"Welcome home, sweetheart," masuyong wika ni Luis kay Bettina nang makarating sila sa bahay na ayon dito ay siyang tinitirhan nila. Nakalabas na nga siya ng hospital sa kabila ng katotohanan na kailangan pa siyang ma-monitor ng doktor. Nais ni Luis na gawin ang lahat ng laboratory tests sa kanya upang masiguro na maayos ang kanyang kalagayan. She just let him decide for her. Matatag ang bawat pasyang ginagawa nito at kahit naman siguro tumanggi pa siyang gumastos ito para sa lahat ng iyon ay hindi rin ito papayag. Maliban pa sa iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari simula pa lang--- gusto niyang gumaling. Gusto niyang makaalala. Tiningala niya ang bahay na nasa kanyang harapan. Malaki iyon at kung doon nga sila nakatira ay masasabi niyang matiwasay ang buhay na mayroon sila ni Lui

