NAPATINGIN si Rafael sa tabi niya nang umupo ang isa sa mga kabarkada niyang si Jeremy Fabella, ilang linggo niya na rin itong hindi nakikita simula ng ikasal ito. Hindi na rin naman ito gaanong dumadalaw sa society nila. “Nandito ka pala,” bati nito sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap.” “Bakit?” puno pa rin ng inis ang puso at isip niya dahil sa nangyari kanina. Alam niyang wala siyang karapatang magalit dahil si Raffy naman ang tunay na nagmamay-ari kay Ashlee. Pero hindi pa rin niya maiwasang magselos kapag nakikita niyang magkasama ang mga ito. Hindi niya maintindihan ang kakambal kung ano ba talaga ang plano nito sa relasyon nito kay Ashlee. Sigurado siya na hindi nito mahal ang babae, kaya wala ng dahilan para ipagpatuloy pa nito ang pakikisama dito. “Wala lang, mukhang bad trip k

