HALOS mag-iisang oras nang nakaupo si Ashlee sa tapat ng bar counter ng bahay ni Michael de Angelo – isang famous actor in Hollywood and in the country at isa sa mga ‘breakers’ na tinutukoy ni Rafael kanina. Halos puro mga businessmen, politicians at mga tanyag na artista ang nasa party na iyon. Wala naman siyang makausap dahil sina Thaddeus at Michael lang ‘ata ang nakikita niyang kakilala doon. Kanina pa siyang iniwanang mag-isa ni Thaddeus nang makakita ito ng panibagong biktimang babae. Kanina pa rin siya inis na inis kay Raffy dahil wala pa ito at hindi man lang siya tinatawagan kung may balak pa itong samahan siya sa party na iyon. Iginala niya ang paningin sa mga taong nandoon, nagtaka siya nang makita si Sophia malapit sa kanya na mukhang may hinahanap. “Sophie!” tawag niya dito.

