HALOS buong tatlong linggo nang isinusubsob ni Ashlee ang sarili sa trabaho. Simula ng kasal nina Jeremy at Keira ay kaunting oras na lang silang nagkakausap ni Raffy sa isang araw. Busy din ito sa trabaho nito, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ayos lang iyon sa kanya. At hindi niya rin maintindihan kung bakit parang balewala na rin lang sa kanya ang nalalapit nilang kasal. Hindi niya na rin masyadong nakikita si Sophia. Huling nakita niya ito ay noong isang linggo pa, at nagulat pa siya nang makita ang maputla nitong mukha. Masyado ba talaga itong nasaktan sa pagpapakasal ni Jeremy? Hindi niya na rin nakakausap ito ng matino simula noon, kahit sa telepono. Palagi na lang itong nagda-dahilan na masama ang pakiramdam o di kaya ay may hinihintay na tawag. Ano bang nangyayari sa

