Marahan na nag-unat si Bettina ng kanyang katawan nang magising siya nang sumunod na araw. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata na kailangan niya pang sanayin sa liwanag. Mataas na ang sinag ng araw na ngayon ay pumapasok na sa silid na kinaroroonan niya. Bukas na kasi ang bintana sa kanang bahagi niyon dahilan para mabanaag niyang maliwanag na nga sa labas. Mabilis na napaupo si Bettina sa kama kasabay ng paglingon niya sa kanyang tabi. Noon niya lang naalala na sa kwarto ni Jaime siya natulog kagabi. Sinadya niyang doon matulog dahil sa labis na pagkailang na kanyang nadarama kay Luis. Yes, he is her husband. Pinatunayan na nito iyon. At kahit hindi niya pa nakakausap si Cedric, o James, ay naiintindihan na niya ang panlolokong ginawa nito. Hindi siya tanga para hindi makuh

