KABANATA 9

1325 Words
Malakas na tugtog ang sumalubong kina Giovanni sa pagpasok nila sa casino. Sa bawat sulok ay mayroong mga naglalaro na mahahalatang malalaking tao o mayayamang personalidad. Nagkalat din ang mga waitress na ang suot ay kasuotan ng isang katulong. Ngunit di tulad sa normal na uniporme ng mga katulong na nakikita niya noon sa Pilipinas, ang mga naroon ay maiigsi ang tela ng kanilang uniporme. Kulay dilaw iyon na may malalim na neckline, maigsi ang pagkabestida na masisilip kaagad ang suot nilang mga underwear. Hanggang tuhod din ang kulay dilaw nilang mga medyas at mataas ang takong ng mga sandals na gamit nila. Makakapal din ang kanilang make-up. Ang iba sa mga ito ay nakatali ang buhok, may nakalugay, may maiigsi lamang, at ang tanging pagkakapareho ay ang kulay ng mga buhok nila—dilaw. "Look at them, Gio. You can pick any of these girls. They're good to be with. And don't worry, wala silang mga sakit," biglang sabi ni David nang mapansin nitong sinusundan ng tingin ni Giovanni ang bawat waitress na napapadaan sa kanilang harapan. "N-no... I was just looking around. First time ko lang kasing makapasok ng casino," mabilis na sagot ni Giovanni. "Well, masanay ka na. Dahil araw-araw kitang isasama rito. And don't hesitate to ask anything you want, you're part of the family now," pagtapik naman ni Lucca sa balikat ni Giovanni. Bahagyang tumango si Giovanni kay Lucca. "Carlo, samahan mo muna si Gio at ilibot mo siya rito sa loob. Ipakilala mo na rin siya sa lahat. Wala kang lalagpasan na kahit sino. Floor staff, security officers, even the cashiers and dealers, lahat-lahat. Gusto kong ma-familiarize ni Gio kung sino ang mga tao natin," baling ni Lucca sa kanilang likuran kung saan naroon ng tahimik na si Carlo. Nang hindi umimik si Carlo ay mas nilapitan pa ito ni Lucca bago nagwika, "Naiintindihan mo ba ako, Carlo?" matiim ang titig na tanong nito. "Yes, of course, Kuya Lucca. Ako ng bahala kay Gio," mabilis na sagot ni Carlo at pilit na nginitian si Gio. "Good then..." nanatili pa rin ang nakakatakot na awra ni Lucca bago nito talikuran si Carlo. "Gio, si Carlo na muna ang bahala sa 'yo," baling na ni Lucca kay Giovanni. "Saan kayo pupunta?" may pagtataka namang tanong ni Giovanni. "Sa susunod ay isasama na rin kita sa private office ko rito. Huwag muna ngayon, gusto kong makilala mo muna ang lahat ng kasamahan natin dito," tanging sagot ni Lucca na ikinatango na lamang ni Giovanni. Sinubukan pa ni Giovanni na sundan ng tingin ang paglakad nina Lucca at David ngunit nagsalita na si Carlo. "Don't be too ambitious, man. May mga nauna pa sa 'yo rito sa casino pero hindi pa nakakapasok sa opisina ni Kuya Lucca. Kaya hindi ka niya isinama ay maliwanag na hindi ka talaga niya pinagkakatiwalaan," may katapangan ang boses na wika ni Carlo at tinalikuran na si Giovanni. Hindi naman na pinatulan ni Giovanni si Carlo. Kasama na rin kasi sa plano niya si Carlo. Dahil sa naobserba niyang relasyon nito kay Lucca, naisip niya ng magagamit niya rin si Carlo pagdating ng araw. Naipakilala nga ni Carlo kay Giovanni ang lahat ng tauhan o empleyado sa casino na iyon. Ngunit mayroong mas gustong malaman si Giovanni, gusto niyang mapasok ang sinasabing pribadong opisina roon ni Lucca at ang iba pang lihim ng casino na magagamit niya upang mapabagsak iyon at mapalitaw si Don Rocco. "Aiuto!" Naagaw ng pansin ni Giovanni ang malakas na boses ng isang babae. Napakunot noo siya at namukhaan niya ito. Ito ang isa sa mga slot attendant na ipinakilala ni Carlo sa kaniya kanina. Kumpara sa suot ng mga waitress, ang mga slot attendant ay pawang mga babae rin na ang suot ay fitted na sobrang igsing shorts na pula at pula ring brassiere strapless habang mayroon silang suot na pulang apron sa harapan nila. May nakalagay din sa ulo nilang pares ng sungay. May mga naglalakihang lalaki na lumapit sa babae at pilit itong iniaalis doon at tinatakpan ang bibig upang tumigil sa kasisigaw. Kung hindi siya nagkakamali, tulong o help ang ibig sabihin ng isinigaw ng babae. "Stay here," bigla namang baling ni Carlo sa kaniya. Nakita niyang kinausap ni Carlo ang isa mga malalaking lalaki na nakilala niya rin kanina bilang mga security officers doon. Matapos bulungan ni Carlo ang isa sa kanila ay bigla na lamang binuhat ng lalaking iyon ang babae at para lang itong papel na inilabas doon. Dahil na rin sa kuryosidad at awang nararamdaman sa babae, sinilip niya pa sila sa labas upang alamin kung anong nangyayari. "Get out of here! Wala ka kahit pisong makukuha sa sahod mo dahil baon na baon ka pa sa utang. Bago ka pa datnan dito ng Kuya Lucca, mabuti pang umalis ka na," iyon ang mga katagang narinig ni Giovanni na sinabi ni Carlo sa babae. Kita niya pa ang pagtakbo ng babae palayo roon. "Let the angel fly," iiling-iling na wika ni Carlo. Hindi alam ni Giovanni subalit pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin ang mga katagang binitiwan ni Carlo. Katulad nga ng sa kanila sa Rosso, noong ipag-utos niya na ang pagpatay kay Paolo gamit ang secret message nilang 'send to Rosso' pakiramdam niya ay iyon din ang ibig sabihin ng 'let the angel fly' na sinabi ni Carlo. Mayamaya naman ay sumulpot na sina Lucca at David. Seryosong-seryoso ang mukha ni Lucca at mahahalatang nakarating na rito ang pagwawala ng babae kanina. "What happened?" mabilis na tanong ni Lucca. "One of the angels lost it," kalmado lang na sagot ni Carlo. "What did you do the past few days? Hindi mo man lang ba nasalang mabuti ang mga tatao rito? Today is an important day. We're trying to impress our new clients here including the VIP's... I can't believe you let it happen!" galit na galit na naman ang awrang saad ni Lucca kay Carlo. "W-what's happening, David?" hindi na nakatiis na tanong ni Giovanni kay David. "Relax ka lang muna, Gio. Huwag kang matakot o kabahan, business problem lang ito at kapag nagtagal ka na rito ay unti-unti mo ring malalaman ang lahat-lahat," pagpapakalma ni David sa tila nag-aalalang mukha ni Giovanni. "David," pagtawag ni Lucca. Kaagad namang lumapit si David. Hindi naman ganoon kalayo ang distansiya ng mga ito kay Giovanni kaya narinig pa rin ng huli ang sinabi ni Lucca kay David. "Ikaw na muna ang bahalang maghatid sa mga VIP natin. Kanina pa naghihintay ang mga iyon," wika ni Lucca kay David. "Am I going to open the package already?" tanong naman ni David. "Yes, yes... Kailangang ma-divert ang atensiyon nila sa ibang bagay. Ilan sa kanila ay nagpanic kanina sa nangyari sa isa mga anghel. Natakot silang magkaroon ng aberya," sagot ni Lucca. "I already gave the order, Kuya Lucca. Walang aberyang mangyayari, sinisigurado ko iyan sa 'yo," singit naman ni Carlo. "Dapat lang!" may panggigigil na bulyaw ni Lucca kay David. "Napakatagal mo na sa business na ito pero pumapalpak ka pa rin. Hindi ako makapaniwalang ikaw ang gusto ni Papa na pumalit sa akin!" Tahimik namang ina-absorb ni Giovanni ang mga naririnig. Ayaw niyang may makalampas sa tainga niya kahit isang salita. "Gio, let's go home," tawag naman na ni Lucca kay Giovanni. Nang makalabas na sa casino sina Lucca at Giovanni ay tumikhim nang bahagya ang huli. "Come on, ask me now," kalmado ngunit nanatili ang pagkairita sa boses na saad ni Lucca. "Tayo lang ba ang babalik, boss? What about them?" Patungkol ni Giovanni kina Carlo at David. "They can go home on their own, Gio. Don't mind them. May kailangan pa silang tapusin na trabaho," sagot ni Lucca at mabilis na itong sumakay sa backseat ng sasakyang dala nila matapos itong pagbuksan ng driver na naroon lamang at naghihintay sa kanila. Gusto pa sanang magtanong ni Giovanni ngunit kita niyang tila sira na nga ang araw ni Lucca kaya pinili na lamang niyang manahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD