"AFTER FIVE YEAR"
"Maraming naganap na pagbabago sa buhay ng dalaga. Naging aktibo siya sa lahat ng bagay. Lahat ng pangarap nila ni Ivan ay mag-isa niyang tinupad. Taon nang lumipas, ang lahat ay nananatiling sariwa kay Sanya. Pinipilit niya pa rin na mabuhay ng normal. Nakakasabay pa rin siya sa araw-araw na nangyayari sa kanyang buhay."
"Mag-isang tinatahak ni Sanya ang madilim na daan patungo sa kaniyang bahay. Naalala niya na parang kailan lang ay sabay nilang tinatahak ang daang iyon."
Sa kaniyang paglalakad tatlong putok ng baril ang kaniyang narinig dahilan upang mapaupo siya.
Kahit takot na takot siya ng mga sandaling iyon, pinilit niya parin tumayo at naghanap siya ng matataguan, ngunit may biglang dumakip ng kanyang bibig.
Sandali natigil sa paghinga ang dalaga ramdam na ramdam niya ang paghinga ng isang stranghero na nasa kanyang harapan.
" Huwag ka mag- iingay kung ayaw mo patayin kita." banta ng stranghero sa dalagang si sanya.
tinutok nito ang baril sa dalaga
" Sige mas maganda pa nga patayin mo nalang ako para matapos na ang kalungkutan ko." Umiiyak na pagkakasabi ng dalaga napakunot nalang ng noo ang stranghero dahil hindi niya akalain na mas nanaisin pa nitong mamatay.
Nanatili silang dalawa sa ganong position dahil may tatlong kalalakihan na armado na tila ang strangherong lalaki ang hinahanap ng mga ito.
Maya-maya pa ay umalis na rin ang mga kalalakihan kasabay noon ang pagbaksak ng katawan ng stranghero. Nagulat ang dalaga, Nakita niyang duguan ito at bigla nalang nawalan ng malay.
kahit pa na takot na takot ang dalaga ng mga sandaling iyon, pinilit niya parin tulongan ang lalaking dumakip sa kanya.
Dinala niya ito sa pinaka malapit na ospital."
" Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito hija? Tanong ng doctor at agad naman tumayo si sanya sa pagkaka upo niya sa waiting area.
" Opo, Doc. pero hindi ko po siya kilala kaya sana kayo nalang po kumontak sa mga kamag- anak niya kailangan ko na po Kase umalis, Pasyensya na po kayo.""
" Sige, hija ok naman na siya ngayon, kami na ang bahala sa kanya.'
Mabilis na umalis si sanya sa ospital ayaw niya na magtagal dun.
Hanggang sa pag-uwe niya, hindi niya parin Maunawaan ang sarili niya.
Tinatanong niya ang Sarili niya, Bakit nagawa niyang tulongan ang taong nag banta ng buhay niya.
Habang nag toothbrush siya, naalala niya ang mabangong amoy ng stranghero na iyon. Kahit madilim ang paligid naanigan niya parin ang matangos na ilong nito.Natanong niya ang Sarili niya, bakit nagawa niyang tulongan ang taong nag banta ng buhay niya.
"kinabukasan"
Unti- unti minulat ng isang lalaki ang kanyang mga mata bumungad sa kanya Ang apat na kalalakihan na nasa gilid ng kanyang higaan."
" Asan ako? " Nanghihina nitong Tanong at nilibot niya Ang kanyang paningin
" Narito po kayo ngayon, Boss, sa ospital na double krus po Tayo ni spenzer.
sagot ng kanyang tauhan.
Si Gino ang strangherong dumakip sa dalagang si Sanya, Isa sa siya sa mga pinaka-masamang Mafia Boss.
Marami silang mga illegal na Gawain mapalabas man o loob ng bansa.
Nagsusupply din ng matatas na kalibre ang kanilang organisasyon.
Isang malakas na katok ang pumutol sa kanilang usapan.
Isang Galit na galit na matandang lalaki ang pamasok sa silid."
" Alam mo ba?, Kung Ilan milyon ang nawala saatin?, Dahil pabaya ka"
Galit na galit na bungad nito kay Gino.
" Mas mahalaga paba ang milyon na nawala satin kesa sa buhay ng anak niyo?" Nadismayang tanong ni Gino sa ama.
" Hindi ko kasalanan, kung nangyari Sa'yo ' yun pabaya ka.
Sa susunod na gumawa ka ng plano ng Hindi ko alam itatakwil na kitang anak ko."
Napatunayan ni Gino na mas may halaga pa sa kanya ang yaman ng ama kesa sa buhay niya.
Bata palang hindi na naramdaman ng binata ang pagmahahal ng kanyang ama.
Maaga namatay ang kaniyang Ina kaya Maaga siya naulila sa pag mamahal ng Ina kahit Minsan Hindi niya naramdaman na mahalaga Ang buhay niya sa kanyang ama.
Ang organization na pinamumunoan ng kanyang ama ay nakatakdang ipamana sa kanya, kaya't ayaw na ayaw ng ama niya na nagkakamali siya sa mga transaction nila. Malaki ang obligasyon niya bilang isang mafia Boss. Kahit nais man niyang mabuhay ng normal malayo sa buhay na kinagisnan niya ay wala siya magagawa dahil ito na ang kapalaran niya.
Ilan araw lang makalipas nang makalabas si Gino sa ospital, agad niya pinahanap ang traydor niyang kaibigan na si spenzer. Ngunit ito ay nakalabas na ng bansa.
Mas lalong lumalim ang hidwaan ng mag- ama dahil milyon Ang nakuha sa kanila ni spenzer.
Hindi madali mag accomplish ng isag transaction kaya't ganun nalang ang galit ni Don Rafael sa kanyang anak na si Gino.
Hindi pa lubos na naka rerecover si Gino mula sa tama ng baril sa ka'nyang katawan.Ngunit may mga transaction pa siya na dapat matapos agad."
" Nakahanda na ba ang lahat ng gagamitin natin na armas?." Tanong nito sa kanyang tauhan.
" Opo,Boss. Hinanda na po namin lahat ng gagamitin natin." agarang sagot nito.
" Huwag kayo titigil sa paghahanap ng information tungkol Kay spenzer.
Hayop siya, siguraduhin ko na sa kamay ko siya mamatay." Nanggigil na Sabi nito at sinimulan niya ng hampasin ang golf ball.
Magkaiba ang mundong kinabibilangan ni Gino at ng dalagang si Sanya ay nakatakda parin mag krus ang kani kanilang mga landas.
Lingid man sa kanilang kaalaman na may malalim silang ugnayan, dahil si Gino ang nakatanggap ng puso ni Ivan,
kaya hindi maunawaan ng binata ang kakaiba niyang naramdaman nang mga sandaling mag Krus ang landas nila ng dalaga.
Napag alaman ni Gino na ang babaeng pinagbantaan niya ng buhay ay siyang nag dala sa kanya sa ospital.
Ngunit hindi mawari ni Gino ang mukha ng dalaga, kahit anong pilit niyang alalahanin pagod na Kase siya ng gabing iyon at nanglalabo na rin ang kanyang mga mata kaya hindi niya maalala ang mukha ng dalagang nagligtas sa kanya.
CONTINUE