Ilang Segundo din nakatitig ang mga mata ni Gino sa mukha ni sanya.
Nang matanto niya na matagal na siyang nakatitig sa dalaga agad siyang umiwas ng tingin dito.
"Bakit kaba nandito? " nagtatakang Tanong ni Sanya.
" Wala ka pakialam kung nandito man ako, It's none of your business."masungit na tugon nito sa dalaga
" Baka naman sinusundan mo ko,
teka may binabalak ka sakin noh?"pag hihinala ni Sanya at agad niyang tinakpan Ang kanyang katawan upang maprotektahan.
" Hahahaha!!, wag ka nga patawa diyan di ko pag iinterasan yang katawan mo kahit sa panaginip." pang iinsulto nito sa dalaga at umahon ito sa tubig.
Sa pamamalagi nila sa Lugar na iyon ay walang araw na hindi nagbangayan ang dalawa.
Pareho Sila walang mga tiwala sa isat Isa.
_______________________________________
( SANYA POV )
Habang naglalakad ako papunta sa payag na Kubo ay naiisip ko na Naman ang kaibigan Kong si ivan.
Siguro hindi ako mahihirapan ng ganto kung siya ang nakasama ko sa Lugar na ito.Hindi ko alam na magiging kalbaryo lang buhay ko kasama ang lalaking walang utang na loob.
Nang makarating na ko sa payag na kubo, Nakita ko na natutulog Pala ang antipatikong lalaki na iyon.
Gusto ko sana magpahangin kaso naunahan niya na Pala ako.
Napansin ko ang ganda Pala ng pilik mata nito at yung mga labi niya mapula pula di ko maiwasan na hindi siya pag masdan.Hindi ko alam bakit parang na magnet ang mga mata ko sa kanya. Naisip ko baka mamaya magising ito at pag isipan na naman ako ng masama. Kaya nagdesisyon na ako umalis ngunit hindi pa ko nakaka hakbang palayo naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at hinatak ako nito, Dahilan para magka dikit ang mga katawan namin.
Nakaramdam ako ng kakaibang pamamanhid sa katawan Hindi ko matukoy kung ano ba ito.
" Ngayon mo Sabihin sakin na wala Kang Pina plano, pumunta kaba dito para akitin ako?" pang iinsulto nito sakin at pinilit Kong makawala sa mga bisig niya ngunit sadyang malakas siya kaya napailalim ako at mas nilapit nito ang mukha niya sa mukha ko.
Amoy na Amoy ko ang hininga niya, Hindi ko alam kung hihinga paba ako ng mga sandaling iyon.
"Nababaliw kana bitawan mo ko!!" Pasigaw Kong pagkakasabi ngunit ngumiti lang ito na tila Nang aasar.
" Tataposin na natin ang mission mo"
pang aasar nito sakin at ng unti unti niyang nilalapit ang labi niya sa labi ko at di na ko nag dalawang isip na kagatin siya sa kamay. agad agad niya akong nabitawan kaya nakatakbo ako takot na takot ako ng mga sandaling iyon.Hindi ko namalayan na tumutulo na pala Ang mga luha ko.
Tumulong lang naman ako pero bakit ganito ang ginagawa niya sakin, Hindi ko deserve ang gantong trato.
Pumasok agad ako sa kwarto at dun ko iniyak lahat ng bigat sa dibdib ko.
Maya- maya pa narinig ko na tinatawag ako ni manong ang may ari ng bahay. May maganda daw siyang balita para samin kaya agad Kong pinunasan ang luha ko at tinungo si manong.
Paglabas ko nandun din ang bastos na lalaki na Yun. Binalita samin ni manong na isasabay niya kami sa kaibigan niya pauwe ng maynila kaya pinag hahanda na kaming dalawa.
Naka hinga ako ng malalim dahil makaka alis na rin ako sa lugar na yun ayuko na makasama ang bastos na lalaking iyon.
Maaga palang ay sinundo na kami ng kaibigan ni manong upang isabay pa maynila.
Wala kami kibuan dalawa hanggang sa makarating na kami ng terminal pa puntang Maynila.
Nang makarating kami ng Maynila nagkatinganan pa kaming dalawa Bago namin talikuran Ang Isat Isa.
Hindi ko alam pero bakit tila nalulungkot ako. Nang nagka talikuran na kami
narinig Ko Ang mga salitang salamat Mula sa kanya.
Gumaan ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon narinig ko na din ang mga salitang iyon Mula sa kanya.
" Salamat sa pag ligtas ng buhay ko.
ito na ang huling araw na makikita kita,
Isipin mo na di mo ko nakilala burahin mo ang pagkatao ko sa isipan mo.
Kung magkikita man Tayo ulit itrato mo ako na parang Hindi mo kilala."
Hindi ko nauunawaan ang nais nito bakit niya sakin sinasabi ang mga bagay na Yun.Pagkatapos niyang Sabihin ang mga nais niyang Sabihin sakin ay tuloyan na siyang lumayo sakin...
Sang ayon din naman ako sa nais niyang Gawin ko.
Hindi ko kilala ang pagkatao niya kaya dapat lang na burahin ko nalang siya sa mga alala ko at isipin na Hindi ko siya nakilala kailanman.
Paano ko ba uumpisahan ang lahat ilang araw akong nawala sa trabaho hindi ko alam kung may babalikan pa ba akong trabaho kailangan ko mag submit ng napaka habang report.
Nang maka uwe na ko sa bahay dun ko naramdaman lahat ng pagod ko.
Kung nandito lang sana si ivan ede sana may Tag masahe ng ulo ko.
miss na miss ko na talaga siya sana natatanaw niya ako ngayon.
Humiga ako sa kama ko at napatitig sa kesame bigla nalang lumabas Ang mukha ng antipatikong lalaki na Yun
bakit ko ba Kase siya naalala.
Hindi nabubura sa isip ko yung mukha niya hindi ko siya type mas lalong Hindi ko siya gusto dahil bastos siya at masungit kaya bakit ko ba naiisip Ang mukha niya.
Ang gulo gulo ng utak ko Hanggang sa pag toothbrush ko bakit bigla ko nalang maalala mga labi niya yung pilik mata niya. Hayyyy mababaliw na yata ako bakit ganto bakit??????
Nilabas ko lahat ng lumang gamit ni Ivan para kahit papaano maiwas ko ang isip ko sa antipatikong lalaki na Yun.
Sa pagkakalkal ko sa gamit ni ivan may nakita akong kwentas na may heart na pindan binuksan ko yun. Nakita ko ang litrato ni ivan kasama ang isang may edad na babae iniisip ko siguro ay sya ang ina ng kaibigan ko.
Binalik ko din Naman sa pagkakatago ang mga gamit niya.
Humiga ako nagpatogtog ng worship song hindi ko alam bakit hirap ako matulog ng gabing iyon. Gustong gusto ko na talaga matulog pero di ko alam kung paano.
CONTINUE