"Wala nang kailangan pang alalahanin, Mr. Salvador. Your wife will recover in no record time. Ngayon, ang mahalaga ay nakabalik na ang kanyang alaala," nakangiting wika ng doktor kay Luis nang makaharap niya ito. Kasalukuyan silang nasa pasilyo sa harap ng silid na inookupa ni Bettina. Katatapos lamang tingnan ng doktor ang kanyang asawa. Kinailangan pa nitong turukan ng pampakalma si Bettina dahil sa hindi na ito huminto sa kakaiyak matapos nitong isalaysay ang mga nangyari kung paano ito napunta kay James. Hindi niya maiwasang makadama ng awa para sa kanyang kabiyak. She has gone a lot of stress. Ang mawala ang kanilang anak ay labis ng pagdurusa para dito, idagdag pa ang mahigit isang taon na nawalay ito sa kanila. Sa lahat ng nangyari ay hindi niya maiwasang makadama ng pagkasuklam

