Pabalikwas na napatayo si Luis mula sa pagkakaupo niya sa upuang katabi lamang ng kamang kinahihigaan ni Bettina. Agad siyang napalapit sa kanyang asawa nang makita niyang unti-unti na itong nagmumulat ng mga mata. Nasa loob sila ng silid ng isang ospital. Nagmamadaling dinala niya roon si Bettina nang matapos niyang buksan ang pinto ng banyo sa kanilang silid ay nakita nila itong nakahandusay na lamang sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang nangyari dito. Matapos niyang ipakilala itong muli sa mag-asawang Vincent at Ysabella ay mabilis na lamang itong tumakbo papasok ng bahay at tinahak ang patungo sa kanilang silid. Nagkulong ito sa loob ng banyo at kahit kumatok siya ay hindi man lang nagbukas ng pinto ang kanyang asawa. He could hear her cries. Rinig niya rin ang pagdaing nito na wa

