BOOK 2:CHAPTER 42

2238 Words

Matapos maayos ang lahat sa ospital at siguraduhin ng doktor na wala nang kailangan pang alalahanin sa kanya ay nakauwi na rin si Bettina. She felt so excited to be back home again. Isa sa pinakarason ay dahil na rin sa kanyang anak. She missed Jaime so much and how she wanted to be with him again. At nang makita niya ngang muli ang kanyang anak ay hindi niya napigilan na yakapin ito nang napakahigpit. Sunod-sunod rin ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi niya mapigilan iyon ngayong kasama na niya ulit ang anak nila ni Luis. Naroon lamang sila sa may sala ng kanilang bahay. Kapwa sila nakaupo ni Jaime sa mahabang sofa habang si Luis ay nakangiting nakamasid lamang sa kanila. Hindi rin maitatanggi ang labis na galak sa mga mata ng kanyang asawa habang nakatunghay ito sa kanilang mag-ina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD