Episode 4

2456 Words
NAPATINGIN si Ashlee kay Sophia nang umupo ito sa katapat niyang silya. Nasa Quezon branch siya ng Delicious Italian Restaurant nila at nagre-relax, masyadong marami na siyang iniisip nitong mga nakaraang araw. “May problema ba kayo ng fiancé mo?” tanong sa kanya nito. “Wala naman, naguguluhan lang ako sa inaakto ni Raffy ngayon. Parang… parang may itinatago siya sa akin.” Nagdududa itong tumingin sa kanya. “Don’t tell me may ibang babae ang fiancé mo?” Tiningnan niya ito ng masama. “Of course not,” tugon niya. Imposible namang may ibang babae si Raffy. Malalaman niya naman iyon kung sakali, hindi ba? “You look so stressed, Ashlee,” ani Sophia. Pagtingin niya dito ay nakita niya pa ang pag-iling nito. “Hindi ba dapat blooming ang mga malapit ng ikasal? Don’t worry too much, sigurado naman akong may dahilan kung bakit nagkaka-ganyan ang fiancé mo. Baka marami lang talagang problema sa trabaho.” Tumango siya. She was the one who was thinking weird things. Dapat tigilan niya na ang kaiisip ng kung anu-ano para hindi na siya mahirapan. Siya lang ang gumagawa ng ikaka-stress niya. Ngumiti siya at sinubukang pagaanin ang damdamin. Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Sophia ay inubos niya na lang ang natitirang oras sa pag-intindi ng mga customers sa restaurant nila. That way nakalimutan niya naman kahit papaano ang mga nagpapagulo sa isipan niya. PAGKABABA ni Ashlee sa sariling sasakyan ay napatingin siya sa isang white Ford na pumarada sa likod ng sasakyan niya. Alas-sais na ng gabi at wala naman siyang inaasahang bisita. Isang babae ang bumaba sa sasakyan at lumapit sa kanya. Ang tangkad at katawan nito ay katulad ng sa mga modelo, pati na rin ang paraan nito ng paglakad. She had a very pretty face. “Hi,” bati nito. “You must be Ashlee. I’m Arrhea. Arrhea Aguirre. I’m looking for your fiancé, Raffy.” Nagtataka siyang tumingin dito. Matamis itong ngumiti. “Huwag kang mag-isip ng kung ano. I’m here for business. Tell him, I’m Rafael’s best friend.” Pinakatitigan niya ito. “I think I remember you.” “Yeah, I think so. I can remember you, too. Ikaw iyong palaging kalaro ni Raffy noong mga bata pa tayo. Minsan ay pumupunta ako sa mansiyon nila para makipag-kuwentuhan kay Rafael. We never had a chance to play kasi may kanya-kanya tayong mundo,” Arrhea laughed. Napangiti siya. So, ito pala ang laging kabuntot ni Rafael noon. “Pumasok muna tayo sa loob, titingnan ko kung nakauwi na si Raffy.” Pagkapasok niya sa loob ay pinag-hintay niya muna ito sa may sala. Dumiretso siya sa guest room para tingnan kung nandoon na si ‘Raffy’. Binuksan niya ang pinto at nakitang walang tao doon. Hindi pa siguro ito bumabalik. Palabas na sana siya nang bumukas ang pinto ng banyo doon at lumabas si ‘Raffy’. Nagulat pa siya nang makita ito, nakatapis lang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nito at tumutulo pa ang basang buhok. “Ashlee, anong ginagawa mo dito?” halatang nagulat din ito nang makita siya. Her eyes stared at his muscular body for a while, hindi niya na nagawang sagutin ang tanong nito. “Hey,” pukaw nito sa isipan niyang kung saan na nakarating. Nagyuko siya ng ulo, pinamumulahan na siya ng mukha. “I-I’m sorry,” ibinalik niya ang tingin dito pero pilit iniiwas ang mapatingin ulit sa katawan nito. Nakahinga siya ng maluwag nang tumalikod ito at nagsimulang maghanap ng damit sa closet. “M-May naghahanap sa’yo sa baba, tungkol daw sa business ang pag-uusapan ninyo,” pinagsawa niya ang tingin sa malapad na likod nito. Parang napakasarap yakapin at halikan ng katawan nito. Ini-iling niya ang ulo. Ano ba itong iniisip niya? Bakit? Masama bang pagnasaan ang katawan ng sarili mong fiancé? kontra naman ng isang bahagi ng isip niya. “May problema ba? May sakit ka ba?” narinig niyang tanong nito. Pagtingin niya ulit dito ay nakasuot na ito ng isang white round neck shirt at nag-aalalang nakatingin sa kanya. Umiling siya. “Hihintayin ka na lang namin sa baba,” pagkasabi noon ay lumabas na siya ng guest room. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na kabog ng puso niya hanggang sa makarating siya sa sala. “May problema ba, Ashlee?” napatingin siya kay Arrhea nang marinig ang tanong nito. Nginitian niya ito. “Wala naman, bababa na raw si Raffy. Magkasosyo ba kayong dalawa sa business?” “No, I’m one of his agency’s talents,” sagot nito. “I’m an actress and model in South Korea.” Napatango siya. “I can’t believe na kayo rin ang magkaka-tuluyang dalawa. I’m sorry hindi ako naka-attend ng engagement niyo. Ngayong linggo ko lang nalaman na malapit na pala ang kasal boss namin,” napailing ito. “I’ve been very busy looking for someone.” Nagdududa siyang tumingin dito. “Is it Rafael? Balita ko kasi nakabalik na siya galing sa America.” Na-sorpresa siya nang makita ang pamumula ng mukha nito. “Hindi pa nga siya nagpapakita sa akin. Nakakapagtampo na ang lalaking iyon.” “Do you like him?” It was not a question anymore. Halatang-halata iyon sa mga mata nito. Napayuko ito. “But he only sees me as his best friend.” Magsasalita pa sana siya nang marinig niya ang tinig ni ‘Raffy’ sa likod. “Sweetheart, sino ba ang gustong—” gulat itong napatingin sa kausap niya. “A-Arrhea?” Nag-angat ng ulo si Arrhea at nakita niya rin ang pagbahid ng gulat sa mukha nito. Napatayo ito mula sa kinauupuan. “W-What are you—” hindi na nito natapos ang sasabihin nang biglang higitin ni ‘Raffy’ ang kamay nito. “May pag-uusapan lang kami sa labas ni Arrhea, Ashlee. Sandali lang,” iyon lang at dumiretso na ito sa labas, hila pa rin si Arrhea. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagkagulat ng dalawa pagkakita sa isa’t-isa. May itinatago ba ang mga ito? Could it be? Napatingin siya sa nilabasan ng mga ito. No, imposibleng magkaroon sila ng relasyon. HAWAK-HAWAK pa rin ni Rafael ang kamay ni Arrhea hanggang sa makalabas sila ng bahay nila. Iwinaksi nito ang kamay niya at galit siyang hinarap. “What the hell are you doing here, Rafael?!” galit na galit na wika nito. Hinawakan niya ito sa balikat. “Look, Arrhea. Listen, this is just a charade. I have to do this for Raffy, hanggang sa maayos niya lang ang problema ng agency niya sa Seoul.” Napailing ito. “This is absurd, Rafael! How can you do this? I can’t believe na nagpagamit ka sa kalokohan ng kakambal mo!” “I have no choice, he’s still my brother,” tugon niya. Hindi niya alam kung ano ang tamang i-dahilan dito. Napaismid ito. “Pareho nating alam na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ka pumayag sa kalokohang ito!” Nakita niya ang pamumuo ng mga luha nito. “Please, Arrhea, minsan lang ako humingi ng pabor sa’yo. Just keep this a secret.” Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa mga mata nito. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. “I miss you so much, Rafael,” napahikbi ito. “Hindi mo dapat ginagawa ito sa sarili mo.” Marahan niyang inilayo ang katawan nito mula sa kanya. “I’m counting on you, Arrhea. Just this once,” pagkasabi noon ay iniwanan niya na ito at pumasok na sa loob. NAPATAYO si Ashlee nang makita si ‘Raffy’ na pumasok. “Nasaan si Arrhea?” salubong niya dito. “Umalis na siya, may kailangan pa raw siyang puntahan,” sagot nito. “Anong nangyayari, Raffy? May problema ba kayo?” Nagtaka siya nang biglang gumuhit ang galit sa mga mata nito. “Wala,” malamig na tugon nito at nilampasan na siya. “Magpapahinga na ako, you better go and take some rest, too.” Naiwan siyang nakatayo lamang doon. Sigurado siyang may nangyayari, hindi niya lang alam kung ano. Tiningnan niya ito na umakyat ng hagdan. He seemed different. He was different. PINILI ni Ashlee na maglakad-lakad muna ng umagang iyon para makapag-pahangin. Masyadong marami siyang iniisip kaya nagitla pa siya nang may bumusina sa likod niya. Nalingunan niya si Thaddeus Arzadon na nakadungaw sa bintana ng sasakyan nito, isa rin ito sa mga kabarkada ng fiancé niyang si Raffy at itinuturing niya na ring isang kaibigan. Isa itong abogado, kahit na hindi halata sa itsura at pagkilos nito. Nakilala niya ito nang minsang dalhin siya ni Raffy sa isang party sa kumpanya nito, doon niya rin nakilala ang ilan pa sa mga kabarkada nito. “A penny for your thought, sweetie?” tanong ni Thaddeus at kumindat sa kanya. Nginitian niya ito. “Anong ginagawa mo dito, Thaddeus?” Isa sa magagandang qualities nitong si Thaddeus ay napakadaling paki-bagayan ng ugali nito. He could be a friend to anyone kahit na lawyer ito. “Bakit? Bawal na bang dumaan dito ang mga guwapo?” tumawa ito. Napatawa rin siya sa hirit nito. “Pupunta kasi ako sa kumpanya ni Vince. May kailangan akong tagpuin doon. Want to have a ride? Saan ba ang punta mo?” “Wala naman, naglalakad-lakad lang. Iyon bang ‘Vince’ na tinutukoy mo ay si Vincent Fabella?” tanong niya. Nabanggit na rin sa kanya ni Raffy noon ang pangalang iyon, sa pagkakatanda niya ay na-meet niya na rin itong minsan sa isang business meeting sa kumpanya ng Daddy niya. “Oo, bakit?” “Kaanu-ano niya si Jeremy?” Ano kaya kung ipalakad niya dito si Sophia kung magkamag-anak ang mga ito? “Mag-pinsan sila,” sagot nito. That’s great! May magagawa na rin siya. “Puwede bang sumama sa’yo?” “Sure, bakit hindi?” binuksan nito ang passenger’s door. “Hop in.” Pagkapasok niya sa loob ay pinaandar na nito ang sasakyan. “Bakit gusto mong pumunta sa kumpanya ni Vince? Saka, anong mayroon kay Jeremy?” pang-uusisa nito. “Gusto ko lang makausap si Vince, ipapalakad ko sana ang kaibigan ko sa pinsan niyang iyon. Mukha kasing walang balak gumawa ng first move ang kaibigan kong iyon, eh,” sagot niya dito. Napailing ito. “Mahirap kausapin si Vince ngayon, hectic ang schedule noon. Pero kapag nakasalubong mo, masuwerte ka na. Ipapalakad mo ang kaibigan mo kay Jeremy?” sandali itong napa-isip. “Good luck na lang, mukhang mahihirapan ka diyan.” Napatingin siya dito. “Talaga? Bakit naman? Mahirap bang i-approach ang Jeremy na iyon?” “Hindi naman, kaya lang mukha kasing tinamaan na ni kupido ang puso ng kaibigan kong iyon,” napailing pa ito. “Never mind, hindi mo rin maiintindihan kahit i-kuwento ko sa’yo.” Napalabi siya. “Sayang naman,” napabuntong-hininga siya. Paano na kaya si Sophia ngayon? Sobrang in-love ito sa Jeremy na iyon ng mahabang panahon. Napailing siya, bakit ba siya nakikialam sa damdamin ng iba? Damdamin niya nga ay hindi niya magawang intindihin. “Pupunta ka ba sa Cebu?” tanong pa ni Thaddeus. “Cebu? Bakit naman?” Nagtataka itong tumingin sa kanya. “Hindi ba sinabi sa’yo ni Raffy na bukas na ang birthday party ni Vince sa Hacienda Fabella? I’ll go straight to Cebu after my talk to a client. Nakausap ko si Raffy kahapon, ang sabi niya pupunta raw siya.” Napatingin siya sa labas ng bintana nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng isang 50-storey building. “Hindi niya pa nasasabi sa akin, maybe tonight.” Lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Hindi na sila nakapag-usap hanggang sa makapasok sila sa loob. Nauna na itong sumakay ng elevator dahil pupuntahan na daw nito ang kliyente nito. Nagpaiwan na lang siya sa ground floor. Wala na rin namang silbi kahit makausap niya si Vince kaya nag-desisyon na lang siya na umalis. Mabuti pa ang magpahinga na lang siya sa bahay. NAPABANGON si Ashlee mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi niya magawang makatulog, hindi niya alam kung nakauwi na ba ang ‘fiancé’ niya. Baka pumunta talaga ito sa Cebu, sa pagkaka-alam niya ngayon na ang kaarawan ni Vince. Hindi talaga siya nito isinama. Wala na ba talaga siyang halaga dito kaya nagagawa na lang siya nitong iwanan? Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Alas-diyes na ng gabi. Bumuntong-hininga siya at lumakad patungo sa guest room. Sumilip siya doon at nakitang walang tao sa kama, hindi man lang siya nito naisipang tawagan. Pumasok siya sa loob ng kuwarto at lumapit sa lampshade na katabi ng kama na nagsisilbing ilaw doon. Akmang papatayin niya na iyon nang marinig niyang may nagsalita. “What are you doing here?” said a husky male voice. Napatigil siya sa pagpindot ng switch ng lampshade at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si ‘Raffy’ na nakaupo sa isang sulok. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito. Her heart was hammering in her chest wildly. Was this some kind of a déjà vu? Tumayo ito mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Akala ko nasa party ka ni Vince,” mahinang sabi niya. He closed the distance between them and she could now feel the warmth coming from his body. “Bakit naman ako pupunta doon at iwanan ka dito?” She was touched on what he said. “Anong ginagawa mo sa sulok?” “Thinking,” maikling sagot nito. Tumango na lang siya. “Matulog ka na, magpapahinga na rin ako. Thank you for staying here with me.” Hahakbang na sana siya palabas nang muli itong magsalita. “Ashlee,” bulong nito. Napatigil siya sa paghakbang at napatingin dito. Nakayuko ito. Why did it seem like he was… he was Rafael? Pero paano mangyayari iyon? Bata pa siya nang huli niyang makita ito. “Hindi ako makatulog,” pabulong na dugtong nito. “Sleep here.” Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan iyon. Direkta itong tumingin sa mga mata niya. “Will you?” pagmamakaawa nito. Napangiti siya at napatango. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, napaka-imposible na maging si Rafael ito. That guy never begged on her, ni hindi nga nito siya gustong makausap. Magka-parehas lang siguro talaga ang mga ito. Bakit niya ba iniisip ang lalaking iyon? Wala naman itong ginawang maganda sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD