BAHAGYANG iminulat ni Ashlee ang mga mata, ilang oras na siyang nakahiga pero hindi pa rin niya magawang makatulog. Paano ba naman siya makaka-tulog kung panay ang titig sa kanya ni ‘Raffy’?
“Bakit mo ba ako tinititigan ng ganyan?” hindi niya na napigilan ang sariling tanungin ito.
Ngumiti ito. “Because you’re very beautiful,” bulong nito. Tinapik nito ang sariling dibdib. “Come here,” utos pa nito.
Lumapit siya dito at yumakap sa katawan nito. She buried her face on his neck to breathe in his masculine scent, his hands slowly caressing her back.
“May gusto akong itanong sa’yo,” bulong niya.
“Ano ‘yon?”
Humugot muna siya ng malalim na hininga. “Nasaan si Rafael?”
Naramdaman niya ang pagkagulat nito sa tanong niya.
“Ang sabi mo kasi sa akin noon bago tayo pumunta ng Seoul, nandito na siya sa Pilipinas. Bakit hindi ko pa rin siya nakikita? Hindi pa rin daw siya nakikita ni Arrhea,” pagpapatuloy niya.
“H-Hindi ko alam,” napabuntong-hininga ito. “Baka bumalik muna siya sa States, maraming projects ang naghihintay sa kanya doon.”
“Engineer siya, hindi ba?” pangungumpirma niya.
Tumango lang ito.
“Alam niya ba na ikakasal na tayo?”
“Yeah, I think so,” bulong nito. Bakit parang bigla itong nalungkot?
Napatingin siya dito. Gusto niya sanang itanong kung may problema ito pero naramdaman niya ang lalong paghigpit ng pagkakayakap nito. “Go to sleep now. Mag-uumaga na,” anito.
Tumango na lang siya at niyakap pa ito ng mahigpit. It felt so good to be in his arms.
DAHAN-DAHANG kinalas ni Rafael ang pagkakayakap sa kanya ni Ashlee. Tumayo siya at inayos ang kumot sa katawan nito. He gently kissed her lips, pagkatapos ay kinuha niya ang cell phone at pumasok sa loob ng banyo.
He dialed Vincent’s number, gusto niyang humingi ng paumanhin dito dahil hindi siya nakadalo sa kaarawan nito sa Hacienda Fabella sa Cebu.
Ilang sandali lang ay nasa kabilang linya na ito. Agad naman niyang sinabi ang nais niyang sabihin at nagdahilan na lang siya na may importanteng bagay siyang kailangang asikasuhin. Hindi niya naman puwedeng sabihin na hindi niya magagawang iwan ang fiancée ng kapatid niya. Naintidihan naman siya nito at nagulat pa siya sa huling sinabi nito. “Ano? Nandiyan si Raffy kagabi? Nasaan na siya?... Bumalik na agad siya sa Korea? Sigurado ka ba?” napailing siya. “So, um-attend lang siya sa party mo, hindi man lang siya tumawag. Salamat, pare,” pagkatapos ay tinapos niya na ang tawag.
ILANG linggo din ang lumipas matapos ang gabing natulog si Ashlee sa tabi ng kanyang ‘fiancé’ at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang pag-asam niyang muling maulit pa iyon. Kahit hindi niya masyadong nakikita ito sa isang araw ay hindi naman siya nakaramdam ng pagtatampo dahil mukhang napakahalaga talaga ng kailangan nitong gawin.
Nang minsang tanungin niya ito kung ano ang pinagkaka-abalahan nito ay sinabi nitong may inaasikaso daw itong isang bagay para matulungan ang kaibigan nitong si Jeremy Fabella. Kahit curious siya sa bagay na iyon ay hindi na siya nagtanong. Ang mahalaga sa kanya ay maging ligtas si ‘Raffy’ sa kung anumang kinakaharap nito at ng mga kaibigan nito ngayon.
Isang araw ay nakasalubong niya ito sa gate ng bahay nila at bihis na bihis, kagagaling lang niya nang mga oras na iyon sa flower boutique niya. “Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Pupunta lang ako sa presinto sa Makati, may kailangan lang akong asikasuhin tungkol kay Jeremy,” sagot nito. “I’ll be back, soon,” hinalikan nito ang noo niya bago umalis.
Ano kayang nangyayari kay Jeremy at ganoon na lang ang pagka-busy ng ‘fiancé’ niya? Napailing siya, sana naman maayos na ang lahat. Pumasok na siya sa loob para maipag-handa ito ng makakain pagkabalik nito.
Ilang oras ang lumipas ay wala pa rin ito. Nakatulog na siya sa sofa sa kahihintay, naramdaman niya na lang na ginigising siya ng isang katulong.
“Ma’am, gising na po kayo. Bakit hindi po kayo natulog sa itaas? Alas-singko na po ng umaga, gusto niyo na po bang mag-almusal?” tanong nito.
Napabalikwas siya ng bangon. Alas-singko na? “Nandiyan na ba si Raffy?”
Umiling ito. “Hindi pa po siya bumabalik.”
Tumango siya. “Salamat, tatawagan ko na lang siya,” pagkasabi noon ay inabot niya na ang telepono at tinawagan ito. Ilang beses itong nag-ring bago may sumagot.
“Yes, sweetheart?” sagot nito.
“Nasaan ka na? Kagabi pa kita hinihintay dito,” reklamo niya.
“I’m about to go home,” sagot nito. Narinig pa niya nang magpaalam ito kay Jeremy. “Did you miss me that much kaya tinawagan mo ako?”
Napangiti siya. “I think so, umuwi ka na agad dito.”
Tumawa ito. “Yes, ma’am. I’m on my way.”
AGAD na sinalubong ni Ashlee ang ‘fiancé’ pagkadating nito. “Saan ka natulog?” tanong niya dito.
Sandali itong nag-isip. “Hindi ko na maalala,” pagkatapos ay tumawa ito. “Huwag kang mag-alala, hindi ako nagpalipas ng gabi sa piling ng ibang babae.”
Napaka-guwapo talaga nito tuwing tumatawa ito. Tinulungan niya itong tanggalin ang leather jacket nito pero napatigil siya nang may mapansin sa kaliwang braso nito. There was a stitch on it, ngayon niya lang iyon napansin. Marahan niyang hinaplos ang bahaging iyon, agad naman nitong iniiwas ang braso.
“Anong nangyari diyan?” tanong niya. Mukhang matagal na ang sugat na iyon doon.
“Ito? I got this when I was still in the military,” sagot nito.
“Your military service?” Sa pagkaka-alam niya ay mandatory ang military service ng mga lalaki sa South Korea.
Tumango ito. “Gutom na ako, may makakain na ba dito?” pagpapalit nito sa usapan.
“Oo, magpalit ka muna ng damit. Parang ang dumi na niyang suot mo, may hinabol ba kayong kriminal?”
Ngumiti lang ito. “Yeah, sort of.”
NAGULAT si Ashlee nang biglang may yumakap mula sa likod niya. Napangiti siya nang malingunan si ‘Raffy’. “You scared me,” sabi niya dito. She was currently decorating their garden.
“That’s beautiful,” tukoy nito sa mga bulaklak na inaayos niya.
“Yeah,” bulong niya. Hindi niya magawang makapag-concentrate sa ginagawa dahil nakayakap pa rin ito sa kanya mula sa likod. She could feel his warm breath on her cheeks. May gumapang na init sa katawan niya nang halikan nito ang leeg niya. “Y-You’re distracting me,” nagsimula na siyang mautal.
Ipinihit siya nito paharap dito. “Really?” bulong nito. “Then you should stop it.” She saw his eyes lingered on her lips. Ilang sandali lang ay nasakop na ng mga labi nito ang mga labi niya. Napaungol siya, she missed his kisses so much. Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito at buong init na tinugon ang halik nito.
“Oh… sweetheart, you taste so good,” he whispered on her mouth. She willingly opened her mouth and invited him in. She shivered as his expert tongue explored her mouth. Napasabunot siya sa buhok nito sa sensasyong bago lamang sa kanya.
Hinapit nito ang baywang niya palapit sa katawan nito. Her body was on fire as she felt his rigidity. Bumaba ang mga kamay niya sa katawan nito, she liked the feel of his warm body on her palms. It made her want him more and more. He groaned and kissed her with more hunger.
Naputol ang halik nila nang makarinig sila ng pagsinghap mula sa likod. Sabay pa silang napalingon sa parteng iyon at nakita si Arrhea, gulat na gulat itong nakatingin sa kanila. Nasa mukha nito ang panghuhusga. Nagtaka rin siya sa pagkabiglang nasa mukha ng ‘fiancé’.
Nang ibalik niya ang tingin kay Arrhea ay hindi niya napalampas ang pagpatak ng mga luha nito. “I-I’m sorry… I just want to tell you that I need to go back in Korea tonight,” iyon lang at nakayuko itong nagtatakbo palabas.
She saw her ‘fiancé’s’ jaw clenched. Ano bang mayroon sa dalawang ito? Sigurado siyang may nakita siyang sakit sa mga mata ni Arrhea kanina. Bakit naman ito masasaktan? May relasyon ba talaga ang mga ito?
Nagitla pa siya nang marinig ang pagtunog ng cell phone ni ‘Raffy’. Mukhang noon lang din ito natauhan at sinagot iyon. “Thaddeus… What?! Alright, I’ll be there as soon as I can.”
Pagkatapos ng tawag ay hinarap siya nito. “I have to—”
Hindi niya na ito pinatapos na magsalita. “May relasyon kayo ni Arrhea, hindi ba?” pang-aakusa niya.
Hindi makapaniwala ang tinging ibinigay nito sa kanya. “Anong pinagsasasabi mo?”
“Hindi imposible ‘yon. Talent siya ng agency mo,” pagpapatuloy niya.
“Look, Ashlee, it’s not what you think,” tanggi nito.
“Then what is it? Sigurado ako na may itinatago kayong dalawa!”
“Ashlee,” napahawak ito sa noo. “I don’t have—”
“You don’t have time for this! Damn you!” Then she walked out on him. Pumasok na siya sa loob ng bahay.
Sinundan siya nito. “Kailangan kong pumunta sa Cebu ngayon.”
“Nice one,” tumigil siya at pumihit paharap dito. “Sabihin mo na lang na susundan mo siya, mas makatotohanan pa iyon,” pinilit niyang maging kalmado. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito. Ayaw niyang malaman nito kung gaano kasakit sa kanya ang lahat ng ginagawa nito. Sinasabi niya na nga bang may itinatago ito sa kanya, pero hindi niya inaasahang tama ang sinabi ni Sophia na baka may ibang babae nga ito.
“Hindi ko siya susundan, nawawala si Daniel at kailangan nila ang tulong ko. Intindihin mo naman, wala kaming relasyon ni Arrhea. I don’t even love her!”
Napaismid siya. Nagawa pa nitong idamay ang kaibigan nito? “Yeah, and I don’t want to talk to you anymore!” Tumakbo siya patungo sa hagdan at ikinulong ang sarili sa loob ng kuwarto. Sobra-sobra na siyang nasasaktan.
DALAWANG ARAW na ay hindi pa rin bumabalik si ‘Raffy’ sa bahay nila. Ilang beses na ring tumutunog ang cell phone niya pero hindi niya iyon sinasagot. Bahala itong mag-isip ng kung ano na ang nangyayari sa kanya. Ibinuhos niya ang lahat ng oras sa restaurant at flower shop niya.
Kinagabihan ay nagtungo siya sa opisina ni Sophia sa Quezon, naisipan niyang bisitahin muna ito. Ilang araw niya din itong hindi nakakausap, ang sabi naman ng kapatid nito sa telepono ay nasa opisina pa daw ito at hindi pa bumabalik.
Hindi na siya kumatok dahil nakabukas naman ang pintuan ng opisina nito. Nakita niya itong nakatayo, nakatalikod ito sa kanya at nakatitig lamang sa glass wall ng opisina nito. Marahan siyang lumakad patungo dito at nagulat pa nang makita ang mga luha sa mukha nito.
Paglingon nito ay nagulat pa ito nang makita siya. Pinunasan nito ang mga luha at lumapit sa kanya. “Why are you here, Ashlee? May kailangan ka?” pilit nitong pinasisigla ang tinig.
“Why are you crying?” nag-aalalang tanong niya. Kilala niya ito, hindi ito iiyak kung walang malaking dinaramdam.
Nag-iwas ito ng tingin. “It’s nothing,” pinilit nitong ngumiti. Napatingin ito sa suot na wristwatch. “I didn’t notice the time, seven na pala. Do you need anything?”
Umiling siya. “I just dropped by. Wala kasi akong kasama sa bahay.”
“Nasaan si Raffy?”
“Nasa Cebu ‘ata,” bulong niya. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito sa sinabi niya.
Tumingin ito sa labas ng bintana. “We should go home. Marami pa rin akong kailangang asikasuhin sa bahay. Umuwi ka na rin.”
“What is it, Sophia? You can tell me,” naaawa na siya dito. Halatang-halata dito ang paghihirap ng kalooban.
Ngumiti ito, pero puno pa rin ng sakit ang mga mata. “It’s alright. I can handle this.”
Tumango na lang siya at nagpaalam na dito. Mukhang kailangan talaga nitong mapag-isa.
PABILING-BILING pa rin si Ashlee sa kama niya, nahihirapan na siyang matulog nitong mga nakaraang gabi. She missed sleeping in her ‘fiancé’s’ arms. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit mag-isip ng ibang bagay. Pumasok sa isipan niya ang sakit na pinagdadaanan ni Sophia ngayon. Ngayon niya lang nakitang umiiyak ito.
Abala siya sa pag-iisip ng posibleng nangyari dito kaya hindi niya napansin nang may tumabi sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Hindi niya na kailangan pang alamin kung sino iyon, she knew his scent. Hindi siya nagmulat ng mata, nagkunwa siyang tulog.
Hinalikan nito ang buhok niya. “Sweetheart,” bulong nito. “I’m sorry, wala naman talaga kaming relasyon ni Arrhea. Kaibigan ko lang siya,” lumipat ang halik nito sa leeg niya.
Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para huwag matangay ng sensasyon.
“Hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko, pinag-alala mo ako,” pagpapatuloy nito. His lips moved to her earlobe. “I miss you, sweetheart.”
Ayaw niya pa rin itong kausapin. Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa baywang niya. “I love you,” dugtong na bulong nito.
Doon na napamulat ang mga mata niya. Her heart just stopped beating. Ngayon niya lang narinig mula dito ang mga salitang iyon. Sa ilang taon na magka-relasyon sila ay ngayon lang nito sinabi ang mga salitang iyon. Humarap siya dito, ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.
In just a second, he captured her lips for a passionate kiss. Gusto niyang malunod sa sensasyon at kaligayahang nararamdaman. Tinugon niya ang halik nito. She missed him so much, too. Two days without seeing his face was too much. Bahagya itong lumayo at tinitigan ang buong mukha niya. “Am I forgiven?” tanong nito.
Ngumiti siya. “I love you too,” sagot niya dito. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito sa sinabi niya, pero bigla rin iyong nabahiran ng kalungkutan. Hindi na siya nakapag-tanong nang yakapin siya nito ng mahigpit.
“I love you, always remember that. No matter what happens, I will always love you, Ashlee,” he said in a gloomy voice.
Niyakap niya din ito ng mahigpit. Why did it feel like there was a deeper meaning in those words?