KABANATA 11

1646 Words
Walang sinayang na oras si Giovanni pagkaalis ng naghatid sa kaniya sa lugar kung saan inaakala nina Lucca siya nakatira. Iyon ang peke o front niya kina Lucca. "Aalis na rin po ako kaagad. Hanggang bukas lang ako nang gabi kaya importanteng makausap ko kaagad sina Luigi," aniya sa kunwari niyang mga magulang. Ang mga ito ay miyembro rin ng Rosso at napagkakatiwalaan niya rin. Parte na sa plano nila ang sitwasyong iyon. Ang identity nila ay hindi pagdududahan dahil talagang matagal na ang mga ito roon sa Italy. Habang nasa Pilipinas siya at sina Luigi ay narito na talaga sa Italy ang mga kunwari niyang magulang. Ang tungkol naman sa pagiging truck driver niya ng ilang taon ay kasama na sa inasikaso noong nasa Pilipinas pa siya. "Naroon na si Harold, naghihintay," tumayo sa pagkakaupo sa wheelchair si Carlo, ang kunwaring ama niya. Kasama sa pagpapanggap ang pagkakawheelchair nito upang mas kapani-paniwalang wala talaga silang pera o yaman. "Maraming salamat po. Ako na ang bahala. Tawagan niyo kaagad ako kapag may bumalik sa kanila o maghahanap sa akin," sagot niya kay Carlo. Sina Maria at Carlo ay sadyang malapit na rin talaga sa kaniya kaya parang magulang na rin naman talaga ang turing niya sa mga ito. Hindi naging mahirap sa kaniya ang lumarong anak ng mga ito. Si Carlo ay isa sa mga taong gumabay sa kaniya noong wala pa siya sa tamang edad. Napangasawa nito si Maria habang nasa Pilipinas pa sila noon kaya naman sadyang parte na ang mga ito ng Rosso na binuo niya. Nang tumuntong na nga siya sa tamang edad ay doon niya na pinadala sa Italy ang mga ito upang gampanan ang magiging papel nila sa paghihiganting matagal niyang pinagplanuhan. "Sige na, Gio, umalis ka na. Sayang ang oras," wika naman ni Maria. Sadyang Gio na rin talaga ang tawag ng mga ito sa kaniya dahil kasama iyon sa pagsasanay sa pangalang ginagamit niya kina Lucca. Tumango si Giovanni at naglakad na ito papuntang kusina. Mula sa kusina ay pumasok siya sa maliit na CR doon. Sa loob ng CR ay tinanggal niya lamang ang salaming nakasabit sa dingding at bigla ng may bumukas na pintuan sa tabi nito. Aakalaing dingding iyon ngunit may secret door pala roon at ang salamin ang magbubukas nito. Bahagya niya lang itinulak nang kaunti ang bumukas na pintuan at mabilis na siyang pumasok doon. Nang nasa kabila na siya ay hinila niya na ang pintuan upang maisarang muli. Kinuha niya rin ang nakasabit na pulang maskara sa gilid at isinuot na iyon. "Boss," tinig mula sa kaniyang likuran. "Let's go," sagot niya naman at mabilis na siyang sumakay sa backseat ng itim na kotseng naghihintay doon. Mistulang basement iyon at nang umandar na ang sasakyan ay binuksan naman ng isa pang bantay ang roll up door. Tinted ang salamin ng sasakyan kaya naman hindi sila kitang nasa loob. "Alam na ba nila na parating ako?" untag niya kay Gilbert, ang nagsisilbing driver niya kapag pupunta siya sa mansiyon kung saan naroon sina Luigi. "Oo, boss. At tapos na ring ilagay nina Luigi ang ipinalalagay mong arko sa gate," sagot naman ni Gilbert. "Good," sagot niya at sumandal na siya sa kinauupuan. Walang thirty minutes ang itinakbo nila at papasok na nga sila sa mansiyon. Tiningala niya ang arkong sinasabi ni Gilbert, ang pangalang ipinalagay niya. L.A Mansion, iyon ang nakalagay sa arko sa itaas ng gate. Sinalubong siya nina Luigi at Arturo sa gate pa lamang. Nakita pa nga niyang napailing at napangiti na lamang si Arturo nang makita siyang may suot ng maskara. Akala siguro ni Arturo ay iisa lang ang maskara niya, iyon ngang naiwan doon. "How's the life with the Baldini's, Mr. Conti?" tanong na lamang ni Arturo. Mr. Conti nga ang itinatawag sa kaniya ni Arturo at wala naman siyang problema roon. Mas okay sa kaniya iyon kaysa tawagin siyang Mr. Lucchese o Giovanni. Siya rin naman ng nag-suggest niyon parte na rin ng pag-iingat nila. Alam naman ni Arturo ang tunay niyang pangalan. "It's like being trap in a pit of hell," piksi niya kay Arturo. "We got more information about Daria Hermosa," pagkuway singit naman ni Luigi. Naglalakad na sila noon papasok sa mansiyon. Tila naman naagaw ang interes niya nang marinig ang pangalan ni Daria. Pakiramdam niya ay sumigla siya at nagkainteresadong marinig ang mga sasabihin ni Luigi. "What is it?" mabilis niyang tanong. "She's a prostitute before and Lucca bought her with lots of money..." sagot ni Luigi. Sandali siyang natigilan sa narinig. Para bang may awa siyang naramdaman para kay Daria. "Then?" tanong niya bago siya maupo sa kaniyang swivel chair. Naroon na sila sa loob ng kaniyang pribadong opisina. "Ang hindi pa namin natutuklasan ay kung saan ba siya nagtrabaho dati. Her name is not familiar here in Italy. Daria Hermosa," saad ni Luigi. "I have a feeling na hindi talaga siya taga rito. Noong una nga ay iniisip kong baka sa Pilipinas siya galing dahil doon madalas magpunta sina Lucca noon to do business. Pero mukhang nag lie-low na siya roon. After that, here comes Daria. Kaya nasabi kong baka taga roon si Daria but judging by her looks, she looked like an Italian, too..." mahabang komento ni Arturo. "I want to know more about her," iyon ang nasabi niya na para bang ikinagulat nina Luigi at Arturo. "Ganoon ba siya kaimportante sa misyong ito?" may pagtataka ngang tanong ni Luigi. "Come on, Luigi. Sa isang linggo kong nasa kanila, kita ko kung gaano kaimportante si Daria sa kaniya. And what do we do? Use advantage of it, of course. Daria will be the most dangerous weapon that we can use against him. And if we got lucky, she can also be the key to Don Rocco," mahabang pahayag niya sa mga ito. ***** Napalunok si Giovanni nang makitang dumaan sa harapan niya si Daria. Nakasuot lamang kasi ang babae ng manipis na pantulog. Hindi lang din kasi siya sanay na makakita ng babaeng nakamanipis na suot tapos ay walang panloob sa bandang itaas. "Hey, Gio, good morning," nakangiting bati ni Daria sa kaniya. "G-good m-morning," minumura niya ang sarili sa isipan dahil sa utal niyang pagsagot sa babae. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit nakasunod pa rin siya ng tingin dito habang naghahanap ito ng kung ano sa ref. "Oh, I think I need to do some stuff today. Wala na halos laman ang refrigerator natin, eh," wika ni Daria na nanatiling nakatingin sa loob ng ref. Nakatalikod ang puwesto nito sa kinauupuan niya. Tatayo na sana siya para umalis dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Tila pa nga siya pinagpapawisan at isinisisi niya na lamang iyon sa kauubos niyang kape. "Puwede mo ba akong samahang mag-grocery, Gio?" Napatigil siya paglabas sana sa kusina dahil sa tanong na iyon ni Daria. "H-ha?" "Well, sabi naman kasi ni Lucca ay parang bodyguard din kita. He also told me na kapag hindi niya ako masasamahan sa mga pupuntahan ko ay ikaw daw muna ang isama ko," matamis ang ngiting ani Daria. Giovanni feels like he's been hynotized with Daria's eyes. Parang bang nalulusaw din siya sa mga titig ng babae. "I'm just gonna take a bath," masiglang sabi ni Daria at nagmamadali na itong lumabas. Natural na mapadaan ito sa harapan niya at amoy na amoy niya ang samyo nito. Para bang nanghina siya nang mawala na sa paningin niya si Daria. Nasampal niya pa nga ang kanang pisngi upang magising sa katotohanan na hindi siya maaaring madala sa babae. Hindi maganda ang nangyayari sa kaniya at hindi niya talaga iyon maipaliwanag... ***** Tahimik lang na nakasunod si Giovanni kay Daria sa loob ng supermarket. May tulak tulak na big cart si Daria at kuha lang ito nang kuha ng kung ano-anong pagkain. Napansin niya pang napakaraming fresh milk na kinuha ang babae. "What about you, Gio? What do you want?" nilingon siya ni Daria at nandoon na naman ang kakaiba niyang nararamdaman. "N-no, thanks... A-ayos l-lang ako sa kung anong mayroon sa mansiyon," may kasama pang paglunok ang sinabi niyang iyon. "Hmmm... Okay," tugon naman ni Daria na para bang nagtataka sa kaniya. 'Damn you, Giovanni!' hiyaw niya sa isipan dahil parang napansin na ni Daria ang pagiging uneasy niya. "I'm sorry kung nagpasama ako sa 'yo..." bigla ay saad ni Daria habang nakatalikod ito sa kaniya at patuloy sa pagtulak sa big cart. Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Iyon pala ang akala ni Daria na dahilan kung bakit para siyang wala sa sarili. "W-wala n-namang problema rito s-sa pagsama ko sa 'yo, D-Daria," mabilis niyang sabi rito at medyo nailang pa nanaman siya nang banggitin niya ang pangalan nito. "Para ka kasing—" "Daria!" hindi natuloy ni Daria ang sasabihin dahil nga sa sigaw niya. May lalaki kasing nag-aayos ng mga stock sa pinakatuktok ng estante at nabitiwan nito ang inilalagay na junkfood at tatama iyon sa ulo ni Daria. Kaagad niya ngang kinabig si Daria upang protektahan sa plastic lang na babagsak mula sa hindi rin naman kataasang estante. "P-pasensiya na po kayo," nagmamadali namang bumaba sa aluminum ladder ang nag-aayos niyon. "I-It's okay, Gio..." saad naman ni Daria na titig na titig sa kaniya na may halong pagtataka. Saka niya napagtanto ang ginawa. Yakap yakap pa nga niya sa mga bisig si Daria at amoy na amoy niya ang hininga nito. Para rin siyang masisiraan ng ulo nang ma-realize niyang plastic lang naman ng babagsak at hindi naman iyon makakasakit talaga kay Daria. "I-I'm s-sorry..." hiyang-hiyang nailayo ni Giovanni ang sarili kay Daria. "Ayos lang. Magaling ka lang talagang bodyguard," natawa namang sagot ni Daria. "A-ako na ang magtutulak nito," pag-iiwas na lamang ni Giovanni at hinawakan na nga niya ang big cart na hindi pa naman gaanong marami ang laman. Napangiti naman si Daria habang nakatingin kay Giovanni na halatadong nahihiya sa kaniya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD