Mataman na napatitig si Bettina sa mukha ni Andrea. Napakaseryoso ng ekspresyon ng mga mata nito at kung ano man ang dahilan ng pagsadya nito sa kanya sa Villamor Italian Cuisine ay hindi niya alam. Isang marahang tikhim ang kanyang ginawa bago binalingan ang kanilang empleyado na kanina niya pa kausap. Ang totoo ay hindi pa ito tapos sa pagpapaliwanag sa kanya ng mga bagong detalye sa kanilang restaurant. Ngunit dahil sa pagdating ni Andrea ay pinakiusapan niya ito na iwan na muna sila ng dalaga. "Please, leave us for a while. O kung hindi man ay bukas na lang natin ito ituloy," suhestiyon niya dito. "Okay po, ma'am," anito. Tumayo na ito saka magalang nang nagpaalam sa kanya. Andrea walked towards her table. Maging dito ay nagpaalam din ang kanilang empleyado bago inilapat na pasara

