Episode 12

2553 Words

MARAHANG pinisil ni Rafael ang kamay ni Ashlee bago iyon pinakawalan. Muli nitong hinaplos ang mukha niya. “Huwag ka ng umiyak, okay?” sabi nito. “Huwag mo ng isipin iyon.” Ngumiti siya at tumango. Gulat siyang napalingon kay Raffy nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya, nasa harap na nila ito. Agad namang ibinaba ni Rafael ang kamay nito. “Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap sa loob,” wika nito bago tumingin kay Rafael. “What happened? Pinapaiyak mo na naman ba si Ashlee? Hindi ka pa rin talaga nagbabago,” lumapit ito sa kanya. “Bata pa lang tayo, lagi mo nang inaaway itong fiancée ko. Are you okay?” tanong nito sa kanya. Tumingin siya dito at nag-aalangang tumango. “I’m alright. Are we going home?” Tumango ito. “Yeah, magpaalam ka na muna kay Michael.” Sinunod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD