-Ezra-
Dumating ang araw ng aming kasal ni Mario, at halos umingay ang bulong-bulungan na ikinasakit na rin ng aking tenga dahil sa aking mga naririnig na hindi ko na rin mapigilan at tuluyan na akong umiiyak na hindi ko pinakikita sa lahat na patuloy lang akong nasasaktan. Naging maayos naman ang naging kasal naming dalawa na ginanap lang sa loob ng hardin nito na kanya lang pinaayos, ni isang bisita ay wala akong dumating at lahat ay kaibigan at kakilala ni Mario. Tanging si Elias at ako lamang ang magkasama ng araw na yon na ipinagpasalamat ko naman dahil talagang tinotoo nito na kahit na anong mangyari ay hindi ito aalis sa aking tabi at aalalayan ako nito sa lahat ng bagay.
Sa naging takbo ng aming kasal ay hindi naman nawala sa tabi ko si Mario, at palagi itong nakayakap sa bewang ko na ikinangiti ko na lang din dito. Habang si Elias ay hawak naman ang kamay ko ay hindi rin ito napagod na samahan ako na humarap sa mga naging bisita ng kanyang ama. Pinakilal ana rin ako ni Mario, sa lahat bilang kanyang asawa at maging ang anak ko. Nagkaroon ng ilang hindi magandang nasabi sa akin ang ibang kaibigan ng aking asawa, subalit matapang itong pinangtanggol kami sa lahat kahit pa sabihing mga kaibigan niyang matalik ang mga ito. Hanggang sa isang bisita ang hindi rin namin inaasahan na dumating, ang kanyang anak na galing pa sa ibang bansa at kasama ang kasintahan nito.
“Talagang tinuloy mo pa rin pala ang kasal mo, Pa?” Mauthoridada na tanong ng isang lalake na nangmula sa aming likod at ikinagulat din ng karamihan. Napahigpit naman ang hawak ko sa kamay ng aking anak ng hindi ko namamalayan.
“Quamar?” Patanong din na sagot dito ni Mario, at saka naman lumapit sa amin ang kanyang anak.
“Kamusta, Pa? Ang ganda ng kasal mo, mukhang ginastusan ng malaki, ha? Sa bagay kong ganyan naman pala kagandang dilag ang magiging asawa mo, eh kailangan mo ngang magwaldas ng malaking pera ng sa ganoon hindi ka iwan ng baba emo.” May ngisi sa labi nito at hindi rin maganda ang pagkakasabi nito na ikinakuyom naman ng kamao ni Mario.
“Hayaan mo na lang ang anak mo, isa pa maraming bisita na kakahiya sa kanila kung dito pa kayong mag-aaway dalawa.” Pagpigil ko sa muntikang pagsuntok ni Mario sa kanyang anak. Nagtama naman ang tingin namin ni Quamar at hindi ko rin naman nagustuhan ang pagtingin nito sa akin na mula ulo hanggang paa. Subalit nagtimpi pa rin ako kahit na alam akong may nalalaro sa isip nito na hindi maganda, masama rin ang tingin sa akin ng babaeng katabi nito kaya naman nag-iwas na lang din ako ng tingin sa mga ito at ayokong tuluyang masira ang gabi ko.
“Kung pumunta ka lang dito para manggulo mas mabuti pang umalis ka na lang dahil hindi ko kailangan ang pagdating mo ngayon.” Pigil na sagot dito ni Mario, subalit tumawa lang ang kanyang anak na animoy nakakaloko at saka tumingin pa sa ibang mga bisita na animoy may nais sabihin.
“Grabe ka naman, Pa. Ngayon nga lang tayo ulit nagkita tapos ay papaalisin mo na agad ako. Saka hindi namana ko nagpunta dito para gumuhulin ang kasal mong wala rin naman kuwenta.” Galit nitong tugon sa kanyang ama at saka umalis sa aming harapan at pumasok sa loob ng mansion kasama ang babae nitong inirapan pa ako bago tuluyan umalis. Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Mario, kaya naman hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito at kinausap ko ito sa kanyang mga mata at sinabing ayos lang din ang lahat sa amin. Tumango lang ito at saka naman ako nito nihaplos ang braso ko na ikinangiti ko na lang din dito.
Nagtagal pa ng halos ilang oras ang pagdiriwang hanggang sa tuluyan na rin nag-alisan ang mga bisita at pinauna ko na rin magpahinga si Mario, dahil alam kong na-stress na rin ito sa pagdating ng kanyang ana hindi tanggapan ang aming naging kasal. Inaayos ko na lang din muna ang higaan ni Elias bago ulit ako bumalik sa may garden para tumulong sap ag-aayos ng mga gamit roon. Subalit pababa na ako ng hagdan ng may bisig na bigla na lang hinila ako at dinala sa isang kuwarto na hindi ko alam kung kanino.
“Ano ba talaga ang plano mong babae ka at nagawa kang mahalin ng ama ko ha?” Pabulong nitong tanong sa tenga ko na ikinakaba ko naman ng labis. Napatingin ako sa mukha nito ng ilayo niya ng konti sa akin, napatanga pa ako dahil totoo nga ang nabalitaan kong makikita dito ang Kabataan ni Mario.
“Kung gusto mo ibibigyan na lang kita ng pera at umalis na kayo dito ng anak mo. Dahil kahit ano pa ang sabihin ng aking ama ay hindi kayang tanggapin na mas bata pa sa akin ang magiging stepmom ko?” Pagsasalita nito na sa malat na boses at nahahaplos na rin nito ang aking leeg at ang expose kong balikat. Nakadress na lang din kasi ako ngayon at balak ko lang naman tumulong sa baba pero hinila ako ng lalaking ito ng basta-basta.
“Bitiwan mo ako, ano ba?” Galit at naiinis ko na ring sagot dito at hindi ko sinasadyang masampal ko ito ng ngumiti ito sa akin ng nakakaloko. Nahawakan pa nito ang kanyang pisngi dahil sa napalakas din kasi ang paglapad ng kamay ko dito.
“Wala akong panahon sa tulad mo, Quamar. Saka kung may isang taong may karapatan na paalisin ako dito ay yun ang ama mo at hindi ikaw, at ayaw mo man sa gusto ay asawa na ako ng Tatay mo at wala ka na ring magagawa roon. Kaya kahit na anong gawin mo ay stepmother mo na ako at kailangan mong tanggapin yon.” May diin kong sambit dito at itinulak ko pa ito ng sa ganoon ay makalabas na rin ako sa may pintuan na sinarado nito kanina. Pero hindi ko pa man din nahahawakan ang saradura ay bigla ako nitong hinawakan sa bewang at idinikit sa katawan nito at walang sigundo na nilamukos ako ng halik nito na labis kong tinanggihan. Ngun’t sadyang malakas ang binata at hindi ko ito maialis sa akin, nagmamadali rin itong malasahan ang labi at hindi ko alam kung ano ang gagawin hanggang makarinig kami ng yapak na papalapit sa aming puwesto.
Napahinto naman ito sa paghalik sa akin at tinakpan pa nito ang aking bibig ng sa ganoon ay hindi ko ako magawa ng ingay na maaring marinig sa labas. Naririnig naming hinahanap ito ng kanyang kasintahan pero ang lalakeng ito at wala naman pakialam sa babaeng naghahanap dito sa labas. Napataas pa ang kilay ko ng marinig kong magmura ito ng hindi ko malaman kung bakit, hanggang sa maramdaman ko na lang ang umbok nito sa pahitan ng aking mga hita. Napabaling ang tingin ko dito at mukhang pareho kami ng iniisip ng mokong na ito kaya naman maganda ang ngiti nito na mas kinagalit ng aking buong sistema.
“Kung gusto mo pwde ako na lang ang makasama mo sa gabing ito at mas mag-eenjoy ka sa akin kaysa sa ama kong hindi na rin naman tinatayuan.?” Manyak nitong tanong sa akin ay binasa pa nito ang kanyang labi na ikinainit naman ng aking katawa, hindi ko alam sumabit tinatablan ako sa pagiging malandi ng isang ito.