KABANATA 10

1032 Words
Nayupi sa mga palad ni Giovanni ang soda can na hawak-hawak habang nakaupo at pinapanood ang balita. Naroon siya sa kaniyang kuwarto at naghihintay na lamang na sumapit ang alas otso nang gabi. Araw iyon ng Biyernes at bukas, Sabado, ay ang nag-iisa niyang day-off na ibinigay ni Lucca. Hindi na siya roon magpapaabot nang umaga kaya naman aalis na siya mamaya. Ihahatid siya ng isa sa mga driver-tauhan ni Lucca kaya hindi rin siya makakaderetso sa kaniyang mansiyon. Doon sigurado ihahatid sa mga peke niyang mga magulang at hihintayin na lamang niyang makaalis ang maghahatid sa kaniya upang makauwi naman siya at makausap na sina Luigi at Arturo. "You're a real devil, Carlo..." anas niya sa sarili. Ang napapanood niya kasi sa balita ng mga sandaling iyon ay tungkol sa natagpuang patay na babae sa isang abandonadong lugar na dating junk shop. Ayon sa balita, dalawang araw ng patay ang babae at nangamoy lang ito kaya napansin. Ang ikinagagalit niya ay dahil iyon ang babaeng nakita niya sa casino. Ang isa sa binabansagang angels sa casino ng mga Baldini. Iyon ang babaeng inilabas sa casino dahil sa paghihisterikal at paghingi ng tulong gamit ang Italian language. Hindi nga siya nagkamali na isa ring secret message ang mga katagang binitiwan ni Carlo nang gabing iyon. Isa iyong utos ng pagpatay. Kahindik-hindik ang pagkakapatay sa babae. May bali umano sa magkabilang balikat at basag ang bungo na siyang ikinamatay nito. Let the angel fly, mga katagang ang ibig sabihin pala ay patayin na. Binalian sa balikat na para bang pinutulan ng pakpak, basag ang bungo na parang bang bumagsak dahil nawalan ng pakpak. Ngayon ay alam na niyang wala talagang awang pumatay ang mga miyembro ng King of Knives. At lahat ng pagpatay na nangyayari o mga mangyayari ay may basbas ni Lucca. Mahihinang katok ang pumukaw kay Giovanni. Mabilis siyang tumayo at napagbuksan niya si David. "Gio, ang sabi ni Lucca ay puwede ka na raw umuwi kahit wala pang alas otso. Wala naman na raw siyang kailangan sa 'yo basta't agahan mo raw sa Linggo," saad ni David. "Nasaan siya?" tanong naman ni Giovanni. "He's resting. Mukhang may sakit si Daria kaya inaalagaan niya na muna kaya hindi na rin siya ang personal na kumausap sa 'yo. Tinawagan niya lang ako sa cellphone at hindi na ako nag-abalang puntahan pa siya sa kuwarto nila. Kapag sinabi niya kasing magpapahinga siya ay ayaw niya ng naiistorbo pa," paliwanag ni David. Napatango-tango na lamang si Giovanni. Nais niya sanang makausap si Lucca upang simplehan ang pagtatanong tungkol sa babaeng pinatay. "You're watching the news..." pansin ni David nang masulyapan ang bukas na telebisyon. Bahagyang lumunok si Gio at lakas loob na nagtanong. "She's familiar... She's the girl that—" "Gio, Gio, Gio... Marami ka pang kailangang pag-aralan. Kapag nagtagal-tagal ay masasanay ka na rin at magiging normal na lang din sa 'yo ang lahat," putol ni David sa pagsasalita ni Giovanni. "Well... Gusto ko ng mapag-aralan lahat," seryoso ang mukhang sabi ni Giovanni. "Wait for the right time, Gio... Sa ngayon ay umuwi ka na muna sa inyo and enjoy your day-off," pagtatapos ni David at tinalikuran na nito si Giovanni. Napakuyom naman ng mga kamao si Giovanni habang sinusundan ng tingin si David. Sa naging takbo ng usapan nila ay hindi niya naiwasang maalala ang pagkamatay ng mga taong mahal niya sa mga kamay ni Don Rocco Baldini... ***** Isang bag pack ang nakasukbit sa balikat ni Giovanni pagkalabas niya sa kaniyang kuwarto. Naglakad siya nang deretso at tinumbok ang kuwarto ni Lucca. Balak niya ng kausapin muna si Lucca bago umalis. Gusto niyang mas kunin pa lalo ang loob ng lalaki kaya nais niyang ipakita rito ang matinding paggalang. Kahit na sinabihan na siya ni David kanina na huwag na umanong istorbohin si Lucca ay hindi niya ginawa. Isa sa mga natutunan niya sa mahabang panahon ay ang huwag tumigil sa pakikipaglapit sa kaaway. Na kahit nakalapit ka na ay siguraduhin mo pa ring matindi ang magiging kapit ninyo sa isa't-isa. Ilang hakbang na lamang si Giovanni sa kuwarto nina Lucca at kita niyang bukas ang pinto niyon. Mas nagkaroon siya ng lakas ng loob sa isiping hindi pa nagsisimulang matulog ang lalaki. Mas binilisan niya pa ang paglalakad at marahan siyang kumatok sa bukas na pintuan. "Boss..." pagtawag niya kay Lucca nang makatatlong katok na siya ay wala pa ring lumalabas. Inihakbang ni Giovanni ang mga paa papasok at nakarinig siya nang hindi kalakasang music. Naisip niyang dahil doon kaya hindi siguro siya naririnig. Pinasok na nga niya nang tuluyan ang kuwarto at magdadahilan na lamang siya kay Lucca na nahihiya siyang basta na lamang aalis nang hindi nagpapaalam dito. Habang palapit nang palapit si Giovanni sa mahinang tugtugin ay para bang gusto na ng mga paa niyang umatras sa hindi niya malamang dahilan. "Ohhhh..." Napahinto at napalunok si Giovanni nang may marinig siyang ungol ng babae. Kaagad na pumasok sa isipan niya si Daria. Subalit iwinaglit niya rin sa isipan ang kung anong pumasok doon dahil naalala niya ang sinabi ni David kanina na may sakit si Daria. Inisip na lamang niyang baka ungol iyon ng nilalagnat o may sakit. Kung kanina ay tila gustong umatras ng mga paa ni Giovanni, ngayon naman ay parang may sariling isip na umabante ang mga iyon at mas luminaw ang mga ungol na una niyang narinig kanina. "Ohhhh... B-baby, d-darling..." Napagtanto ni Giovanni na hindi iyon ungol ng may sakit o nilalagnat kaya nagpasya siyang umalis na sana ngunit tila huli na dahil sa pag-angat ng ulo niya ay namataan niya ang hubad na katawan ni Lucca. Nakatayo at nakatalikod sa kinatatayuan niya si Lucca, habang ang mga kamay ng lalaki ay tila may hawak-hawak habang umaatras abante ang balakang nito. Hindi naman siya bata para hindi mahulaang si Daria ang nasa harapan ni Lucca na marahil ay nakatuwad. Bago pa man mapansin ng dalawa ang presensiya niya ay nagdudumali na siyang umalis doon. Pasalamat siyang walang nakakita sa kaniya nang makalabas siya sa kuwarto. Mabilis na siyang bumaba at pinuntahan ang sasakyang maghahatid sa kaniya. At habang nasa biyahe na siya ay hindi mawaglit-waglit sa isipan niya ang senaryong nakita...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD