsang-ayon nitong magiging Ama sa kanya, napailing na lang ako dahil nakikita kong magiging magkasundo talaga silang dalawa.
“Maraming salamat po sa pagmamahal n’yo sa aking Ina, pangako ko pong mamahalin ko kayo bilang tunay kong Ama at hindi po ako matatakot dahil alam kong may isang ama akong kayang magtanggol sa akin. Maraming salamat po ulit, Ama.” Naluluhang sagot ni Elias kay Mario at saka na ito nagtatakbo para yakapin ang matanda at maging ako ay hinalikan rin nito sa aking pisngi.
Maayos na natapos ang aming hapunan magka-usap sila Elias at Mario sa may bakuran namin habang ako naman ay nasa may kusina at naghuhugas ng mga platong aming pinagkanan. Napapangiti pa ako dahil natatanaw ko kaninang masaya talaga si Elias kay Mario sana lang talaga ay magkasundo silang dalawa ng sa ganoon ay hindi rin ako mahirapan pagdating ng araw. Ilang sandali pa ay natapos na rin ako sa paglilibis ng aming kusina, palabas na sana ako ng makita kong buhat na rin ni Mario si Elias at tulog na ito. Mabilis akong lumapit para kunin sana ang aking anak ng iiwas naman nito sa akin at sinabing siya na lang daw ang magdadala nito sa kuwarto ni Elias. Nag-alala naman ako dahil alam kong mahihirapan ito dahil sa alam kong maaaring sumakit ang binti nito sa kanyang ginawang pagbuhat kay Elias, pero hindi pa rin ito nagpaawat at patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating at makapasok na rin ito sa aming kuwarto ng mag-ina. Inalalayan ko na rin ito ng maupo sa may dulo ng kama, at napahinga ito ng konti at alam kong nahirapan ito pagbubuhat.
“Sinabi ko naman kasi sayong ako na lang magbubuhat sa kanya, ayan tuloy sumakit ata ang binti mo, Mario?” Pagsasalita ko dito at nahihiya akong tumayo sa harapan nito. Ngumiti lang ito sa akin at hinaplos ang braso.
“Ayos lang naman ako Ezra, ang totoo ay namiss ko na rin naman magbuhat ng bata. Alam mo bang ganyan din kalaki si Quamar noon ng palagi ko siyang binubuhat, masayahin ang anak kongi yon at tulad rin ng anak mo ay pareho silang matapang.” Pagkukuwento nito na ikinatahimik ko lang din dito. Makikita kasi sa mat anito na may dinadala itong problema sa kanyang nag-iisang anak, at wala pa rin naman ako karapatan na malaman don dahil alam kong personal nilang buhay ito at ayoko ring panghimasukan ang tungkol don.