Nagtungo si sanya sa isang matirik na bundok. Madalas siya magpunta dito dahil isa ito sa mga pinangarap nila ni Ivan ang umakyat ng bundok, ngunit siya nalang ang mag isang tumupad nito.
Habang inaakyat ng dalaga ang bundok muli na naman siyang nakarinig ng malakas na putok ng baril pakiramdam niya malapit lang ang kinaroroonan ng putok na Yun. agad naglakbay ang dalaga upang hanapin ang pinag mulan ng malakas na putok ng baril.
Sa kanyang paghahanap nakita niya ang dalawang lalaki at may hawak ng baril ang isa dito at naka tutok naman sa isa pang lalaki.
" Mapupunta ka din sa impyerno Gino
hayop ka pinatay mo Kapatid ko..."
galit na galit na Sabi ng lalaking may hawak na baril.
" Huh. iputok mo na, di ako natatakot mamatay. Isasama pa kita sa impyerno."
pang aasar ni Gino sa lalaki kaya pinaputukan siya nito sa paa. ngunit hindi natinag si Gino at mang a-akmang babarilin siya nito ulit, agad kumuha ng bato ang dalaga at binato niya sa ulo ang lalaking may hawak ng baril.
Nagulat si Gino nang biglang hawakan ng dalaga ang kamay niya at sabay Silang tumakbo.
Walang ka idea-idea si Gino sino ba at kung ano ba ang ginagawa ng babae na ito sa gantong Lugar.
" Sino kaba?" Nagtatakang Tanong ni Gino sa dalaga.
" Importanti pa ba yun? kailangan natin makatakas, bilisan mo na"
Nagmamadaling nitong tugon sa binata nagpatuloy sila sa kanilang pagtakbo hanggang narating nila ang taas ng pool at wala na silang iba mapupunta dahil tubig na ang kanilang babaksakan.
Samantala, sa kanilang pag tigil agad naka sunod ang kalaban sa kinaroroonan nilang dalawa.
" Wow naman, kahit sa huli ng buhay mo, demonyo ka, May tagapag ligtas ka parin.
pero malas nyu lang dahil mamatay din kayo at dahil pakilamera kang babae ka isasama na kita hahahaha."
Isang nakaka binging halakhak nito at tinutok na nito ang baril sa dalawa,
Napabuntong -hinanga nalang si sanya. Ito na ba ang kataposan ng buhay niya?
Hinawakan ni Gino ang kamay ng dalaga
kasabay sa pag putok ng baril ay ang paglundag nila sa tubig.
Nagulat ang dalaga sa ginawang yun ng binata. Hindi nila alam saan sila dadalhin ng tubig.
Parehong nawalan ng malay ang dalawa, buti nalang may isang matandang lalaki ang napadpad sa kanilang kinaroroonan,
dinala sila sa bahay nito.
"Kinagabihan"
Nagising si Gino sa kaniyang masamang panaginip agad siyang napabalikwas sa kaniyang pagkaka higa. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang kanang braso dahil natamaan siya ng baril sa kanilang pag talon.
Patingin niya sa kanyang gilid, Nakita niya ang dalagang walang malay at napansin niya rin ang sugat nito sa noo.
" Gising kana Pala iho, kamusta ang Lagay mo? " Pag aalalang tanong ng matanda.
" kamusta na po siya? " nag aalala namang Tanong ng binata,
Bakas sa mukha niya ang pag aalala dahil ayun sa matanda kanina pang walang malay ang dalaga. Malayang napag masdan ni Gino ang magandang mukha ni Sanya.
Hindi niya akalain na may isang babaeng mag lalakas loob na iligtas siya sa kamatayan, pero nag tatalo ang isip ng binata ayaw niya mag tiwala sa kung sino man kaya iniwas niya nalang nag tingin sa dalaga.
" kinabukasan"
Nang magising si gino ay agad niyang hinanap ang dalaga dahil wala na ito sa kinaroroonan.
Nagtungo si Gino sa labas ng Kubo, Dahil hindi niya natagpuan ang dalaga sa loob.
Habang naglalakad siya nakita niya ang isang babae na nakatayo sa ilalim ng Puno nilapitan niya ito.
Napatitig ang binata sa mga mata ng dalaga ng humarap ito sa kanya.
Hindi niya maikakaila na may taglay na kagandahan ang dalaga.
" gising kana pala.ka musta ang Lagay mo?" Tanong ng dalaga habang hinahawi nito ang buhok niya.
" Sino kaba? Pinadala kaba ni spenzer? para matiyak na patay na ako?"
Nakakabanas na pag uusisa nito sa dalaga kaya sumimamgot si Sanya.
" Wala ako alam sa sinasabi mo
tumulong ako.sige papasok na ko sa loob."
Nang aakmang aalis na si Sanya bigla siyang hinawakan na mahigpit ng binata at nagulat siya sa ginawa nito.
'" Mission mo ba na akitin ako at maging spiya? bakit di mo umpisahan ngayon?" Pang iinsulto nito at nilapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga.
Sinampal ni Sanya si Gino dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito at pang iinsulto ito sa kanya
" Aray.... bitawan mo ko kung alam ko lang na ganyan Pala ugali mo sana di kita tinulongan." Naiinis na pagkakasabi ng dalaga at nilisan nito ang binata.
Nasaktan siya sa mga sinabi ni Gino,
Napa- iyak siya ng mga sandaling iyon, Hindi niya inaakala na magaspang pala ang pag uugali ng binata.
Takot mag tiwala si Gino kaya akala niya pinadala si Sanya bilang isang spiya. Ramdam niya na nasaktan niya ang dalaga pero pinipilit niya na maging masama dito.
Isa siyang Mafia Boss masama ang imahe niya sa lahat ng tao Kaya gusto ni Gino panandigan ang bagay na iyon, Sa mundong kinagagalawan niya hindi siya pede mag bigay ng tiwala.
kahit nailigtas na ng dalaga ang buhay niya ay hindi niya magawang mag tiwala.
Pansamantala, tumuloy ang dalawa sa maliit na bahay ng matanda dahil wala pa sila mahingian ng tulong para maka uwe sa maynila kaya pansamantala nilang pakikisamahan ang isa't isa.
Isang araw, Sinundan ni Gino ang dalaga
hanggang sa mapadpad sila sa isang falls. Nakita nya ang dalaga na lumoblob sa tubig. Nakita ng binata ang magandang hubog ng katawan ng dalaga. agad niyang nilihis ang kanyang paningin sa dalaga.
Maya-maya pa, napansin niya na ang tagal umahon ng dalaga. Kaya nangamba siya agad niya itong nilapitan sa tubig. Bagaman hindi niya aminin ang pag alala niya ay bakas sa mukha niya ang pag aalala sa dalaga.
Nagulat siya nang biglang sumulpot ito sa harap niya.
Sandali tumigil Ang pag hinga ni Gino, napagmasdan niya ng malapit ang mukha ni Sanya.
Ang Ganda ng mga labi ng dalaga kahit sinong lalaki ay nanaisin itong maangkin,
Nawala si gino sa kanyang ulirat dahil tila isang dyosa ang nasa harapan niya
CONTINUE