( GINO POV )
Nang maka uwe ako sa maynila, dumarityo ako sa mansion ng aking ama upang ipaliwanag ang pagkawala ko.Kahit hindi pa ako nakakapasok ng lubusan, naririnig ko na ang galit na galit na boses nito."
" Napaka inutil n'yong lahat,
Hanggang ngayon, Wala pa kayong nakukuha na impormasyon kung nasan si Gino, kung buhay pa ba siya..."
Galit na galit na sermon nito sa mga tauhaan namin. Nang binuksan ko Ang pintuan lahat ng tauhaan namin nagulat sa pagbabalik ko.
" Buhay na buhay pa ko, Papa"
naka-ngiti kong pagkakasabi at nilingon ako ng aking ama. Nakita ko ang galit na mukha nito, Agad agad itong lumapit sakin at sinuntok ako sa mukha.
" Siraulo ka nga, nakukuha mo pang ngumiti pagkatapos mo pabayaan lahat ng transaction natin nababaliw kana...''
Subra subra ang galit sakin ni Papa dahil sa kapabayaan ko pinilit kong maging kalmado ng mga sandaling iyon.
Isang ngiti parin Ang tinugon ko sa kanya habang pinupunasan Ang dugo sa labi ko
alam Kong walang halaga Ang buhay ko sa ama ko isa lamang akong investment
sa mga negosyo niya.
" Ang ganda naman ng pag-welcome nyu sa pagbabalik ko Papa.Na appriciate ko kayo." Mas lalong nabanas Ang ama ko sa mga sinabi ko kaya muli niya Kong sinuntok at Nakita ko ang pag aalala ng mga personal Kong tauhaan.
Hindi na ko umaasa na mag aalala sakin Ang ama ko dahil Wala lang ako sa kanya pero kahit ganun never ko siyang tinalikuran.
Sa pagbabalik ko ang dami palang naka pending na transaction at appointment na ako ang may responsibilidad.
Gaganapin Pala sa susunod na araw ang schedule ng pag uusap namin ng matalik na kaibigan ni Papa na si Mister Garcia.
Uuwe na Ang pangalawang anak nito na galing U.S.A
Si Daisy Ang babaeng anak ni mister garcia na naka takda Kong pakasalan.
18 year old palang ako nagkaroon na ng arrange marriage sa pagitan namin dalawa.
Sapilitan man ito Wala ako magagawa dahil sa mundong ito ay Hindi ako Malaya makapag desisyon para sa Sarili ko.
May malaking Hotel na pagmamay ari si Mister Garcia isang Hotel na sikat sa manila marami din mga negosyo si Mister Garcia at isa ito sa member ng aming organization .
Gusto ni Papa na mas lumawak pa Ang organization na pinamumunoan niya at alam niyang malaki ang maititulong ni Mister Garcia once na maikasal kami ng anak nito. Mas lalim Kase Ang ugnayan nila ni papa masakit man para sakin na isa lamang akong investment sa lahat ng negosyo ni Papa at tinanggap ko na lang na ganito ang kapalaran ng isang mafia Boss.
Hindi malaya sa lahat ng oras walang tao pangangarapin ang buhay na mayroon ako gusto ko maging malaya ngunit Hindi mangyayari yun.
_______________________________________
" Makalipas ang isang Araw "
Abala ang lahat ng buong staff ng Enchanted Hotel dahil may VIP guest sila Ngayon darating ang future son-in- law ng CEO ng Hotel kaya dapat lahat ng staff ay presentable at perpektong haharap sa kanilang panauhin.
Isa si Sanya sa staff ng Hotel na pag may aari ni Mster Garcia.
Isang Concierge ang dalaga sa Hotel at siya din ang napili ng kanilang manager para mag- assist sa kanilang VIP Guest.
Maaga palang naghanda na ang dalaga para sa pagharap niya sa guest.
" Maging handa kayo.Ilan minuto nalang darating na ang future son- in- law ng CEO. Ayusin natin lahat ang ating mga trabaho." Siryosong paalala ng manager sa buong staff.
Ilan minuto lang, Ang lumipas dumating na ang future son- in- low ng CEO ng Hotel.
Nagulat ang lahat sa pagpasok nito sa lobby entrance ng hotel.
Bumungad sa kanilang harapan ang napaka- gwapong mukha nito.
"Samantala, nang laki ang mga ni Sanya nang makita si Gino.
Hindi niya inaasahan na ito pala ang kanilang Guest. Agad iniwas ng dalaga ang kanyang mukha.ngunit huli na dahil nakita na rin siya ni Gino.
Sandaling huminto si Gino sa harapan niya at nagpigil siya ng pag hinga.Hindi niya alam paano ba niya ito ia-aproach.
Bahagyang tumingin sa kanya si Gino ng ilang sekondo.
Maya- maya nagpatuloy din ito sa paglalakad papasok ng Hotel.
" Wow, napaka gwapo maman Pala ng future son- in- law ng CEO natin." Namamanghang Sabi ng isang staff ng Hotel.
" Kaya nga, napaka gwapo niya.pero teka lang, napansin mo ba? Tumingin siya Sa'yo Sanya. Hindi mo ba napansin?.
Nagulat si Sanya sa Tanong nito ngunit Hindi niya pinahalata na kabado siya
" Naku, ano kaba? sa iba siya nakatingin
bakit naman ako titignan nun?
palusot nitong Tanong.
Nang magkaroon ng break agad agad nag tungo si Sanya sa comfort room dun niya ilalabas lahat ng hininga nyang pinigil ng mga sandaling iyon.
Hindi siya makapaniwala naagkikita pa Sila ni Gino sa ganung sitwasyon.
Iniisip niya paano ba siya haharap dito, siya pa Naman Ang naka- assign na mag- aassist dito.
Habang nasa comfort room siya, inaral niya na kung paano siya magiging formal sa binata nang hindi kinakabahan,
Kailangan niya magpanggap na hindi niya ito kilala kailangan niyang magawa ng tama ang kanyang trabaho.Naka ilang in hale at ex hale na siya para lang maging kalmado siya.
Nang makalabas na siya ng comfort room pinatawag siya ng Manager niya upang palalahanan na Gawin niya ng maayos ang kanyang trabaho kailangan ma satisfied ang VIP nila sa kanilang serbisyo."
Pinapunta na ang dalagang si Sanya sa Rooftop ng Hotel na kung nasaan nandun ang kanilang VIP Guest .
Bago pa man tuloyan umakyat ng rooftop ang dalaga, isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan at pumasok na siya sa pintuan papunta sa kinaroroonan ng guest nila.
Nilibot ni Sanya ang mata dahil hinahanap niya si Gino Tinongo niya ang Isang vip seat kung nasan si Gino.Naka upo lang ito habang umiinom ng wine.
" Good afternoon po sir, Ako po ang mag- a-assist sainyo ngayong araw." Naka ngiting bungad nito Kay Gino.
Tumitig ng matagal sa kanya ang binata dahilan para mailang siya dito.
" Tawagin mo ang manager mo paki Sabi Palitan Ang mag- a-assist sakin."
Nagulat si Sanya sa mga sinabi nito hindi niya alam bakit ganto makitungo sa kanya Ang lalaking ito.
"CONTINUE"