Episode 2

2776 Words
LUMAPIT si Ashlee sa kinatatayuan ni Raffy sa verandah ng palace-like-mansion nito sa Seoul, South Korea. Paglapat pa lang ng mga paa niya sa bansang ito ay humanga na kaagad siya sa kagandahan nito. Seoul was a very lively city, napaka-liwanag ng bawat daan at napakaraming establishments na maaaring pasyalan. Kung nabighani na siya sa labas ay mas lalo pa siyang nabighani sa mansiyon na pag-aari ni Raffy. It was like a palace, inside and out. Ang sino mang tutungtong dito ay mararamdaman ang maging isang napaka-importanteng tao. They just had their engagement this morning at hindi pa rin siya maka-recover sa bilis ng mga pangyayari. Plano ng mga magulang nila na sa dito na rin sila ikasal pagkatapos ng ilang buwan. Pagkatapos ng engagement kanina ay dumiretso na agad si Raffy sa kumpanya nito para asikasuhin ang problema doon. Ngayon niya lang uli ito nakaharap, suot pa rin nito ang tuxedo na ginamit nito sa engagement. His face was grim, mukhang napakalaki talaga ng problemang kinakaharap ng agency nito. Hinawakan niya ang kamay nito at napatingin ito sa kanya. “Ayos ka lang ba? Sigurado akong maaayos din ang problema niyo,” ngumiti siya para palakasin ang loob nito. Tinitigan lang siya nito. “You are very beautiful, Ashlee. Pipilitin kong maging perpektong asawa para sa’yo kapag nakasal na tayo. Everything is too sudden, hindi ako makapag-isip ng ayos. Sumabay pa ang problema sa agency,” pinilit nitong ngumiti. “Babalik tayo sa Pilipinas bukas, kahit na dito tayo magpapakasal ay doon pa rin tayo titira. We will domicile in the Philippines, masyadong mahirap para sa atin ang manatili dito. You don’t know anyone and you can’t even speak Korean. Ayokong mahirapan ka.” She was touched on what he said. “Sa guest room na ako matutulog, marami pa akong kailangang tapusing reports.” Hindi niya alam kung bakit sa tingin niya ay umiiwas ito sa kanya simula ng ma-engage sila. Napapansin niya rin na nagbago ito simula nang dumating sila sa Seoul. Parang naging mas tahimik ito. “HOW was the engagement?” bungad na tanong sa kanya ni Sophia nang makapasok siya sa loob ng restaurant nila sa Makati. “Engagement?” ulit niya sa sinabi nito. “You mean, wala pa ring memorable moment ang nangyari sa inyo? Anong ginawa niyo sa Seoul, namasyal lang?” disappointed na tanong nito. “Nakita ko naman ang pinagmamalaki nilang Banpo Bridge. Saka bakit kailangan mo pang itanong ang bagay na iyan? Para sa amin na lang iyon. Kumusta na nga pala ang kapatid mo?” pag-iiba niya sa usapan. “Ewan ko ba sa babaeng iyon, nagpapakabaliw pa rin sa first love niya.” “Bakit? Hindi ba ganoon ka rin?” ito naman ang tutuksuhin niya. “Kaya nga naisipan mong mag-manufacture ng mga produkto ng farm niya, hindi ba? Kasi gusto mo siyang makita.” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Hindi nito naitago ang biglang pamumula ng mukha. “Shut up, Ashlee.” “You’re blushing,” tumawa siya. “Jeremy Fabella, right? Ang galing mo din palang pumili. I met him once, ipinakilala siya sa akin noon ni Raffy.” Isa sa mga kaibigan ng fiancée niyang si Raffy ang Jeremy Fabella na tinutukoy niya at sa pagkakaalam niya ay matagal ng may gusto dito ang kaibigan niyang si Sophia simula nang makita nito ito sa isang seminar ng mango production sa Cebu. Tumayo ito. “Bahala ka na nga diyan. Kung ako sa’yo, ipagluluto ko na lang ang fiancée ko para naman maging masaya ang gabi namin,” iniwanan na siya nito. Napangiti siya. Si Jeremy lang pala ang magpapatahimik dito. Napailing siya at napatingin sa labas. Naisip niya ang sitwasyon nila ni Raffy ngayon – they were already living in the same house. Hindi dahil sa gusto nila kung hindi dahil sa kahilingan ng Papa niya at ng mga magulang nito. Hindi niya alam kung bakit nag-suhestiyon ang mga itong magsimula na silang magsama para masanay sila sa buhay mag-asawa. Napabuntong-hininga siya, kung minsan talaga napakahirap alamin ng mga tumatakbo sa isipan ng mga magulang. RAFAEL excused himself in the group of men who was currently drinking inside the Society Hotel’s bar when his phone suddenly rang. Si Jeremy iyon, ang best buddy niya. Ito lang at si Christopher ang matino niyang nakakausap sa buong barkada nila. Naki-balita ito sa engagement ng kakambal niyang si Raffy at nangumusta. Ilang sandali pa silang nag-usap nang marinig niya ang pagtawag ni Michael, isa pa sa mga kabarkada niya. Agad na siyang nag-paalam sa kausap at lumapit dito. “Rafael, dude. Your brother’s outside. He’s looking for you,” sabi nito. “Bakit bang tagal mo diyang?” baluktot na tanong nito sa Tagalog. Michael de Angelo was a half-American pero dahil isa itong Hollywood actor ay mas matagal na panahon na itong lumagi sa US at hindi na nagawang makapag-aral ng ayos ng Tagalog. “Raffy’s outside?” tanong niya ulit dito. Nang tumango ito ay kumunot ang noo niya. Ano ang ginagawa nito sa Society Hotel? Hindi ba dapat kasama nito ang fiancé nito? “I’ll be back,” aniya bago lumabas ng private bar ng hotel na iyon. Naabutan niya si Raffy na nakaupo sa isang settee at may kausap na babae. “Anong ginagawa mo dito?” marahas na tanong niya sa kakambal. Napatingin sa kanya ang babaeng kausap nito. “Wow, wala pala talaga kayong pinagkaiba. Hi, Rafael. I’m Maureen,” lumapit ito sa kanya at humawak sa braso niya. Tiningnan niya ito ng masama. “Anong ginagawa mo kasama ang kapatid ko? Hindi mo ba alam na engaged na siya?” Gulat itong napatingin kay Raffy. “You’re getting married?” Tumayo si Raffy at hinarap siya. “I’m not here for women. Gusto kitang makausap.” Nauna na itong pumasok sa isang suite. Inalis niya ang pagkakahawak ng Maureen na iyon sa braso niya at sumunod dito. “YOU want me to what?!” hindi makapaniwalang tanong ni Rafael kay Raffy. Tama ba ang narinig niya mula dito? “Alam kong mali ito pero wala na akong maisip na paraan, Rafael. Sandaling panahon lang naman, hanggang sa maayos ko lang ang problema sa agency,” tugon nito. “Pero bakit hindi mo na lang ipaalam sa kanya na may dapat kang asikasuhin? Bakit kailangan ko pang magpanggap?” “Hindi ko siya magagawang isama sa Seoul, mahihirapan lang si Ashlee doon. She doesn’t know anything about Korean culture, ayokong maiwanan lang siya sa mansiyon. Hindi rin magandang tingnan na iwanan ko siya dito sa Pilipinas, ikakasal na kami. Kung hindi lang sana hiniling nina Papa at ni Tito Ramon na manatili na sa bahay si Ashlee dahil sa malapit na rin naman kaming ikasal ay mapapadali sana ang lahat. Hindi mo naman kailangang magpanggap na parang isang tunay na fiancé sa kanya. Ang kailangan mo lang gawin ay magpakita sa kanya araw-araw. Sa guest room ka na rin matulog, nasa Canada sina Mama at Papa kaya hindi nila mahahalata kung sino ka. Maiintindihan ni Ashlee kahit hindi mo siya kausapin ng matagalan kapag nasa bahay ka, maging siya ay nahihirapan rin sa sitwasyong ito,” paliwanag nito. “It still does not make any sense. Puwede mo namang ipaalam sa kanya ang problema ng agency mo sa Seoul. Siguradong maiintindihan ka ni Ashlee.” Yumuko ito. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang kalungkutan sa mukha nito. “A-Ayokong malungkot si Ashlee, siguradong iyon ang mararamdaman niya. Isipin mo, ka-e-engaged lang namin pagkatapos ay iiwanan ko na agad siya,” tumingin ito sa kanya. “Try to understand, Rafael. Nahihirapan din ako, biglaan ang lahat ng ito. Gusto ko siyang pakasalan, pero hindi ko akalaing ilang buwan na lang ay ikakasal na kami. My agency needs me, she needs me… Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.” Nararamdaman niya ang paghihirap ng kalooban nito. Ngayon niya lang nakitang nagkakaganito ang kakambal. Mukhang pagod na pagod at gulong-gulo na ito. “How long will this last?” tanong niya. Nakita niya ang pagdaan ng galak sa mga mata nito sa tanong niya. “Until I solved the agency’s problem. I’ll try to make it fast.” “Kailan ang alis mo?” Tumingin ito sa suot na relo. “Two hours from now, dumiretso ka na sa bahay sa Ayala, doon muna siya tumutuloy. Thank you so much, bro.” Tumango lang siya at lumabas na ng kuwartong iyon. Ano ba itong pinasok niya? IPINARADA ni Rafael ang motorbike niya sa tapat ng bahay nila sa Ayala at pumasok sa loob. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin, paano kung mapansin ni Ashlee ang pagkakaiba nila ni Raffy? Napabuntong-hininga siya. “Pinagbakasyon ko muna ang mga katulong noon. Nag-hire ako ng pansamantalang papalit sa kanila kaya siguradong hindi ka nila makikilala,” naalala niyang sabi ng kakambal. Napailing siya, mukhang pinaghandaan talaga nito lahat. Nasalubong niya ang isang katulong na agad namang bumati sa kanya. “Sir Raffy, nakauwi na po pala kayo.” Bahagya pa siyang nailang sa pangalang itinawag nito sa kanya. “Si Ashlee?” iyon ang unang tanong na pumasok sa isip niya. “Nasa kusina po siya.” “Sige, salamat,” iyon lang at tumuloy na siya sa loob ng kusina. Agad niyang nakita doon ang hinahanap. Nakasuot na ito ng pantulog na napapatungan ng puting apron. May hinahalo ito sa kaserola at nakatalikod sa kanya. Mukhang hindi nito napansin ang pagpasok niya kaya ilang sandali muna siyang sumandal at pinagmasdan ito. Her moves were very graceful; she looked so feminine and innocent. Parang wala ito kahit anong flaw sa katawan. She was very beautiful, bumagay ang suot nitong pink pajamas sa maputing kutis nito. Her light brown hair was tied in a pony, may ilang hiblang nalaglag na sa tali at nakalugay sa gilid. Naramdaman siguro nito ang pagtitig niya kaya bigla itong lumingon sa kinatatayuan niya. He could now see her beautiful face with those light gray eyes na napapalibutan ng malalantik na pilik. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito, her soft sexy lips na natikman niya lang ilang araw bago ang engagement nito. Muling nag-init ang pakiramdam niya sa naalala. “Hey, what are you doing there?” she asked in a cute accent. Of course, she was a half-British. Napakasarap pakinggan ng boses nito. Napaangat ang likod niya sa dingding nang makitang lumapit ito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. “Raffy, ayos ka lang ba?” Lumapit siya dito. “Yeah,” sumulyap siya sa ginagawa nito. “Anong ginagawa mo?” “Nagluluto ako ng hapunan natin,” lumabi ito. “Hindi ko alam kung paano magluto ng Korean dishes. Adobo lang ang Filipino dish na naituro sa akin ng mommy ko noon, the rest are Italian and American dishes. Kumakain ka ba ng adobo?” Tumingin siya dito. “That’s my favorite.” Nagtataka itong tumingin sa kanya. “Talaga? Hindi pa kasi kita nakikitang kumain ng Filipino dish simula ng mga bata pa tayo.” Iniiwas niya ang tingin dito. Hindi nga pala sanay kumain ng Filipino dish si Raffy. “Ganoon ba?” Pagtingin niya dito ay nakita niyang nakakunot-noo ito habang nakatitig sa kanya. “Nagpagupit ka ba ng buhok?” curious na tanong nito. Natigilan siya sa tanong nito. Napangiti ito. “It looks good on you. Let’s go, kumain na tayo.” PATULOY lang si Ashlee sa katititig sa ‘fiancé’ niya habang kumakain ito. Ngayon niya lang hindi magawang alisin ang tingin sa kabuuan nito. He looked incredibly handsome wearing that black leather jacket. Muli niyang naalala ang unang pagkakataon na nakasuot ito ng ganoon, when he kissed her at his agency’s lobby. Ang halik na hindi niya magawang ialis sa isipan niya. She looked at his handsome face, his clean-cut hair and his perfect eyebrows and dark brown eyes. Nagtagal ang tingin niya sa mga labi nitong ngumunguya ng pagkain. Pagkaing siya mismo ang nagluto. Napangiti siya habang nakatitig dito. Then suddenly, he looked at her direction. Bigla niyang iniiwas ang tingin dito, naramdaman niya ang pamumula ng mukha. Kailan pa siya nailang sa tingin nito? His stare suddenly made her uncomfortable. “What’s wrong?” tanong nito, mas magaspang ang boses nito ngayon kaysa noon. Ano na bang nangyayari sa kanya? Bakit pati boses nito ay nag-iba na rin sa pandinig niya? Even his scent, nag-iba ba ito ng brand ng pabango? Napailing siya, nagiging weird na siya nitong mga nakaraang araw. Iyon ba ang mga nangyayari sa mga malapit ng ikasal? “Ashlee,” tawag nito. Gulat siyang napatingin dito. Hindi niya alam kung bakit biglaan ang pagbilis ng t***k ng puso niya sa ginawa nitong pag-banggit sa pangalan niya. Palagi naman siya nitong tinatawag sa pangalan niya noon, but tonight was different. Parang may gusto siyang maalala sa klase ng pagtawag na iyon… noong bata pa siya. Muli siyang napailing, masyado na siyang maraming iniisip. Kumunot ang noo nito. “May problema ba?” Umiling siya. “May naalala lang ako, kumusta na nga pala ang trabaho mo?” “Medyo maraming kailangang asikasuhin, pero sa tingin ko naman ay maaayos din iyon. I don’t need to rush everything. There are ways to solve it properly. Ikaw, kumusta na ang flower boutique mo?” Napangiti siya. Ngayon lang nito kinumusta ang boutique niya. “Maayos naman, I love decorating flowers, doon lang nawawala ang stress at pagod ko.” “Huwag ka masyadong magpaka-pagod, mas marami ka pang negosyong hinahawakan kaysa sa akin,” ngumiti ito. And then she was lost. Why did it feel like this was the very first time he smiled at her? Bigla siyang napatayo mula sa kinauupuan. She was getting weirder and weirder. “Marami ka pa sigurong dapat asikasuhin, mauuna na akong matulog. Good night,” iyon lang at umakyat na siya sa kuwarto nitong pansamantala nitong ipinahiram sa kanya. Sooner, it will be their room together. Pagkasara niya ng pinto ay agad siyang napasandal doon. Ipinikit niya ang mga mata. Ano bang nangyayari sa kanya? At bakit bigla na lang pumasok sa isip niya si Rafael noong mga bata pa sila?... …”Raffy, nasaan ba talaga iyong bear na ibinigay ko sa’yo noong last birthday mo?” Tumingin ito sa kanya. Naglalaro ito sa computer nito. “Hanapin mo sa kuwarto ni Rafael, baka naiwan ko doon noong naglalaro kami ng play station.” “Ikaw na ang kumuha,” utos niya dito. “Alam mo namang natatakot ako kay Rafael, eh.” Naiinis nitong ipinukpok ang kamay sa keyboard. “Natalo tuloy ako. Bakit ka naman matatakot kay Rafael? Hindi naman iyon nangangagat, at saka wala doon si Rafael. Umalis sila kanina ni Papa.” “Talaga?” lumabi siya. “Hintayin mo ako dito, ha? Pagkatapos kapag nakuha ko iyon, itago mo na talaga sa kuwarto mo.” Umakyat na siya sa itaas ng bahay ng mga ito at dumiretso sa kuwarto ni Rafael. Nakabukas iyon kaya madali siyang nakapasok. Lampshade lang ang ilaw na nakabukas kaya medyo madilim. Agad niya namang nakita ang teddy bear sa ibabaw ng kama. Lumapit siya doon at kinuha iyon. “What are you doing here?” Gulat siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Rafael na nakaupo sa isang sulok. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito pero alam niyang galit ito. “Ah…” bahagya siyang napaatras ng tumayo ito. “S-Sorry… kinuha ko lang kasi itong bear ni Raffy… a-ang s-sabi niya kasi wala ka dito.” She was now scared. Lalo pa siyang nakaramdam ng takot nang maglakad ito palapit sa kanya. “You’re trespassing… alam mo ba ‘yon?” “A-Aalis na ako,” yumuko siya at humakbang palabas ng kuwarto. “Ashlee…” Napatigil siya sa paghakbang at napatingin dito. She still couldn’t see his face but her heart was pounding. Did he just call her name? “Sarhan mo ang pinto pagkalabas mo,” iyon lang at bumalik na ito sa kinauupuan nito kanina… Iminulat niya ang mga mata. Itinapat niya ang kamay sa kaliwang dibdib. Her heart was still racing. “I must be crazy,” ini-iling niya ang ulo. Iyon lang ang natatandaan niyang pakikipag-usap kay Rafael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD