Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero parang nagiging predictable na ako pagdating kay Jack . Napansin ko kasi—lately, masyado na akong soft. Ako na ang laging nauunang pansinin siya, ako na ang unang nagre-react sa kahit anong ginagawa niya. Hindi pwedeng ganito. Kaya simula ngayon, ako naman ang magpapahirap sa kanya. Tama. Dapat ako naman ang magpakipot. Papasok pa lang ako sa hallway, at bago pa ako makarating sa classroom, sumulpot na agad ang ultimate test ng pagiging pakipot ko. “Bhem,” tawag ng pamilyar na boses—isang boses na parang may exclusive VIP access sa sistema ko. Napalingon ako—syempre discreet lang—at nandoon si Jack, naka-white shirt at black jeans, mukhang bagong ligo, at amoy pang mayaman. May hawak siyang dalawang bottled water, at isa doon, iniabot niya sa’

