Episode 3

2193 Words
TAPOS nang maghanda ng umagahan si Ashlee pero hindi pa rin bumababa mula sa guest room si ‘Raffy’. Baka ma-late na ito sa trabaho nito kaya napilitan siyang akyatin na ito at gisingin. Pagkapasok niya sa guest room ay wala siyang nakitang tao doon, ayos na ayos pa rin ang kama nito. Nakaalis na kaya ito? Bumaba siya ng hagdan at tumuloy sa kusina. “Manang, nakaalis na ba si Raffy?” tanong niya sa katulong na nandoon. “Hindi pa po ‘ata, baka po nasa study room pa rin,” sagot nito. “Study room?” ulit niya. “Opo, doon po kasi siya tumuloy pagkakain niya kagabi.” “Sige, salamat,” pagkasabi noon ay tumuloy na siya sa study room. Pagkabukas niya ng pinto ay bahagya siyang sumilip doon at agad niya namang nakita si ‘Raffy’. Nakatulog na ito sa silyang nandoon at nakasubsob sa study table. Maraming nakakalat na papel malapit dito. Tahimik siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Hindi na ito nakapag-palit ng damit. Tinitigan niya ang natutulog nitong mukha at napangiti. She was very lucky to have him. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito, may ilang stubbles nang tumubo malapit sa mga labi nito. He still looked incredibly handsome. Lumipat ang tingin niya sa mga papel malapit dito. Kumunot ang noo niya sa nakita. Bakit puro blueprints ang nandoon? May ilang libro din ng engineering ang nakabukas. Bakit naisipan nitong mag-aral ng tungkol sa engineering? Kailangan ba iyon sa talent agency nito? Bahagya siyang napalayo dito nang maramdaman ang pag-galaw nito. Binuksan nito ang mga mata at nakita siya. Napabalikwas ito at mabilis na inayos ang mga kalat sa mesa. “Kanina ka pa dito?” “H-Hindi naman. Gi-Gigisingin sana kita,” muli siyang napatingin sa mga inaayos nito. “Ano ang gagawin mo sa mga iyan?” “Dito?” napakamot ito sa ulo. “Wala naman, pinag-aaralan ko lang magbasa ng isang blueprint. Kumain ka na ba?” “Hindi pa, pero handa na ang almusal. Gusto mo na bang kumain?” Pagkatapos nitong maayos ang mga kalat sa ibabaw ng mesa ay tumingin ito sa kanya. “Ikaw ba ang nagluto?” Ngumiti siya. “Nasarapan ka ba sa niluto ko kagabi?” Tumayo ito. “Yes,” sagot nito. Hinawakan nito ang baba niya para bahagyang maitaas ang mukha niya. “You cook very well, sweetheart,” bulong nito bago ngumiti. Hinawakan nito ang kamay niya. “Pakainin mo na ako, nagrereklamo na ang tiyan ko.” Nagpatangay na lang siya dito palabas ng study room. She was dazed. Sweetheart? That was the first time he used an endearment for her. She looked at their clasped hands, bakit kaya ganito ang nararamdaman niya ngayong magkahawak ang mga kamay nila. She never felt like this before, parang bago para sa kanya ang lahat. Inilipat niya ang tingin sa mukha nito, hindi naman ito ganito noon. Bigla na namang nagkagulo ang t***k ng puso niya nang tumingin din ito sa kanya. “Stop staring at me, baka matunaw na ako niyan,” biro nito. Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Masama bang titigan ang fiancé ko?” Nag-iwas ito ng tingin. “Do you want to see the ocean?” pag-iiba nito sa usapan. Nagtaka siya sa pag-seryoso ng mukha nito. “Saan naman?” “May kakausapin kasi ako sa Batanes mamaya, isasama na kita.” “Sa Batanes? Ang layo naman ‘ata.” “We’ll take the helicopter para mabilis ang biyahe natin,” sagot nito na ipinagtaka niya. “Helicopter? Marunong ka bang magpatakbo noon?” Ngayon niya lang narinig mula dito ang bumiyahe gamit ang helicopter na ito mismo ang magpapatakbo. Napatingin ito sa kanya. “Y-Yeah, trust me,” iyon lang at hindi na muli ito nagsalita. SUMUNOD si Ashlee kay ‘Raffy’ nang bumaba ito ng helicopter. Her feet touched the beautiful sands of the Batanes Island. Nakikita niya na rin ang mabining alon ng dagat. She could also feel the relaxing breeze on her skin. It had been a long time since she saw the captivating beauty of the sea. Napatingin siya sa ‘fiancé’ nang mag-ring ang cell phone nito. Agad naman nitong sinagot ang tawag at bahagyang lumayo sa kanya. “Yes, Christopher?” anito. Ilang sandali itong nakipag-usap bago muling bumalik sa kanya. He was like an Adonis walking in front of her. He was wearing a brown leather jacket and pants that fits his muscular body. He also polished his black shoes like a military man. Ang lakas ng dating nito sa ganoong porma, lalo na kapag nagmamaneho ito ng helicopter. She never imagined him to be that good with helicopters. Mukhang ang dami niyang hindi alam tungkol dito kahit na bata pa ay magkasama na sila. “Mananatili muna tayo sa isa sa mga hotels dito mamayang gabi,” sabi nito pagkalapit sa kanya. “Si Christopher ba ang kakausapin mo dito?” tanong niya. Sa pagkakaalam niya ay kaibigan nito si Christopher Samaniego Jr., kilala niya ito dahil malimit niya itong nakikitang ka-meeting ng Daddy niya noon tungkol sa oil company nila. He was a very famous businessman, a computer genius. “Oo, magpapagawa kasi siya ng panibagong resort, dito naman sa Batanes Island. Because I built his other Dolphin Bay Resort in Boracay and Cebu, so—” napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa kanya. “You what?” Natigilan din siya sa sinabi nito. “I…I mean, tinulungan ko siyang mag-isip ng concept sa resort na ipinagawa niya noon. You know, maraming pinupuntahang lugar ang mga talents namin kaya may maibibigay akong magagandang ideya sa kanya,” pagpapaliwanag nito. Hindi niya maintindihan kung bakit parang bigla itong kinabahan. “Uhm… pumunta na tayo sa pinaka-malapit na hotel dito, baka napagod ka sa biyahe.” PAGKALABAS ni Rafael sa hotel na tinutuluyan nila ni Ashlee ng hapon na iyon ay dumiretso siya sa isang restaurant na katabi noon. Doon sila magkikita ni Christopher para pag-usapan ang tungkol sa ipapatayo nitong resort. Napailing siya nang maalala ang muntik ng pagkahuli sa kanya ni Ashlee kanina. Bakit ba kasi minsan ay nakakalimutan niyang nagpapanggap lang siya? Pagpasok niya sa restaurant ay agad niyang nakita si Christopher sa isang table kaharap ang laptop nito. “Pare,” bati niya at umupo sa katapat na silya nito. Sinarhan nito ang ginagamit na laptop at tumingin sa kanya. “Want to order something?” “No, I’m okay. Kumain na ako bago ako pumunta dito. Let’s move to business, natapos ko na kagabi ang design ng resort na ipagagawa mo dito, naipadala ko na rin iyon sa opisina mo kaninang umaga. Nakita mo na ba? Ayos lang ba sa’yo ‘yon?” Tumango ito. “Yeah, kailan ko ba tinanggihan ang designs mo?” ngumiti pa ito. “Nakita mo na ba ang pagtatayuan mo ng resort? It’s twice bigger than the resort land in Cebu. Marami na kasing turista ang nakakapansin sa itinatagong ganda ng Batanes kaya gusto kong mas malaki ang ipagawa dito.” “Yeah, nakita ko na iyon. Saan nga pala ang tungo mo pagkatapos nito?” tanong niya dito. “Pupunta ako ng London ngayong gabi, may kailangan akong daluhang victory party ng kaibigan ko doon. Ikaw? Babalik ka na ba sa Makati?” “Bukas na siguro. Ipapasyal ko muna si—” muli siyang napatigil. “May kasama ka?” Nang hindi siya sumagot ay napailing ito. “Girlfriend? Sige, mauna na ako. Ikaw na muna ang bahala sa resort,” tumayo na ito. “Have a nice date.” Pagkaalis nito ay lumabas na din siya at tumungo sa hotel na tinutuluyan. NAGLAKAD-LAKAD si Ashlee sa may dalampasigan at pinagmamasdan ang papalubog na araw. She didn’t want to stay inside her room and waste this time to see the beautiful sunset. Hindi niya alam kung kailan ulit siya makakabalik sa dagat at malanghap ang sariwang hangin na wala sa lungsod. Napatigil siya sa paglalakad nang maramdamang may sumusunod sa kanya. Nalingunan niya si ‘Raffy’ na tahimik lamang na nakasunod sa likod at nakatingin sa kanya. Ngumiti siya nang makalapit ito. “Hinanap kita sa hotel pero wala ka na kaya naisipan kong baka nandito ka,” sabi nito. “Akala ko kasi matatagalan ka pa sa pakikipag-usap mo kay Christopher,” sagot niya. Hindi niya alam kung bakit naninibago pa rin siya sa paraan ng pagtitig nito, but somewhere in her heart, she wanted him to stare at her like that… always. Itinuon niya ang paningin sa papalubog na araw at bumuntong-hininga. “I want to see the sunset. Isn’t it beautiful?” “Very beautiful,” bulong nito. Ibinalik niya ang tingin dito at nakita niyang sa kanya ito nakatitig. Her heart was hammering in her chest as she stared back in his dark brown eyes. Hindi niya magawang putulin ang pagtitig dito hanggang sa mapansin niyang ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa’t-isa. She could now smell his masculine scent and it was already affecting her way of thinking. This was the very first time she got nervous being near him. “You are very beautiful, sweetheart,” he said in a little above-whisper. Hinaplos nito ang pisngi niya. Nakakita siya ng kalungkutan sa mga mata nito at pakiramdam niya ay gusto niyang maiyak dahil doon. “You should have been mine.” Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon, pero hindi niya na nagawang isipin ang ibig sabihin noon nang lumapat na ang mga labi nito sa mga labi niya. She was stunned for a moment; this was just like the way he kissed her in his agency’s lobby. Ipinikit niya ang mga mata at tinugon ang halik nito. Itinaas niya ang mga kamay para iyakap sa leeg nito. Hinapit pa siya nitong lalo sa baywang para magkalapit ang mga katawan nila. She was slightly hurt when her belly bumped into that hard thing in his pants. Napasinghap siya nang maisip kung ano iyon. He, then, suddenly entered her mouth and gave her a mind-blowing kiss. She savored the sensation and pulled him even closer to have more of the pleasure he was offering. Napaungol ito sa ginawa niya at mas lalo pang pinalalim ang halik. She wanted him, ngayon niya lamang naramdaman ang ganitong sensasyon sa mga halik nito. Gusto niyang mag-protesta nang bahagya itong lumayo sa kanya. Pagmulat niya ng mga mata ay nasalubong niya ang tingin nito. She saw his eyes full of desire and lust for her. Alam niyang ganoon rin ang makikita sa mga mata niya. Tinanggal nito ang pagkakayakap sa kanya at tumingin sa dalampasigan. Madilim na ang buong paligid ng mga oras na iyon. “Let’s go back. Malamig na,” pagkasabi noon ay nauna na itong lumakad pabalik sa hotel. Hindi niya nagawang igalaw ang mga paa ng mga oras na iyon. Bakit biglang lumamig ang pakikitungo nito sa kanya? May ginawa ba siyang mali? “Ashlee…” tawag nito. Hindi niya na ito tiningnan at nakayukong sumunod dito. Her tears were now flowing on her cheeks. They just kissed, bakit pakiramdam niya ay pinagsisisihan nito ang ginawa? Nilampasan niya ito dahil ayaw niyang mapansin nito ang mga luha niya. Pero agad din naman itong nakahabol at hinila siya paharap dito. “Are you crying?” nasa tono nito ang pag-aalala. Hinigit niya ang braso mula sa pagkakahawak nito at tumakbo papasok sa hotel na tinutuluyan nila. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito. She was lucky na nakabukas na ang elevator pagdating niya doon. Agad niyang pinunasan ang mga luha pagkasara noon. Humugot siya ng malalim na hininga nang magbukas ang pinto ng elevator sa palapag ng kuwarto nila. Pagkabukas niyon ay nagulat pa siya nang makitang nakatayo na sa labas si ‘Raffy’. Marahas ang paghinga nito, halatang tumakbo ito sa hagdan para lang makahabol sa kanya. Magsasara na sana ulit ang elevator nang iharang nito ang kamay doon. “Get out,” he said under his breath. Galit itong nakatingin sa kanya. Bakit ito magagalit sa kanya? Siya nga ang dapat na magalit dito. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng elevator. Hila pa rin siya nito hanggang sa makarating sila sa hotel room nila. Pagkapasok ay hinigit niya ang kamay niya mula dito. “Ano bang problema mo?!” hindi niya na itinago ang inis para dito. “Don’t you dare run on me again,” utos nito. Madilim pa rin ang mukha nito. Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. “Bakit ka umiiyak kanina?” bulong nito. “Hindi ako umiiyak, napuwing lang ako. Pagod na ako, gusto ko ng magpahinga,” pagkasabi noon ay humiga na siya kama at nagtalukbong ng kumot. “Dito na ako matutulog sa sofa. Sleep well.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Bakit ba parang ayaw nitong matulog na katabi siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD