274533… The door opened. Niluwagan ni Ashlee ang pagkakabukas niyon at tahimik na pumasok sa loob. Nakita niya ang mga lata ng beer sa buong paligid, magulo din ang pagkakaayos ng living room. The settees were out of place, same with the glass table in there. Lampshade lang ang nakabukas na ilaw doon. Napatigil siya, lumingon siya sa isang sulok. Naroroon ito, nakaupo sa isang sulok. Alam niya na ngayon kung bakit ganoon na lang ang naramdaman niya noong huli niya itong makitang nakaupo sa isang sulok sa guest room ng bahay nila. Mukhang hindi siya nito napansin dahil nakapikit ang mga mata nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito. “What am I doing here? Siguradong iyon ang una mong itatanong kapag nakita mo ako.” Nagmulat ito ng mga mata at gulat na napatayo nang makita siya. “A-Ashlee! W-

